15

24 2 0
                                    


Bundok ng Makuta

''Ang ganda dito Francis'' masayang saad ng dalaga sa binata at napangiti naman ang binata na nakatingin sa dalaga na ngayo'y pinapalid ng hangin ang kanyang buhok.

''Dito ako pumupunta lalo nap ag gusto ko mapag-isa o mag-isip isip'' sabi ng binata at umupo sa damuhan. Napalagandang tanawin ang Bundok ng Makuta. Tinitigan niya lang ang babaeng nakatalikod sa kanya na nilalanghap ang sariwang hangin at ninanamnam ito, naaaliw naman siyang titigan ang dalaga.

''Punta kana dito mainit na'' saad ng binata at nakinig naman ang dalaga at nakangiting lumapit sa kinaruruunan ng binata, ng kanyang pisngeng namumula dahil sa sinag ng araw at kinapa naman ng binata ang kanyang bulsa sa likuran at kinuha ang panyo at sinimulang punasan ang pawis sa noo ng dalaga. Bahagya namang nagulat ang dalaga dahil sa ginawa ng binata, napangiti nalang ito ng pilit at hinayaan ang binata sa kanyang ginagawa. Hinawakan siya nito sa bewang at mas pinapalit, napalunok naman ang dalaga ng ilang beses at di niya magawang titigan ang mata ng binata.

''Pawisan kana oh'' saad nito at pinahiran ang pisnge at ilong ng dalaga habang nakangiti.

''A-ah hehe ang ganda kase dito e tas diko namalayan napinapawisan nap ala ako'' nahihiya nitong sambit at bahagyang napayuko at hinawakan naman ni Francisco ang kanyang baba at pinagtama ang kanilang paningin, napapikit ang dalaga ng bilang dumapo ang malambot na laki ng binata sa kanyang noo. Hinalikan niya ako. Imbes na magalit siya ay parang gusto niya din ang ginawa ng binata dahilan ng biglang pagbilis ng tibok ng puso nito at ramdam niya ang bawat hininga ng binata sa kanyang pisnge.

''Miss ko na yung ganto ka kalapit sa akin Elena'' saad nito dahilan ng pagtulak sakanya ng dalaga at maimtim siyang tinitigan sa mata.

''Hindi ako si Elena kaya pwede bang wag mo siyang banggitin pag kasama moko?'' galit na saad ng dalaga na kahit nga sarili niya ay hindi alam kung bakit siya biglang nagalit, marinig niya lang ang bibig na iyon galing sa binata ay kumukulo na agad ang kanyang dugo. Tinitigan niya muna ang binata bago naglakad palayo.

''Lina!'' tawag sa kanya ng binata agad naman niya itong hinabol at pinaharap sa kanya.

''Bakit ka umiiyak?'' gylat na tanong ng binata ng makita niyang umiiyak ang dalaga, napayuko naman ito at pilit na lumalayo sa binata

''Wala kang pake, pwede ba lumayo ka. Uuwi nako'' saad nito sa garal na boses, hinawakan siya sa braso ng binata at pinatingin sa kanya

''Sabihin mo Lina, bakit ka umiiyak?'' ulit na tanong ng binata ngunit hindi siya sinagot ng dalaga at piniling umiwas ng tingin

''Lina bakit ka nga umiiyak? Sorry na ok?'' malambing na sabi ng binata sa dalaga

''Gusto mo malaman?'' tanong ng dalaga sa binata at tinapik ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang braso, tumango naman ang binata bilang sagot.

''Kase nagagalit ako, nagagalit ako na tuwing kasama moko siya nalang lage nandyan sa isip mo, siya nalang lage ang bukambibig mo! Kanina kapa e, aminin monga Francis may oras ba na naisip mo na hindi ako siya? Na kapag kasama moko naiisip mo ba na iban tao yung kasama mo? Na hindi ako yung taong mahal mo?'' naiiyak na sambit ng dalaga sa binata na ngayo'y nakayuko na, nabigla naman ang dalaga ng bigla siyang niyakap ng binata at kinulong sa kanyang bisig at hinahaplos ang kanyang buhok.

''Pasensya kana alam kung kasalanan ko, patawad'' saad nito at pinunasan ang mga luhang umaagos sa mata ng dalaga

''Nkakainis ka kase ramdam ko tuloy na kaya moko sinasama sa lahat ng pinupuntahan mo kase akala mo ako siya na akala mo ako yung babaeng mahal mo pa hanggang ngayon. Sana naman Francis kahit isang beses lang makita moko sa ano ako di yung makita moko sa nakaraan mo''

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon