Teodoro De los Trinidad
Sa mga pares ng matang nakatingin sa dalawang kabataan na ngayon ay sentro na ng atensyon ng lahat. Dahan-dahang hinawakan ng binata ang maskara ng dalaga ngunit bigla itong tumagilid dahilan sa pagbitaw ng maskara nito. Tumikhim ang binata.
"Hm maaari 'bang makita ang kabuhuan ng iyung mukha?" mala ginoong sambit nito sa dalaga. Tinignan naman ng dalaga ang mata ng binata, tila nagmamaka-usap.
"Pasensya kana pero di pa ako handa" nahihiyang sambit nito at nayuko na lamang
"Naiintindihan ko" ngumiti naman ito
Napag desisyonan ng dalawa na mag libot-libot muna sa paligid at halatang meron 'ding mga kabataan na napapatingin sa gawi nila, o sa kanyang binatang kasama.
"Pano ka napadpad dito? Halata kaseng bago kapalang eh" pagbasag ng binata sa katahimikan
"Diko 'din alam basta ang alam ko nakita ako sa gubat na sugatan hindi ko 'din alam kung saan nanggaling ang sugat ko" malungkot nitong sagot
Lumipas ang ilang oras at nagsimula ng magsiyawan ang lahat, ang iba naman ay nagkwekwentuhan at nag-uusap sa kani-kanilang negosyo.
"Labas tayo, may ipapakita ako" saad ng binata, simula kanina at hanggang ngayon ay ang tanging kasama niya lamang ay ang binata at masaya naman ang dalaga dahil mabait naman ito sakanya.
Lumakad ang dalawa at naiilang naman ang dalaga dahil sa bawat dinadaanan nila ay may nagbubulungan at halatang dahil ito sa kasama niya, tinatawag siya sa pangalang "Teodoro De los Trinidad" minsan may nakikipag kamayan at tinatanong kung nasaan ang kapatid nito. Ngapatuloy lang ang dalawa sa paglalakad hanggang sa napadpad sila sa likod ng mansyon. Harden, isang harden ang kanyang nakikita. Napakagandang harden, namamanghang tinitignan ng dalaga ang harden kahit hindi siya mahilig sa mga bulaklak ngunit iba ang kagandahan na taglay ng mga bulaklak sa loob ng harden na ito. Iba't ibang klase ng halaman at malulusog at namumulaklak na, naayos ang pagkalagay at gupit nito halatang inaalagaan at dagdag pa diyan ang mga paro-parong dumadapo sa mga ito.
"Tingin ka sa itaas" pagpukaw sa kanya mula sa pagkamangha, sinunud niya ang sinabi ng binata
Isang salita, maganda. Sobrang ganda ng mga bituwin na nasa kalangitan. Nagkikislapan ang bawat isa.
"Dito ako laging pumupunta, napaka aliwalas ng hangin at nakakatanggal ng pagod, alam mo ba 'nung bata pa ako kasama ko kapatid ko dito tumatambay, si Iko" kwento sa kanyang kasama na halatang may halong kalungkutang dinadala.
Iko?
"Nasaan na siya ngayon?" tanong ng dalaga
"Dalawa kaming lalaki at may bunso naming babae, kaso nag iba ang turingan naming sa isa't isa 'nung dumating ang isang babaeng sabay naming inibig, si Elena"
Napantig naman ang tenga ng dalaga at kumunot ang kanyang noo. Elena? Ako ba ang tinutukoy niya? Tinignan niya ang binata na nakatingin na pala sa kanya, ako ba ang Elena na 'yun?
"At magka mukha kayo" dagdag nito dahilan sa panghihina ng dalaga, nilakasan niya ang kanyang loob dahil anung oras man ay matutumba ito. Napa lunok ito ng sunod-sunod at nagsimulang pinawisan.
"Ako nga pala si Teodoro De los Trinidad, panganay sa anak nang may-ari sa lupaing ito."
BINABASA MO ANG
Baka Sakali
Teen FictionAko'y nakatingin sa malayo habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadapo, iniisip ang mukha mo at ang mga ngiti na sumisilay sa mga labi mo. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko, na ang pag-iibigan natin ay malabo pano ka kaya sa totoong mundo...