Chapter 16
"My God! Felix! Bukas ba eto?!" Asik ko ng makitang walang maski isang tatak sa labas kung open ba o hindi. Nasa harap kami ng sinasabi niyang isang kaibigan.
Napatawa siya.
"Ano ba 'yan? Ilang taon ka lang sa Australia, na ignorante ka na? Abah!" He scoffed.
Umangat ang gilid ng labi ko at nanlilisik ang mga mata na napatingin sa kaniya. Nang naramdaman sigurong nakatingin ako ay nag-aalinlangan siyang napatingin sa akin.
"A-ano? R-relax muna tayo! Kakarating lang natin e!" Kinakabahang sabi niya at unti-unting inangat ang kamay para tabunan ang linya ng titig ko.
"Sabihan mo ulit ako ng ignorante!" Mariing banggit ko. "Tatadyakan kita!" Banta ko naman.
Napalunok siya at umirap.
"Oo na! Tayo na nga!" Hinawakan niya ang kamay ko. Hinayaan ko siyang hawakan ako at nagpatianod na sa kaniya.
Pasalamat pa nga siya't pinagbibigyan ko siya ngayon. Kapag ako talaga hindi nag-enjoy dito... babarilin ko talaga 'to.
Nakasimangot kong pinagmamasdan siyang hinihila ako papasok sa loob ng bar. Nang makapasok ay agarang napawi ang irita sa kaloob-looban ko.
The place are full of colorful lights. Maganda sa matang tignan ang pagkakahanay nito sa bawat upuan at lamesa. May mga nakasabit din sa gilid ng pader. Mayroon ding mga words na lights ang gamit.
Ngunit tila mas nakuha ang atensyon ko sa stage na nasa harapan.
"Ano? Natulala ka 'no?" Sabay tawa ni Felix.
Nakangangang napatingin ako sa kaniya at unti-unting namuo ang tuwa.
"P-pwede ba akong... k-kumanta?" I asked.
He chuckled and reach for my hair. He mess it and caress it softly.
"Magpaalam muna tayo," nakangiting aniya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Nawala ang galit ko at napalitan ng tuwa.
Singing in a bar is one of my dream. Madalas ako noong isama ni Daddy at Mommy sa isang Bar para magliwaliw at manood ng live bands. Kahit na pwede naman kaming maghire no'n at sa loob ng bahay na manood. Iyon nga lang ay mas maganda kapag maraming manonood at nasa tamang lugar. Mas mafifeel mo talaga ang ambiance at ang musika.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti akong nagpaubaya kay Felix. Pumasok kami sa isang office. May nakita ako roong isang lalaki at babae na napaka-sweet sa isa't isa. Dahil sa nasaksihan ay agaran kong naisip si Matheo.
Si Matheo...
"Eddy!" Sigaw ni Felix. Nag-angat ng tingin iyong tinawag niya at napabaling sa amin. Nanlaki ang mga mata niya at nakangiti na ngayong tumayo kasama ang girlfriend niya ata.
"Madrigal! You came back!" Naiiling nitong saad habang bakas sa mukha ang pagkabigla.
"Of course! Dito ako pinanganak, ano ka ba?" Natatawang saad ni Felix at binitawan na ako. At ang sunod na nangyari? Ano pa nga ba? Boys rituals kapag nagkikita. Fist bump.
Napanguso ako at napatingin doon sa babaeng girlfriend ata nong si Eddy.
Her white pluffy cheeks highlighted as she smile cutely at me. Ang kulay dilaw niyang hanggang balikat na buhok ay bagay naman sa medyo manipis at sexy niyang katawan.
"Hi!" Maliit na boses na sabi nito. I smiled at her too. She's cute.
"Hello," sabay kaway ko. Awkwardness flowed within me. Ewan ko ba? Siguro ay dahil sa may pagkamahinhin siya at hindi ako sanay na makasalamuha ng ganoon.
BINABASA MO ANG
Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔
Romance[COMPLETED] "My life is already shitty. I always wanted to give up... but when I see you... I don't understand why I always find hope and just want to pursue more even if it hurts." -Jane Jane Nathalea Sandilva Arohe was born rich and prestigious. S...