Chapter 7
My parents, friends, cousins knows me for being joyful, happy go lucky and funny.
Pero ang nangyari sa akin kahapon ay binago agad ang araw ko ngayon.
"Parang namatayan ka ah? Kapahapon ka pang ganiyan," Nakangising bulong sa akin ni Ava.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. I feel so brokenhearted at this moment. I sighed heavily and arranged my books and journals in my table. Our professor in Business Math are keep blabbering infront. His words didn't even get in my mind.
"Alam mo naman siguro iyong word na share?" Ani pa niya. Bakas sa boses ang pang-aasar.
"Wala ako sa mood," sabay tuon ko ng pansin sa professor naming parang noodles ang buhok.
"Ano ba naman kayo! Tingnan niyo nga mga mukha niyo! Mga walang gana! Nakakain ba kayo?!" Sigaw ng prof namin ng siguro ay napansin na ang paghihikab ng karamihan sa mga classmates ko.
"Ang boring..." Dinig kong bulong ng katabi kong si Chariya. Napabaling ako sa kaniya at bahagyang napangisi. She looked at me confused.
Napailing na lang ako at umupo ng maayos sa upuan.
"Next meeting recitation! Isa isa! Dapat may maisagot! Class Dismiss!" Sigaw ni Prof. Sariento. Nauna siyang lumabas sa aming mga estudyante niya at parang naiirita.
Pagkaalis ng prof ay sabay sabay na nag-iinat ang iba kong mga kaklase.
"Sino ba namang teacher ang hindi maasar kung ganiyan ang ipinapakita ng mga estudyante?" Ava said with full of sarcasm.
Tumayo ako at nilagay sa bag ang mga notebook at ballpen na nasa lamesa ko. Binalingan ko si Ava.
"Isa ka rin naman do'n," I smirked at Ava.
"'Di kaya," aniya at naghanda na rin para sa paglabas.
Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at agarang naramdaman ang bigat nito. Kailangan ko na ata itong bawasan.
Binalingan ko ulit si Ava at Chariya. Chariya with her emotionless expression stand beside me like a robot. Sobra na talaga ang pagka-weird nito.
"Punta lang akong locker room, mabigat na kasi." Sabi ko. Tinutukoy ang dalang bag.
"Hindi ka pwedeng mag-isa," sabi ni Chariya.
"Oo nga, baka bumalik na iyong si Tony..." Binulong ni Ava ang pangalan ni Tony. Agaran namang lumipad ang isip ko sa damuhong 'yon. Simula ng bitbitin siya ni Chariya ng walang kahirap-hirap ay hindi ko na siya nakita pa.
"Dinispatya ko na, 'wag mo na 'yong problemahin." Cool na sabi ni Chariya.
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga na napatitig sa kaniya.
"Ano?!" Umusbong ang kaba sa akin dahil sa nakakakilabot na ngisi niya. What did she mean about "dinispatya"?
Natawa si Ava at tinapik ang balikat ko. "Buhay pa 'yon. Tayo na..."
Hinila ako ni Ava palabas ng classroom. Nadagdagan pa tuloy ang iniisip ko dahil sa sinabi nila. Tss. Napaka-confidential talaga nila.
Habang hila hila ako ni Ava ay nakatuon lang ang pansin ko sa nilalakaran namin. Chariya is behind us.
"Jane! Liligawan kita!"
Agarang napadpad ang titig ko sa kinaroroonan ng sigaw na iyon. Nakita ko ang batalyon ng basketball players.
Agarang nag-Woah ang mga basketball players habang pabalik balik ang tingin sa akin at doon sa sumigaw. At agaran ko iyong nakilala.
Si Felix Madrigal. Isang MVP player ng basketball team. Anak ng Congressman. Likas na bulgar. Ang pangit naman.
BINABASA MO ANG
Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔
Romance[COMPLETED] "My life is already shitty. I always wanted to give up... but when I see you... I don't understand why I always find hope and just want to pursue more even if it hurts." -Jane Jane Nathalea Sandilva Arohe was born rich and prestigious. S...