I slapped his arms when he snaked it around my waist. I felt his chin over my shoulder.
"Ano ba!" natatawang saway ko sa kanya. Naglilinis ako ng lamesa at kapag nakita kami ni Madam ay baka mapagalitan pa kami!
"I miss you.." he whispered. Natawa ako sa sinabi niya.
"Oh, shut up, Alisyd!" natatawang sabi ko at kinalas ang kanyang braso sa aking bewang.
Tinuloy ko ang pagpupunas ng lamesa, last na lamesa na 'to at pupwede na kami umuwi ni Syd. Magsasara na ang Therese.
Ang lalaking 'to, may pa 'I miss you' pang alam eh nasa iisang lugar lang naman kami!
He just became like that, annoying and clingy, after what happened in the laundry area last 2 weeks ago. After he kissed my cheek that night, siya ang nagtapos ng labahin at hindi manlang ako pinatulong!
Nagulantang pa ako dahil sa inakto niya noong pagtapos non, he tucked me in my fucking bed! Gulat na gulat ang buong sistema ko dahil doon, pero ang puso ko ay akala mo ay kinikiliti!
Nadagdagan ang pag aalaga at ang pake niya sa akin pagtapos ng araw na 'yon. Nakakagulat pero mukhang nagustuhan ko rin naman.
Sinong hindi?
Kinuha ko na ang gamit ko sa locker at nakita si Syd na may kausap sa cellphone. Tumigil ako sa likuran niya at narinig na si Ciara ang kausap niya. Agad na nalukot ang puso ko dahil don.
Sumenyas na lang ako sa kanya na mauuna ako sa labas. Hindi ko na inantay ang sagot niya, basta ay lumabas na ako.
Mabilis na kumalat ang selos sa buong sistema ko. Bakit ba ako nagseselos eh wala namang kami ni Syd! Ayun na nga eh, walang kami pero bakit ganon ang pinapakita niya?! Bwiset.
Inis kong sinipa ang bato sa daan, nagulat ako dahil may natamaan non. Nakita ko si Melvin na nakangisi sa akin at umiiling. Siya ang natamaan ng batong sinipa ko!
"Sorry!" I said and tried to smile. He just nod and gave me a smile.
"Uuwi ka na?" tanong niya sa akin. Tumango ako at lumingon sa loob.
"Inaantay mo si Alisyd?" tanong niya. Tumango ako at napanguso.
Natagalan siya sa loob dahil may kausap pa sa cellphone! Tsk!
"Pauwi ka na?" tanong ko sa kanya, halata naman sa kanya pero gusto ko magtanong eh.
"Oo, kakain sana ako kaso sarado na pala." sabi niya at tumawa. Nilingon ko ang mga katabing shop ng Therese. Bukas pa naman pero baka hindi gusto ni Melvin ang mga fatty foods.
"Ayaw mo sa burgers at pizza? Bukas pa naman 'yung Yancy ah." sabi ko at itinuro ang tindahan na malapit sa Therese. He looked at the shop before glancing at me.
"Mukhang wala na akong choice." he said and chuckles. Tumingin siya sa akin at sa loob.
"Ililibre kita, pwede ba 'yun? Hindi ba magagalit si Alisyd?" nag aalangan na tanong niya.
Tumingin ako sa loob, wala pa naman si Syd. Baka nagkwentuhan pa sila ni Ciara.
"Hindi 'yan. May kausap sa phone niya." sabi ko at tumawa.
Sumama na ako kay Melvin papunta sa Yancy. Nakakahiya naman kung sabihin ko na hindi pwede, hindi ko naman talaga boyfriend si Syd kaya bakit kailangan pa ng permiso sa kanya?
Eh siya nga hindi humihingi ng permiso sa akin kung pwede ba sila mag usap ni Ciara! Whatever!
Napairap ako sa hangin at sumunod na lang kay Melvin.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...