Chapter 3
"Hayy! Saan kaya nagpunta si Matheo? Hindi ko na siya nakita kanina doon sa school hanggang sa umuwi tayo..." Nakapout kong saad habang busy sa paglalagay ng face mask at nakaharap sa salamin.
"Nakita kong umalis siya kasama sina Cheska at Rack. Hindi ko na nasabi sa'yo kasi akala ko nakita mo," aniya habang nagbubuklat ng magazine.
Napasinghap ako at natigil sa ginagawa. Kitang kita ko siya sa repleksyon sa salamin ko.
Nakahiga siya sa kama ko na naka-red spaghetti strap at short shorts. Her slim and slender body highlighted as the light from my room directed to hers.
"What?! Hindi ko alam!" I spatted at her. Nawala ang atensyon ko sa harap ng salamin at napabaling sa kaniya. Dala pa rin ang gulat kong ekspresyon.
Nanatili siyang nagbabasa ng seryoso sa magazine na hawak at parang hindi pa narinig ang sinabi ko.
"You should've told me about it! Is Nikka with him? Or any other girls? Are you sure it's only Cheska and Rack—"
Natigilan ako ng makita ko ang nakangiwing itsura ni Ava. Nakataas rin ang kilay niya at parang hindi makapaniwala na napatitig sa akin. Ibinaba niya ang magazine at dahan dahang umupo sa kama ko. Still with her 'I-can't-believe-you-look'.
"You're an addict." Sabay iling iling niya.
I blinked twice and shifted on my seat properly. Tumikhim ako.
"I'm asking you, Ava."
Huminga siya ng malalim.
"It's only Cheska and Rack who's with him. No Nikka and no other species of girls. Huwag ka ngang maghisterical."
"Nakalabas ba siya ng maayos?—"
"Really?!" She rolled her eyes. Umalpas ang ngisi ko na siyang pinandilatan niya.
"Fine! Inaasar lang kita." Ani ko.
"Yeah, whatever. May sasabihin sana akong ikakasaya mo pero... pinairita mo 'ko kaya nevermind na lang," sabi niya at bumalik ulit sa pagkakahiga sa kama.
Dumagundong ang puso ko dahil sa sinabi niya. Every time she's like this, matagal talaga bago niya sabihin sa akin ang good news.
Minsan lang siya magsabi ng good news sa akin at lahat ng iyon ay talagang ikakatuwa ko. Because it's all about my Matheo.
Dali dali akong tumakbo at tumalon sa kama. Napasigaw pa siya ng medyo naalo ang kama kasama ang ulo niya. I giggled.
"Adik ka talaga," nakasimangot na aniya habang hawak ang ulo.
Mas nilapitan ko pa siya at tudo ngiti na ngayon sa harapan niya.
"I'm sorry..." I pouted. Umismid lang siya. "Can you say the good news now, please?" I pleaded.
Natawa siya at napailing. Nagsimula ulit siyang magbuklat ng magazine na parang wala ako sa tabi niya. Mas lalo akong napanguso at bahagyang hinila siya sa braso.
"Please? Ava?"
Umiling ulit siya at pinabayaan ako. Napahinga ako ng malalim at agarang may naisip. Mabilis akong umupo sa kama at tumikhim. Inayos ko rin ang buhok kong medyo nagulo na at tinanggal ang face mask sa mukha. Seryoso ko siyang tinitigan.
"Your Lady wants to know your good news," I said crossed-arms and in a strict manner.
Hihi. Kapag kaharap ko lang ang mga magulang ako dapat ganito, pero excited akong malaman ang good news niya kaya tingin ko ay wala na akong ibang choice. Forcing her won't do good.
BINABASA MO ANG
Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔
Romance[COMPLETED] "My life is already shitty. I always wanted to give up... but when I see you... I don't understand why I always find hope and just want to pursue more even if it hurts." -Jane Jane Nathalea Sandilva Arohe was born rich and prestigious. S...