1

558 9 0
                                    


Simula

Habol hiningang tumatakbo si Elena sa pasilyo ng kanilang paaralan habang sinusuklay ang kanyang buhok tungo sa susunod nitong klase, hindi niya na naabutan ang naunang paksa dahil nagising siyang matagal sapagkat nag-aya ang mga barkada niyang matagal na 'ding bago sila nagkikita-kita kaya sayang naman ang pagkakataon kapag 'di siya sumama. Apat silang magbabarkada pero 'nung tumuntong na sila sa kolehiyo hindi na sila nagkaroon ng oras para sa isa't isa.

Mas binilisan pa ni Elena ang pagtakbo dahil kunting minute nalang magsisimula na ang kanyang susunod na klase. Para siyang nabunutan ng tinik ng makitang wala pa sa silid ang kanilang guro, nilagay niya ang kanyang suklay sa loob ng bag bago pumasok ng tuluyan. Bumungad sa kanya ang mga kaklaseng nagkakantahan, nag-iingayan at meron naming mag jowa na nag haharutan sa gilid, napaikot na lamang niya ang kanyang mata sa nakikita. Dito pa talaga naghaharutan sa paaralan, tsk.

Pinili niyang umupo sa pang huli dahil malapit 'lang sa bintana, sariwa ang hangin at ang ganda ng tanawin mula sa taas makikita mo kung ano ang ginagawa ng iba 'pang mga studyante sa baba kaya lage siya duong umuupo at kapag naman nawawalan siya ng ganang makinig sa leksyon, ihihilig niya ang kanyang ulo at matutulog.

''Elena...'' hindi niya pinansin ang kung sino man ang tumatawag sa kanya at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata't sinandal ang ulo habang nilalasap ang hangin na dumadapo sa kanyang balat. Ayaw niya ng maingay kaya minsan naiirita ito, di siya 'yung tipo na pala-kaibigan pero nandyan naman sila Alli at Amy.

''Elena'' ulit nitong tawag pero mas malakas na kesa 'nung una. Tinignan niya si Amy ng walang emosyon.

''Ano?'' tanong nito

''Samahan mo nga ako, bibili lang ako ng pagkain'' pakikiusap nito. Umiling lang si Elena at muling pinikit ang mata, padabog namang bumalik si Amy sa kanyang upuan. Sakto naman dahil dumating na ang kanilang guro, tumayo ang mga studyante para bumati.

Kinuha ni Elena ang kanyang kwaderno at imbes na magsulat ay gumuguhit ito na hindi naman kasali sa kanilang leksyon. Tutok padin si Elena sa kanyang ginagawa at wala siyang balak man na makinig sa kanilang guro.

Isang bata na nakatalalikod na para 'bang nag-iisa sa isang madilim na kagubatan, walang kasama at nag-iisa. Umiiyak ito at pa ulit-ulit na sinasabing 'nasaan ako?' hindi man lang alam kung saan ang daan tungo sa panahong kailangan niyang balikan.

Ang simoy ng hangin na dumadapo sa kanyang balat ay nagdudulot ng isang sensasyon na kanyang nararamdaman, ang mga ibong nag aawitan at ang mga dahong nagsisilagasan, ang sariwang hangin na nagpapabigat sa talukap ng kanyang mata hanggang sa nagdidilim ang kanyang paningin at tuluyan ng nakatulog.

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon