Chapter 11
Ava's POV
"Tangina Chariya!" Dali dali akong tumakbo papunta sa nakahigang Jane sa sahig.
"Jane!... Jane!... G-gising," bakas sa boses ko ang kaba habang nanginginig ang kamay na niyuyogyog si Jane sa braso.
Matapos siyang hampasin ni Chariya ng baril sa batok ay agaran itong nakatulog. Kitang kita ko ang luha na dahan dahang nagdantay sa pisngi niya.
Parang dinudurog ang puso ko dahil sa nasaksihan. Nanginig ang labi ko habang panay ang yugyog kay Jane. Kahit nakapikit ang mga mata at tulog ay kitang kita ko pa rin kung gaano siya nasasaktan. Bilang kaibigan ay napakasakit na makita ko siyang ganito. Hindi ko aakalain na masasaktan ko siya ng ganito.
Jane... I'm... so sorry. Sana mapatawad mo 'ko.
"Tama lang ang ginawa mo, Tomoki." Ani ng Daddy ni Jane kay Chariya.
Napatingin ako kay Chariya na mariing napalunok at namumutla.
"S-salamat... Sir." Ani niya sa blankong ekspresyon.
"Take her to the airfield. Her cousins are waiting..." Malamig na sabi ng Daddy ni Jane sa kabilang linya bago umilaw ang cellphone, tanda ng pagbaba ng telepono.
Napahinga ako ng malalim at galit na napakuyom ang mga kamao.
Jane doesn't deserve a father like him. A man who only true in front, but very dangerous at the back.
"Edwin, put down the luggage. Take Young Miss with you," Chariya said coldly sa isa sa mga bodyguards na nilaan para kay Jane para sa pag-alis namin ngayon.
Tumango si Edwin at lumapit sa amin ni Jane. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mapunta siya sa harap ko. Tinitigan ko siya ng matalim na naging dahilan ng pahirapan niyang paglunok.
"I'm just doing my job," aniya at binuhat na si Jane. Nakahawak ang isang kamay niya sa mga binti nito at ang isa naman ay nasa baywang.
Nanatiling tikom ang bibig ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Bago ako nag-iwas ay nakitaan ko ng pag-aalala at takot ang mga mata niya. Naglakad na siya paalis sa harap ko habang bitbit si Jane sa kaniyang mga braso.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinigilan ang sariling mapaluha.
Anong... Anong klase ba akong kaibigan? Bakit hinayaan ko siyang masaktan na naman ng ganito?
"Alam mo namang bawal ang mapalapit sa mga Amo natin 'di ba? Pwes dahil sa nangyari ngayon, pagkagising niya... magdudusa ka." Puno ng pagbabantang sabi ni Chariya at naglakad na palabas.
Ngayon hinayaan ko nang tumulo ang isang butil ng luha na puno ng pagsisisi at hinanakit.
Pinalis ko ang luhang naglandas sa pisngi at pinagdadampot na ang mga damit ni Jane. Dali dali ko itong sinarado at lumabas na ng kaniyang kwarto. Nang makitang wala ng tao sa condo ay lumabas na ako doon.
Nang makarating sa labas ng condominium ay sigaw ni Matheo ang agaran kong narinig.
"What the fuck did you do to her!" Galit na galit na sigaw nito.
Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng gate. Nakita kong bitbit pa rin ni Edwin si Jane habang nakaharap kay Matheo. Si Matheo ay bakas ang galit at pag-aalala sa mukha habang hawak naman ng dalawa pang bodyguards ni Jane. Nagpupumiglas siya at gustong lapitan si Jane.
"Huwag niyo akong hawakan! Putangina!" Sigaw ni Matheo at pilit na kumakawala sa mga bodyguards.
"Hindi ka na pwedeng lumapit pa sa kaniya. At hinding hindi mo na rin siya makikita pa mula ngayon..." Malamig na ani ni Chariya habang nakatalikod. Binuksan niya ang nasa gitnang itim na Van. Sinenyasan ni Chariya si Edwin na ipasok na si Jane sa loob.
BINABASA MO ANG
Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔
Romance[COMPLETED] "My life is already shitty. I always wanted to give up... but when I see you... I don't understand why I always find hope and just want to pursue more even if it hurts." -Jane Jane Nathalea Sandilva Arohe was born rich and prestigious. S...