chapter 20

28 4 0
                                    

Humikab ako at nagmulat ng mga mata. May comforter na nakapulupot sa akin at dim ang ilaw.

Bukas din ang aircon at electric fan. Magkano kaya ang bill ni Syd? Nagulat ako nang makita si Syd na kakalabas lang ng banyo. Wala siyang suot na tshirt, tanging shorts lang.

“Sorry, akala ko tulog ka pa..” sabi niya at mabilis na nagsuot ng tshirt. Tumalikod siya sa akin noong nagsuot siya ng damit.

Inayos ko ang suot kong uniform pati ang buhok ko. Humarap siya sa akin at nagpunas ng basa niyang buhok.

“Bumili ako ng tapsilog. Kumain muna tayo bago kita ihatid.” sabi niya sa akin at itinuro ang dalawang supot sa coffee table niya.

“S-Salamat.” nahihiyang sabi ko sa kanya.

Nag iwas ako ng tingin at muling inayos ang uniform ko. Naamoy ko ang shower gel ni Syd dahil umupo siya sa tabi ko. May kaunting pagitan sa gitna. Never siyang umupo sa tabi ko na sobrang dikit. It's like he's respecting my personal space. Sa motor niya lang kami sobrang nagkakadikit.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. He sounded very worried.

“Ayos na ako...” sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya.

“I'm always here.” his voice  were deep and lovely. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Inihanda niya ang plato at kutsara. Pati na din ang baso at inumin namin. Mukhang bumili pa siya ng mineral water para lang sa akin. He's spending too much for me.

Tinulungan ko siya sa paglabas ng mga pagkain sa supot. Napatingin ako sa kanya nang mailabas ko ang isang pagkain. He's smiling while putting the food on the table.

“I know that's your favorite. So I bought it, para madami kang makain.” nakangiting sabi niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya at matamis na ngumiti. He really knows how to make my heart dance.

Inilapag ko ang isang plastik ng kwek kwek at inilagay ang sawsawan non sa isang mangkok. Inayos ko ang plato namin ni Syd at ngumiti sa kanya.

“I am too much for you.” sabi ko sa kanya at tumitig sa mga mata niya.

“No, you're not too much.” simpleng sagot niya at nilagyan ng kanin ang plato ko.

“Gusto kita, Syd.” I confessed again. He stopped putting rice on my plate and looked at my eyes. I can't read his eyes because I am very nervous and anxious.

Does he like me, too?

“You know my answer, Heldigar.” his cold voice broke my heart. Pilit akong lumunok at ngumiti sa kanya.

Tumango ako at nagsimulang kumain kahit na gusto kong umiyak at hindi na magpakita sa kanya. Hindi na ako muling tumingin sa kanya. Pero ramdam na ramdam ko ang kanyang mabigat na tingin.

Sumubo ako ng isang buong kwek kwek at mabilis na nginuya yon. I want to finish this para makauwi na ako.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko, wala pa sa kalahati ang nakakain ni Syd nang matapos na ako kumain. Uminom din ako ng tubig at tumingin sa kanya.

“Uh...Pwede na ako umuwi?” tanong ko sa kanya habang kumakain siya. I know it's rude pero tangina, gusto ko na umiyak!

“Nasa study table ko ang susi mo.” malamig niyang tugon at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Tumango ako at naglakad papunta doon. Kinuha ko ang bag ko at ang susi. Umupo ako sa kama niya at sinuot ang sapatos ko.

“Thank you, Syd.” sabi ko at di siya tinignan. Dire diretso akong lumabas ng apartment njya. Hindi pa ako nakakababa ay napahinto ako at pinunasan ang mga luha na nagbagsakan.

EscapadeWhere stories live. Discover now