Chapter 14
"Uuwi rin kami ni Cheska bukas. Na-ipublished na raw kasi ang ginawa kong libro sa Pilipinas," ani ni Josh habang kumakain kami sa hapag kainan ng mansyon namin.
Kakauwi lang namin ni Felix at aniya'y successful daw ang misyon namin kanina. Hindi ko alam kung bakit. Umuwi rin siya pagkatapos akong maihatid.
Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko at gulat na napatitig kay Josh. He chuckled at my reaction.
"Talaga?! Josh?!" Hindi makapaniwalang ani ko. Ang tuwa ay kumalat na ng tudo sa sistema ko ng tumango-tango siya habang nakangiti.
"That's great! May kasama ako pauwi!" Napapalakpak ako at napangisi.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Daddy. "Kahit naman mag-isa ka iha ay isasama mo naman si Ava at Chariya papunta doon."
Binalingan ko si Daddy at napanguso.
"Dad naman, kaya ko rin naman mag-isa ah? Wala ka bang tiwala sa akin?" I pouted.
"Of course I am. Iyon nga lang ay delikado anak, sobrang delikado," bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
Napahinga ako ng malalim. "Dad, I don't need a bodyguards..."
Napapikit si Daddy at umupo ng maayos sa kaniyang upuan. Tinitigan niya ako ulit sa paraang nag-aalala.
"Jane, we will never know kung kailan gagalaw ang mga taong pwedeng manakit sa atin, okay? I'm just protecting you." Pumungay ang mga mata niya.
Many people admire our family because of what we had. We have money, luxurious cars, houses and many more. But those people don't know how hard to become part of this family.
Matinding kalaban ang inggit at kompetensya lalo na sa panahon ngayon. Hindi mo alam kung sino ang mga pwedeng pagkatiwalaan.
"But, Daddy pwede naman sigurong mag-disguise ako 'di ba?" I suggested, kahit na alam kong walang pag-asa.
"Jane, we're just protecting you. Hindi tayo dapat pakampante, delikado ang panahon gayong parami na ang gustong pantayan tayo. I already received some threats from our adversaries , ayaw kong mangyari iyon sa'yo," Josh said sincerely.
Napalabi ako dahil sa sinabi niya, at the same time may kaunting takot ring naramdaman. Sa bagay, nakakatakot nga iyon dahil minsan na rin akong makatanggap ng ganoon.
"Anak, please..." Si Daddy na naman ngayon.
This is why I hate being this kind of family. Maraming kalaban at gustong kumalaban.
I take a deep breath and sighed heavily. I don't have any choice. Pinagtutulungan na nila ako. At alam kong nag-aalala lang talaga sila sa akin. Maski ako ay natatakot rin pero minsan hindi ko mapigilang mairita dahil sa palaging may nakasunod.
"Fine," pagsuko ko.
Nagpatuloy na ako sa pagkain ng parehong natawa sina Josh at Daddy. Tila pinapagaan ang atmosphere sa pagitan namin.
"Ang tigas ng ulo," naiiling na sabi ni Josh at ginulo ang buhok ko. Natigilan ako at napalunok.
A sudden feeling twitched within my stomach. Agaran akong may naalala dahil sa paggulo ni Josh sa buhok ko.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Josh sa akin.
Napayuko ako at napatingin sa plato kong tila hindi ko pa nagagalawan.
"I-I'm not hungry..." Sabay pilit ko ng ngiti kay Josh. He looked so confused kaya mas minabuti ko ng tumayo na at magpaalam sa kanila.
"G-goodnight Dad," hinalikan ko si Daddy sa pisngi habang patuloy ito sa pagkain. Napatingala siya sa akin at nangunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔
Romance[COMPLETED] "My life is already shitty. I always wanted to give up... but when I see you... I don't understand why I always find hope and just want to pursue more even if it hurts." -Jane Jane Nathalea Sandilva Arohe was born rich and prestigious. S...