Chapter 9

522 30 0
                                    


Chapter 9







Matheo's POV



"Masaya akong ginagawa mo ang mga sinasabi ko, pero parang nasosobrahan mo ata?" I can clearly feel the sarcasms everytime he spoke.

Napayuko ako. Kahit sa facetime ko lang siya nakikita ngayon ay hindi pa rin mawala ang kaba sa puso ko.

Nang makita niyang wala akong planong magsalita ay nagpatuloy siya.

"Ginagawa mo ba talaga ang tama?" Ani pa niya. Tila minamaliit ako.

I gulped hard after hearing those. His words feels like a dagger.

"Ang ginagawa ko po ay mali..." Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Natahimik siya at napaupo ng maayos sa kaniyang upuan. Ang mamuti-muti niyang buhok dahil sa kantandaan ay kitang kita ko mula sa laptop. Ang mga kulubot sa kaniyang mukha dahil sa katandaan ay medyo nagsisilabasan na. Sundan pa ng matalim na tingin na iginagawad niya sa akin ngayon. Pero hindi ako nagpatinag.

"Mali?" He laughed sarcastically. Matagal bago siya tumigil sa pagtawa at ng natapos ay binalik niya ulit ang mga matatalim niyang mga titig sa akin. "May I know, why?"

I take a deep breath at clenched my jaw. I can clearly hear my teeth touch roughly to each other.

I can't show my pain and anger in front of my girl's father. Magiging dahilan lamang ito para mas mapalayo ako sa kaniya.

"If you love your daughter... leave her alone. She's old enough to make her own decisions... Sir."

He scoff.

Napatiim bagang ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko tinanggal ang mga mata ko sa kaniya kagaya ng ginagawa niya sa akin ngayon.

I'm doing this for my girl. Gusto ko na siyang makuha. Gusto ko nang itigil ang kahibangang ito. I'm tired hurting her just what her father wants me to do.

I'm tired and at the same time, ilang taon na rin akong nagtitiis at nasasaktan. Dahil lang sa pagpapaasa at kasinungalingan.

This shit should end! And I take all the consequences. Whatever it is. Just so I can finally take her.

"Sige," aniya sabay hithit sa sigarilyo.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"S-Sir?" I asked shakily.

Bumuga siya ng usok kasabay nang pagdiin niya sa apog ng sigarilyo sa isang platito.

"Sa isang kondisyon." His voice and words made my insides tremble.

Kahit ano... Kahit ano.

He stared at me. "Ang anak ko na naman ang susubukan natin. Kung mahal ka pa rin niya hanggang sa matapos ang tatlong taon... pababayaan ko na kayo. Pero kung wala na siyang maramdaman sa'yo..." He smile devilishly. "Pasensyahan tayo."

Palihim kong napakuyom ang mga kamao ko. Ang lahat ng galit at puot ay idinirekta ko sa mga kamay ko. I closed my eyes firmly and remember her angelic face.

Her dark curly hair. Her pitch black eyes. Her addicting scent. Her paper white skin. Her kissable red lips. Her smiles, jokes, sarcasms, flaws and everything.

I trust you...

"Sige." I stopped midline. I stared doughtily at him. "Sa isa ring kondisyon..."

Natigilan siya at nagtaas ng kilay sa akin. Naging hudyat ko iyon para magpatuloy.

Huminga ako ng malalim at pinag-isipan ang sasabihin. Sa huli ay nakapagdesisyon na rin.

Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon