Chapter 10"Wow! Mas maganda pa lang talaga siya kapag hapon na!" Tuwang tuwang ani ko habang nakaturo sa nagkikislapang ilaw sa bawat building ng Makati City.
Ang kulay orange, yellow at brown na ulap ay tila nagpapaalam na para sa paglubog ng panghapong araw.
Ang mga bituin sa langit ay unti unti na ring nagsisilabasan. Hindi ko mapigilang mapangiti at mapahagikhik dahil sa ganda ng araw ko ngayon na kasama ang taong kayang patakbuhin ang puso ko.
I've seen sunsets before but never with Matheo. At ang oras ko ngayon na kasama siya ay tila pangarap na agaran kong natupad.
I stared at him. Nakapikit siya habang may ngiti sa labi. Nakatingala sa mga ulap at tila dinadama ang bawat haplos ng lumalamig ng hangin. Ang pungay ng kaniyang pilik mata ay isa sa mga kina-iinggitan kong features ng kaniyang mukha. Ang kinis ng kaniyang balat ay kumikinang at kumukulay sa panghapong araw.
Hindi ko aakalaing makakatagpo ako ng ganito ka gandang bagay sa harap ko ngayon.
Napangiti ako. Isa pa rin talaga ako sa pinakamaswerteng babae sa mundo. Kahit na hindi ko pa alam kung kami sa huli... at least nakilala at nakasama ko siya. Masaya na ako.
Dahan dahan siyang dumilat at napabaling sa akin. Tumaas ang isang kilay niya at bahagyang natawa.
"Staring is rude." Aniya.
"Pero alam ko namang hindi kapag ako 'di ba?" Nakangiting sabi ko.
Namuo ang ngiti sa labi niya at natawa. Inangat niya ang kamay niya at inabot ang buhok ko, at sa ilang pagkakataon ay ginulo na naman niya ito. Napanguso ako.
"Habit mo ah?" Sabay ayos ko sa ginulo niyang buhok.
"Your hair is so soft." He stopped. Hinila niya ang ulo ko na bahagyang nagpatili sa akin. Nilapit niya eto sa mukha niya at naramdaman ko na lang ang marahan niyang pag-amoy sa buhok ko. "At medyo..." May pagdadalawang isip na sabi niya.
Kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Bahagya akong lumayo.
"A-ano?" I gulped.
He stared at me with an amused expression. Hindi rin nagtagal ay napangisi siya. "Amoy pawis."
Nalukot ang mukha ko at inirapan siya. Alam ko namang minsan diretso siya magsalita. Pero nakaka-offend naman iyon. Hmp!
Napahalakhak siya at bahagyang hinila ang balikat ko para mapabaling sa kaniya. Nadala ng kamay niya ang katawan ko. Nakangiti pa rin siya at parang nagtatago lang ng tawa.
"Uwi na tayo..." Nakanguso kong sambit at hindi na makatingin sa kaniya. Nahihiya dahil sa amoy pawis kong buhok.
"Pagod ka na?"
"H-hindi pa..."
Huminga siya ng malalim at tumayo na. Inabot niya ang kamay sa akin. Tiningala ko siya.
"Uwi na tayo, baka nag-aalala na sila sa'yo." Sabi niya ng nakangiti ng matamis sa akin.
Dahan dahan kong inabot ang kamay niya at tumayo na rin. Pinagpagan ko ang jeans ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Balik tayo dito bukas ah?!" Masayang ani ko.
Biglang nawala ang saya sa mga mata niya pero nanatili lamang ang ngiti niya... ngiting pilit na ngayon.
Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nakitang ekspresyon sa mga mata niya.
"M-Matheo? May problema ba?"
Napalunok siya at nagkagat labi.
"Tayo na, Jane. Gumagabi na..." Sabay marahan niyang hila sa kamay ko. Agarang dumagundong ang kaba sa akin. Bahagyan kong hinila ang kamay ko sa kaniya para mapatigil siya sa paglalakad. Natigilan siya at napatingin sa magkasalikop naming mga kamay at napatingin ulit sa mga mata ko. Ngayon totohanan na ang malungkot na ekspresyon.
BINABASA MO ANG
Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔
Romance[COMPLETED] "My life is already shitty. I always wanted to give up... but when I see you... I don't understand why I always find hope and just want to pursue more even if it hurts." -Jane Jane Nathalea Sandilva Arohe was born rich and prestigious. S...