16

15 0 0
                                    


Pag-ibig

Matapos ang eksena sa Bundok ng makuta ay napagdesisyonan naman ng dalawa na umuwi nalamang at nagulat naman si Aline Nena bakit ang bilis nilid bumalik at namamaga ang mata ng dalaga ngunit nag usap naman sila Francisco at Aling Nena habang pumasok na ng tuluyan si Lina sa kanyang silid at nagpahinga. At ngayon naman ay bumalik na siya sa pagtatrabaho sa Pamilya Trinidad at sinabi niya sa knayang sarili na lalayuan niya ang binata dahil kapag napapalapit siya rito ay mas masasaktan niya lang ang kanyang sarili kaya kailangan niyang dumistansya sa binata.

''Lina, nakikinih kaba?!'' pasigaw na sambit ng mayordoma na sinasabihan siya kung saan maglilinis dahil dadating kase ang mga magulang nila Teo at Francisco kaya naman mas maaga silang pinapunta sa mansyon at dapat mag linis ng maigi, napatango nalang ang dalaga bilang sagot.

''Opo'' saad nito

''Mabuti naman kaya mag linis kana dahil maya maya ay dadating na sila'' saad naman nito at tumalikod at nagsimula naman siyang naglinis sa sala. Kanina pag dating niya sa mansyon ay nakasalammuha niya ang binata at binate siya nito ng 'magandang umaga' pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sap ag lakad papasok ng mansyon.

''Mas mabuti ng ganun nalang yun Elena, na iwasan mo siya kesa naman lage niyang naaalala ang yung babaeng mahal niya noon kailangan niya ding matanggap na wala na si Elena, na wala na yung babaeng minahal niya ng sobra.'' Sabi nito sa sarili habang inaayos ang mga unan sa upuan, napabuntong hininga nalamang ang dalaga.

''Lina'' parang istatwa si Lina ng may narinig siyang boses sa kanyang likuran at kilala niya kung sinong boses iyun. Narinig niya kaya ang sinabi ko? Napapikit nalamang ang dalaga at nagdadasal n asana hindi niya na rinig ang pinagsasabi nito kanina.

''Hm? Bakit Teo?'' tanong nito habang nakatalikod padin sa binata

''Magaling kana ba?'' tanong nito sa dalaga at naglakad paharap sa kanya at nagpatuloy naman ang dalaga sa kanyang ginagawa pilit na iniiwasan na magtama ang kanilang mata.

''Kanina kapa dyan?'' tanong nito na patuloy padin sa paglilinis

''Hindi naman, ngayon lang'' saad ng binata at umupo

''Ah wala kang narinig na kahit ano?'' tanong ulit ng dalaga sa binata, tinitigan siya ng binata

''May dapat ba akung marinig Lina?'' saad nito at magsasalita na sana ang dalaga ng biglang may tumawag sa binata.

''Sir Teo, nandito na po sila'' saad ng isang kasambahay at napatayo naman ang binata at inayos ang kanyang damit bago tinapik ang braso ng dalaga at tuluyan ng umalis.

''Mom, kamusta naman ang lakad niyo ni dad?'' tanong ng binata sa kanyang kakadating lang ni ina, mas binilisan naman ni Lina ang kanyang ginagawa. Sumilip siya sa gawi nila at nakita niya ang pigura ng isang babae na hindi ganun ka tanda ngunit di padin makakaila na siya ay galing sa mayamang pamilya dahil na din sa kanyang kutis na parang naliligo ito sa gatas. Susulyap sana ulit ang dalaga ng tinawag siya ng isang kasambahay at sinabihan na tumulong sa pag handa ng mga pagkain sa lamesa kaya dali dali naman itong sumunod.

''Ito ilagay mo doon sa lamesa, mag iingat ka baka mabasag mo'' sabi ng kasamabahay sakanya, tumango naman ito at lumabas na para dalhin ng pagkain ang Pamilya Trinidad.

''Nasaan ba si Francisco?'' rinig naman niyang tanong ng kanyang ina dahilan ng pag-isip ng dalaga kung nasaan ang binata. Nandio lang yun kanina e. Nilagay niya sa lamesa ang dala dala niyang pagkain ng maingat dahil ayaw niya na mapahiya sa harap ng Trinidad kaya naman pagakatapos niyang malagay iyung ay agad naman siyang bumalik sa kusina para mag dala nanaman ng pagkain sa lamesa.

''Ano pa po ang ilalagay doon?'' tanong ni Lina sa isang mangluluto, tinuro niya ang isang pitsil ng tubig at ang katabi nito na naglalaman ng juice. Kinuha niya iyon at nagsimula ng naglakad at sa pagkakataon na iyong ay nakita niya na si Francisco na walang saplot ang kanyang pang taas a na prang galing pa sa pagkakarera ng mga kabayo.

''Mag bihis ka nga doon Iko, ang pawis mo!'' galit na sabi ng kanyang ina at napatawa nalamang si Teo, naglakad naman ang binata papunta sa kanyang gawi at agad naman itong kinabahan. Anung gagawin mo? Nakatitig lang ito sa kanya na parang lalamunin siya dahilan ng paglunok ng dalaga ng ilang beses, humigpit ang kanyang hawak sa pitsil at parang nanginginig ang kanyang tuhod ngunit nilakasan niya ang kanyang loob. Napahinto naman ang dalaga ng huminto ang binata sa kanang harapan at biglang nilapit ang pawisan niyang mukha, napaatras naman ang dalaga at muntik ng mabitawan ang hawak hawak na pitsil.

''B-bakit?'' nauutal na tanong ng dalaga sa kanya, ramdan niya naman ang hininga ng binata dahil sa lapit ng kanyang mukha sa dalaga. Napatalon naman ito ng bahagya ng bigla siyang hinawi sa bewang ng binata at sinabay sa paglakad papalayo sakanila.

''Ano bang ginagawa mo Francis, bitawan mo nga ako'' papupumiglas ng dalaga sa binata.

''Manahimik ka'' walang emosyong saad ng binata sa dalaga at pilit naman na inaalis ng dalaga ang kamay ng binata sa kanyang bewang.

''Tsk Francis naman, nag tatrabaho ako'' saad nito ng tuluyan na silang makarating malapit sa harden, hinarap naman siya ng binata at pinatitigan.

''Gusto mo ba talaga na Makita ka ni mom?'' tanong nito at wala padding emosyon ang kanyang mukha, napakunot noo naman ang dalaga sa narinig.

''Ha? Ano naman ngayon kung makita niya ako?'' pabalik na tanong ng dalaga sa binata at nagsimula nanamang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng hawankan ng binata ang kanyang pisnge at hinaplos.

''Ayaw kung masampal kana naman sa pisnge, Lina'' sabi nito na puno ng pag alala ang kanyang mukha. Nakaramdam naman ng saya ang dalaga ng narinig niya mula sa binata na tinawag siya nitong Lina habang nakatitig sa kanyang mga mata.

''Ha? Bakit?'' naguguluhan padin niyang tanong.

''Kamukha ka ni Elena at alam ko na sa oras na makita ka niya at mamukhaan, di lang sampal ang aabutin mo baka mapalayas kapa dito sa mansyon'' saad nito sa malungkot na boses at magsasalita n asana ang dalaga ng pinutol sia ng binata.

''At ayaw kung mangyari yun Lina, ayaw ko'' dagdag nito dahilan ng pagtitig niya sa mga mata ng binata. Napatulala nalamang ang dalaga at di alam kung ano ang sasabihin. Ganun ba kalaki ang galit nila kay Elena?

''Alam kung nasaktan kita sa mga salita ko at tuwing sinasabihan kitang ikaw si Elena, mahal na mahal ko siya e at diko lang matanggap na paglabas ko sa kulungan ay wala na pala akung babalikan. Pero nung dumating ka bigla akung nabuhayan at umasa na sana ikaw siya, pero ng lumipas ang mga araw na kasama kita napagtanto kung mas masaya ako kapag kasama ka, mas masaya ako sayo Lina. Pasensya kana kase napaiyak kita, kasalanan ko yun inaamin ko pero nung di moko pinansin kaninang umaga parang nababaliw ako sa kakaisip kung galit kaba sakin o kung bakit moko iniiwasan. Diko alam Lina pero parang nahuhulog nako sayo hindi dahil kamukha ka ng dating mahal ko kundi pinatibok mo ulit yung puso kung matagal ng di nararanasan ang salitang pagmamahal.'' mahabang saad ng binata at wala man lang nasabi ang dalaga dahil sa gulat. 

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon