"Heldigar!" Syd called. Napapikit ako ng madiin at humarap sa kanya at pekeng tumawa.
"Oy, Syd!" pekeng sabi ko kahit na nakita ko na siya kanina pa.
Kitang kita ko ang pagtataka ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Malelate na ako sa klase ko." hilaw na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang pala pulsuhan ko at hinila papunta sa hindi ko alam.
"Wala tayong klase ngayon." sabi niya at hinila ako papunta sa likuran ng school.
Pinaupo niya ako sa isang lumang silya at nakapamaywang siya sa harap ko. Napakagat ako sa labi ko at di tumitingin sa kanya.
"I told you last night that we will talk. So why are you avoiding me?" iritadong tanong niya sa akin. Inayos ko ang binti ko at bahagyang binaba ang palda.
"Busy lang.." sagot ko sa kanya.
"Really? Kaya di ka tumabi sa akin sa lahat ng subject na magkaklase tayo? Wow, you must be really busy." he sarcastically said.
Nanatili akong tahimik. Ayokong humarap sa kanya ngayon dahil namamaga ang labi at pisngi ko. I even wore a face mask para di makita at maitago. At ang binti at braso ko ay may mga pasa, hindi ko na naitago ang mga pasa dahil late na ako sa unang klase ko.
"Are you sick?" tanong sa akin ni Syd habang nakatingin sa braso ko. Iniharang ko ang bag ko para maitago ang mga pasa ko sa braso.
Tumango ako.
"Stop lying." bakas sa tono nang pananalita niya ang pagcocontrol ng pagtataas niya ng boses.
Nakatitig lang siya sa akin. Napabuntong hininga ako at tinanggal ang suot kong face mask. Napakagat ako sa labi ko at di makatingin ng diretso kay Syd.
"What t-the fuck?!" he cursed. Hinawakan niya ang baba ko at inangat yun ng dahan dahan. I looked away..
"Binugbog ako ni Daddy kagabi.." sabi ko sa kanya, hindi ako makatingin.
And when I had a courage to look on his reaction, all I can see is a blank expression while looking at my face.
"I'm s-sorry..." his voice cracked.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ang buhok ko na hinangin.
"Ayos na ako ngay----"
"I told you to not say that you are okay when you are absolutely not!" he angrily said. Napaawang ang labi ko dahil doon.
Agad na lumambot ang ekspresyon ni Syd nang makita ang reaksyon ko. He looks so frustrated and mad. And I don't think that I can soften and calm him right now.
"I'm sorry. I am mad, very mad." I can sense that on his voice.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. I showed him every bruises that I had last night. His jaw was clenching and his eyes were fuming mad. Panay ang paggalaw ng kanyang panga dahil sa iritasyon at galit.
I held his hand, agad siyang tumingin sa akin.
"Maybe I am not fine right now, but I will be fine. I promise." sabi ko sa kanya at ngumiti. Pumikit si Syd at huminga ng malalim. Pagdilat ng mga mata niya ay kitang kita ko ang pagkinang non habang nakatingin sa akin.
Umupo si Syd sa tabi ko at isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. I can hear his heartbeats. It feels so peaceful.
"I don't want to see you in this kind of state again. We need to run away as soon as possible...." he whispered. Tumango ako at pumikit.
"Kahit saan mapadpad, basta ikaw ang kasama." bulong ko.
---
Ginawa ko ang lahat para hindi mahalata na nag lalabas ako ng mga damit ko sa bahay. Inilalagay ko yun sa bag ko at ibinibigay kay Syd. Napagplanuhan na namin ni Syd ang pag alis sa mismong araw ng birthday ni Eilly.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...