Chapter 4

664 68 19
                                    

Chapter 4






"S-saan dadalhin ni Chariya si... T-Tony?" Nanginginig kong tanong kay Ava. Hila hila niya ako papuntang canteen.

Ang nangyari kanina ay sobrang bilis. Nakita ko na lang na bitbit ni Chariya si Tony sa leeg. May iseninyas siya kay Ava at sa akin na hindi ko naman maintindihan. After that, she left with Tony in her hands.

I can't move on! How can she do that? Ang bigat kaya ni Tony! She carried him like a poor little cat.

"Huwag ka ng mag-alala. Dadalhin niya iyon sa safe na lugar. Masyado na kasing maraming alam..."

Napalunok ako ng mariin dahil sa sinabi niya. Her words are threatening. Pero cool lang siya at ngumingiti pa sa mga nakakatagpo namin.

What did she mean... safe place? Sa pagsabi niya pa lang no'n ay may kakaiba na ah. Feel kong opposite ang ibig niyang sabihin. They're not just cool! They are so fucking awesome!

Naghila siya ng upuan para sa akin at marahan akong iginiya paupo doon. Itinikom ko ang bibig ko ng makita ang ngiting aso niya.

Ava is not really the kind of mahinhin. She's the opposite. She's just acting for the sake of my safety. Si Chariya kaya? Ano kaya ang totoong ugali niya? I could ask Ava about it though... I think it's not the right time.

May recruit kaya sila? May audition rin kaya para maging escort kagaya nila? I can sing! I can dance! I can play piano and violin! Hell! Parang gusto ko ng maging kagaya nila. OMG!

Sa kalagitnaan ng pag-iimagine ko para maging kagaya rin nila Chariya at Ava na astig ay isang mabigat na kamay ang agarang humampas sa lamesa namin.

"Nandito na ang nanlandi sa boyfriend ko kanina..." Nakataas ang kilay at handa akong sunggaban na si Nikka Ingrata ang nasa harapan ko ngayon. Sa likuran niya ay ang dalawa niyang mga kampon.

Pasimple akong napatitig kay Ava na may dalang coke at kumakain na ng Nova. Kapag sa ganitong laban, pinagbabawalan ko siyang makisali.

Huminga ako ng malalim at inosenteng sinuklian ng tingin si Nikka. I pouted.

"How may I help you?" Pormal kong saad at tatlong beses na napakurap sa kaniya. Nagpapa-cute.

"Shit! Cute niya talaga!" Rinig kong sabi ng lalaki sa 'di kalayuan. Imbes na si Nikka ang pinapatamaan ko ng charms ko ay iba pa ata ang tinamaan.

Nagkaroon pa ako ng oras para ngitian at bigyan ng flying kiss iyong lalaki bago ko napansin ang tila nag-uusok ng itsura ni Nikka. She looked so pissed. I twitched my lip so that I can control my laugh. Baka isipan pa nitong si Nikka na iniinsulto ko siya. Which is a good way to do. Harsh! Haha.

"Yah!" Sigaw niya. Namumula na ang leeg, pisngi, tungki ng ilong at ang tenga niya. Naiirita na ata.

Napahawak pa ako sa dibdib ko at nagpanggap na nagulat. I'm the best in annoying a dog.

"Oh... Hi!" The way to pissed an old hag is to act cool, relax and be bitchy. Just smile and be ready to dispatch the victim.

Napabuga siya ng hangin at tumayo ng maayos sa harap ko. She cross her arms and looked at me intently. Sa titig niya ay para lang niya akong minamaliit.

"Stay. Away. From. My. Boyfriend." Nagbabanta at may diing aniya.

Napabuga ako ng hangin at medyo natawa dahil sa sinabi niya. Inuutusan niya ba ako? This old hag is really annoying.

Tumaas ang kilay ko at sinuklian ang pangmamaliit niyang titig. I shifted on my seat and cross my arms too.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

Love Me, Doctor (Doctor Series#3) ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon