Chapter 6

582 40 2
                                    


Chapter 6





"Why are you running by the way?" Tanong ni Matheo sabay subo sa kanyang burger steak. I just giggled at him that made him confused.

Nandito kami ngayon sa ARKANA, isang sikat na restaurant sa tapat lang ng school namin. Malapit kami sa bintana kaya natatanaw rin namin ang mga estudyanteng naglalabas masok sa loob ng University.

"Hmm... wala lang," sabay ngisi ko at subo sa vanilla ice cream na nasa harapan. It's 11:30 in the morning so nagkaroon ako ng chance na ayain siyang kumain na kami lang. Pero syempre, libre niya.

Nanatili siyang nakatitig sa akin, kunot noo at parang pinagsususpityahan pa ako.

Napasimangot ako at ibinaba ang kutsara na galing sa bibig.

"Wala nga! Ang sama mo naman makatingin..." I tsked and pouted. Acting childish and witty.

"May rason ka, ayaw mo lang talagang sabihin."

"Bakit mo alam?" I asked attentively.

"I know you so well. Just say it."

I grimaced at him.

Kaya ako nahulog sa isang 'to kasi ang sarap sa feeling ng pagtrato niya sa akin. Mabait rin at matulungin. Kahit na may pagka-playboy. Gossshhh! May chance na ako!

Nag-isip muna ako saglit kung sasabihin ko ba ang dahilan kung bakit ako tuwang tuwa na tumakbo at yumakap sa kaniya. I can still feel the sweat inside my clothes. Wala na ata akong extra na damit sa locker or manghihiram nalang kay Ava. Bahala na.

"Basta?" I said in a slow motion. Nangunot ang noo niya at natawa sa akin. Palihim na umalpas ang ngiti sa aking labi.

Gosh! That toothpaste smile is the best! Ang pula ng labi niya, natural na natural. Tapos ang ngipin niya parang binabad sa chlorine dahil sa puti.

"Bakit nga?!" May bahid ng irita niyang saad.

Ano ba 'yan! Huwag mo nga akong ngitian ng ganiyan, mi loves! Para na akong active volcano dito oh, malapit ng sumabog. Charr.

Haiistt. Kaya ko bang sabihin ang dahilan? Parang nakakahiya naman.

Mas lalo lang akong napanguso at bumagsak ang titig sa unti-unti ng nalulusaw na ice cream sa harapan.

"Stop pouting..." aniya, tila may idudugtong pa pero hindi na masabi.

Kapag sasabihin ko ang dahilan ko sa kaniya? Okay lang kaya? Haiisttt. Baka sabihin niyang weird ako? Pero... Tama namang weird ako... minsan. Hihi.

Ah basta! Just try and try until you succeed. Effective'yun!

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His brows rose up a bit. He shifted on his seat and stared at me like a powerful businessman with his cute sexy poor little client infont of him, which is me. Of course.

"What's the reason?" Aniya sa malalim na boses. Nakaangat din ang kaliwang kilay niya habang nagtatanong sa akin.

Ang hot niya naman makatingin! Nadidistract ako!

Huminga ako ng malalim at pasimpleng nilaro ang mga daliri sa ilalim ng lamesa, which is my behavior whenever I'm feeling nervous.

"K-kasi... nalaman ko na..." Tinitigan ko siya sa mata na nagbigay ilang sa akin.

"Na? Come on..." Natatawang aniya habang nanatili ang titig sa akin.

"Na... B-break na raw kayo ni Nikka," Nikka's name is almost a murmur.

Agarang nawala ang nakangiting ekspresyon sa mukha niya. Naging seryoso siya at agarang iniwas ang tingin sa akin. Nagdulot iyon ng konting sakit sa puso ko.

Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon