18

15 2 0
                                    

Panaginip

Gabi na ng umuwi sila Elena at Amy dahil nagkwentuhan pa sila loob sa restaurant at nikwento na din ni Elena ang kanyang panaginip sa kanyang kaibigan at nung una ayaw maniwala ni Amy pero nung nanatiling seryoso ang mukha ni Elena ay dun niya lang napagtanto na nagsasabi ito ng totoo. Nakasalampak ang dalaga sa kanyang higaan, kanina pag dating niya sa bahay nila ay niyakap niya ng mahigpit yung mama at papa niya pati na din ang kanyang mga kapatid di padin makakaila na namiss niya ang kanyang pamilya pero may lungkot padin lalo na ng magising siya sa kanyang panaginip, nanghihinayang pa din ang dalaga kase hindi niya nasabi sa binata ang kanyang nararamdaman bago man lang siya nawala at di niya alam kung pano niya gagawing makabalik sa panaginip na iyun. Pinikit niya ang kanyang mga mata at umaasa na mapapanaginip ang naudlot niyang panaginip. Sana, sana bumalik ako doon sa panaginip ko. Bumigat na ang kanyang talukap at tuluyan ng nakatulog.

''Tama na! Parang awa muna'' rinig niyang sigaw ng babae kaya dali dali naman siyang tumakbo kung saan nangagaling ang boses na yun at pinalibot niya muna ang kanyang paningin at naging pamilya ito sa kanya, gubat. Alam niya ito, dahil dito siya nakita ng isang mangangabayo na sugatan at nakasandal sa isang malaking puno. Bumalik ako pero hindi sa panahong nagtapat ng pag-ibig si Francisco.

''Tulong!'' palakas ng palakas ang boses na kanyang naririnig kaya naman mas binilisan niya pa ang pagtakbo at hinanap ang babaeng nagsisigaw ng tulong, napahinto ito at nagulat sa nadatnan. Nakikita niya ang isang babaeng kaparehas ng kanyang mukha na umiiyak at maraming sugat at lalapitan n asana niya ito ng biglang may sumampal sa dalaga dahilan siya napahinto at napahawak sa kanyang bibig, nanatili siya sa kanyang pwesto at di makagalaw dahil sa kanyang nakikitang eksena. May lumapit na isang pigura ng lalaki na sobrang pamilyar sa kanya dahil lage niya itung nakikitang nakatalikod, napailing siya at di mapreso sa kanyang utak ang kanyang natutuklasan. Alam niyang ang kanyang nakikita ngayon ay isang panaginip ngunit panaginip na tungkol sa pag kagahasa ni Elena. Di niya lubos maisip at matanggap kung sino man ang gumawa ng kalapastangan sa dalaga, humakbang ito ng ilang beses at ingat na hindi makagawa ng ingay ngunit may naapakan siyang isang kahoy na dahilan ng kanyang pagkatapilok at siya ay natumba.

''Aray'' daing niya at nakitang nasugatan ang kanyang paa ngunit kinabahan ito ng biglang tumingin sa gawi nila ang lalaki at bilis namang tumayo ang dalaga pero laking gulat niya na hindi siya nakita ng binata.

''Teo, parang awa muna. Itigil muna please'' pagmamakaawal ni Elena at luhaan padin na wala ng saplot sa katawan ngunit hindi siya nito pinansin at mas nilapit ang kanyang katawan sa dalaga at hinhaplos ang kanyang braso. Kumuha naman ng isang kahoy ang dalaga at patakbong pumunta sa gawi nila at pinao sa ulo ang binata ngunit walang nangyari dahil yung pamalong dala niya ay dumaan lamang sa kanyang katawan na hindi man lang siya nasusugatan, inulit niyang pinalo ang binata at kagaya ng una hindi padin ito natatamaan. Anung nangyayari? Bakit sa bawat hampas ko ay hindi man lang siya natatamaan at di man lang umadapo sa kanyang katawan. Binitawan niya ang kanyang dala dalang pamalo at tinitigan ang kanyang kamay, dahan dahan niyang nilapit ang kamay sa likod ng binata ngunit lumagpas lang ito at di man lang niya nahahawakan.

''Parang awa muna Teo! Itigil moto'' pagmamakaawa ni Elena sa binata ngunit hindi niya ito pinakinggan at mas piniling halikan ang dalaga habang ang mga kamay nito ay kung saan na dumadapo. Pilit naman nagpupumiglas ang dalaga sa mga bising ng bnata ngunit sadyang siya ay malakas at walang kalaban laban, wala siyang magawa at patuloy na lamang na umiyak. Napaluha nalamang ang dalaga dahil hindi niya alam ang gagawin kung pano tutulungan si Elena, bakit ko ba nakikita to!

''Shh madali lang to, kasalanan mo to Elena! Pinapili kita sa aming dalawa pero mas pinili moa ng kapatid ko!'' galit na sigaw ni Teo kay Elena at sisigaw n asana ang dalaga ng bigla siyang sinuntok ng binata sa kanyang tiyan dahilan sa pagkagulat ng dalaga at napasapo nalamang sa kanyang bibig. Sumuka naman ng dugo si Elena at namimilipit sa sakit. Tama na! Gisingin niyo na ako, diko na kaya.

''M-mahal ko s-iya'' utal na saad ni Elena habang may dugo padin na umaagos sa kanyang bibig

''Mahal din kita! Bakit ba dimo makita yun Elena, mas mabait ako kesa kay Iko pero bakit siya padin? Siya padin yung pinili mo'' naluluhang saad ng binata at ngayon ay naka upon a sa damuhan

''Teo, mahal d-in kita k-aso mas mahal ko si- -'' di natapos ng dalaga ang kanyang sasabihin ng pinutol ito ng binata ng halik, napayuko nalamang ang dalaga at humahagulhol ng iyak. Wala akung magawa, diko man lang maligtas si Elena. Gisingin niyo nako please, ayaw kona.

''Elena!!'' napabalikwas ito ng tayo habang habol ang kanyang hininga at ang kanang mga pawis na umaagos sa kanyang noo, niyakap siya ng kanyang ina ng mahigpit at hinagod ang kanyang likod.

''Hindi ko siya naligtas ma, ang sama ko'' iyak niya habang yakap padin siyang kanyang ina, sinisisi niya ang kanyang sarili dahil nandoon nga siya sa pangyayare ngunit wala man lang siyang magawa para pigilan iyun.

''Shh tahan na, panaginip lang yun at di yun totoo'' pagtatahan ng kanyang ina sa dalaga at napahagulhul naman ito. Sana nga, sana nga hindi nalang totoo ma.

''Nandoon nako e tas wala akung magawa, wala akung magawa ma'' patuloy niyang sabi at niyakap ng mas mahigit ang kanyang ina

''Tahan na, nandito lang si mama'' saad nito at hinahalikan ang kanyang ulo

Ang sakit lang kase nakita ko yung pangyayari, nakita ko yung sinapit ni Elena at wala man lang akung magawa para pigilan at iligtas ang dalaga. Napahikbi ito at iniisip ang mukha ng binata, pasensya kana Francis diko naligtas yung mahal mo. Pasensya. 

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon