Chapter 15

443 35 0
                                    

Chapter 15






Habang papalapag ang eroplano sa airport namin mula sa apat na byahe sa himpapawid ay panay naman ang sulyap ko sa dalawang bodyguard na nasa tabi ko.

Both Ava and Chariya with their serious expression, stand strong beside me. Ang tingin ay parehong nasa unahan. May mga nakasabit na itim na ear pods sa tenga. Nakasuot ng itim na suit at kahit hindi ko na suyurin pa ng tudo ay parehong may mga baril sa loob ng katawan.

Inayos ko ang butterfly glasses ko at huminga ng malalim. Kailangan kong pag-isipan ng tudo ang pagtakas ko gayong alam ko na kung saan ko unang hahanapin si Matheo.

Nangunot ang noo ko ng nakitang natatawa si Josh habang nakatitig sa akin. Sinipatan ko siya at inirapan.

"Sociable ka kasi e. Maraming nakakakilala sa'yo kaya dapat lang na may bodyguards ka talaga," bakas ang panunuya sa boses niya.

I rolled my eyes on him and just shifted on my seat. Dumekwatro ako at pasimpleng pinagmamasdan si Ava at nag-iisip na rin para sa pagtakas.

Habang nag-iisip ng malalim ay kunot-noo namang napabaling sa akin si Ava. Tinitigan niya ako na parang alam niya kung ano ang iniisip ko.

Napasinghap ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Bwisit! All I need to do is run to my car and drove away as fast as I could!

Sana nandoon na nga ang sasakyan ko!

"May mga reporters sa labas, hindi ka makakaalis basta basta," sabi ni Ava na lihim ko namang sinimangutan.

I know that too! Ang kailangan ko lang ay ang magpatakbo ng mabilis! Para makatakas! Damn.

Bakit pa kasi may nakamukha sa akin na schoolmate ko sa Australia? Ikinalat pa talaga na isa akong Sandilva at ikalawa sa tagapagmana! Dahil sa isiping iyon ay naalala ko ang pagyayabang ni Nikka sa akin dati tungkol sa pamilya niyang nakapag-invest sa amin. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Sigurado akong hiya.

"I'm not going anywhere, either!" I spatted at her. Nanatili lang ang seryoso niyang titig sa akin. Agarang may sakit na umusli sa puso ko dahil doon.

She's not my Ava anymore. Madalas niya akong binabara at binibiro dati pero sa loob ng tatlong taon na nasa Australia ako at kasama siya, hindi ko na iyon naramdaman pa. Maybe she's just acting for my sake. Being friendly and all. Just for my fucking sake! I'm just her job! Malinaw na malinaw iyon.

Masyado siyang loyal kay Daddy na talagang ayaw niya itong biguin. Pati pagkakaibigan ay kaya niyang itakwil sa akin. And that's the reason why I'm still mad at her. Kung sana ay nagpatuloy siya sa pagtrato sa akin bilang kaibigan ay hindi magkakaganito. It's also Daddy's fault too! Kung hindi niya sana sinabihan ang mga tao sa paligid ko na trabaho lang ako at bawal na mapalapit ang loob sa akin ay magiging madali sa akin ang lahat.

I slightly massage my temples to relax myself from those stupid thoughts. Hindi rin naman nagtagal ay nakalapag na kami ng tuluyan sa airport.

I stand and walked gracefully with Ava and Chariya beside me.

"Mamaya pa kami bababa kapag nakaalis na kayo pati na rin ang mga reporters sa labas," ani ni Josh habang nanatiling nakaupo malapit sa bintana at tinatanaw ang labasan.

Lumapit rin ako sa bintana at tiningnan ang labas. May mga tao nga roon na may dalang camera. Nasa mga sampu. Inilipat ko ang tingin ko sa babaan.

Napabuga ako ng hangin ng makitang nandoon ang pula kong lambo, iyon nga lang ay napapalibutan ng halos dalampung naka-itim na lalaki. Obviously, our bodyguards!

Napatingin ako kay Ava habang nakasimangot. She just smirked at me and raised a brow.

Shit! What to do?! What to do?!

Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon