We stopped in a abandoned building, hindi ko alam kung nasaan kami.
"Stay here.." he said and left me inside the car.
I looked around, walang tao. Tanging abandonadong building at mga puno. Sira ang salamin ng kotse, he locked me here. I don't know how he did it, wala naman siyang susi!
I hugged my self, nilalamig na ako! It's already dark and cold. Basa ang gown na suot ko! Basang basa ako hanggang ngayon.
I closed my eyes, trying to remember everything.
Mabilis na nag unahan ang mga luha ko dahil sa pag aalala. How's my Lolo and Lola? Ang mga bisita? Ang mga Tita and Tito ko? How about the kids?
Hindi ko napigilan ang pag iyak dahil sa pag aalala. The kids, my relatives, I hope that they are all safe.
I wiped my own tears, nakita ko si Syd na nakatayo sa tapat ng kotse, hinubad niya ang kanyang long sleeve polo. Mayroong dugo ang kanyang balikat. Worried and angry, kinalabog ko ang pintuan ng kotse.
"Alisyd!" sigaw ko at pilit na binuksan ang pintuan. He glanced at me, mabilis din na inalis. Sinira niya ang kanyang polo.
"Buksan mo! Putangina!" sigaw ko ulit. He looked at me, gulat at hindi makapaniwala.
Sa sobrang galit at pag aalala, kinuha ko ang baril sa dashboard at mabilis na binaril ang pintuan ng kotse, kusa itong bumukas.
Mabilis akong bumaba ng kotse at lumapit sa kanya. He was unmoving and stoic.
Nanginginig ang aking kamay na humawak sa kanyang braso para makita ang kanyang sugat na dumudugo.
He was emotionless.
"Let's go to the h-hospital." sabi ko sa kanya. Umiling siya at binawi ang kanyang braso sa akin.
"Hindi na kailangan." malamig na sabi niya at kinuha ang kanyang polo at naglakad papalayo sa akin.
Napahilamos ako sa sarili kong mukha at mabilis na sumunod sa kanya. He opened the door of the abandoned building, sumunod ako sa kanya.
I was breathing heavily and fast. Tumigil na sa pagluha ang aking mga mata.
Madilim at tahimik ang loob ng building. Sirang pader at sahig, maalikabok at walang gamit kundi mga sirang gamit at hindi na mapapakinabangan.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Wala akong makita sa nilalakaran ko kaya dahan dahan ako. Barefoot on the cold and dusty floor.
Tumigil siya sa isang kwarto at pumasok doon. The room was different, mayroon lumang kama at hindi gaanong maalikabok.
Deafening silence filled the whole room. I closed the door and locked it for safety.
"Are we safe?" tanong ko sa kanya at iniikot ang paningin sa loob ng kwarto.
"I don't know.." he timidly answered.
Inikot ko ang buong lugar at naghanap ng pupwedeng magamit. Nakaupo lang si Syd sa kama, nakapikit at mukhang pagod.
Binuksan ko ang mga kabinet at mayroong nakitang mga tela. Nakakita rin ako ng isang bottle water. Pupwede na 'to magamit..
"Let me clean your wounds.." mabilis na sabi ko at pinunit ang tela na nakita ko.
He opened his weary eyes and it met my worried eyes.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...