Pagmulat
''Elena? Gising na uwian na'' rinig niyang sabi ng isang babae na pamilyar ang boses.
''Elena!'' pasigaw na pagtawag sa kanyang pangalan dahilan ng kanyang pagbalikwas ng tao at tinitigancang kanyang paligid. Silid, nasa loob ako ng silid. Dali dali niyang tinitigan ang labas ng kanyang silid at nakita niya ang kabuohan ng paaralang kanyang pinapasukan. Nakunot naman ang kanyang noo dahil sa nakikita, anung nangyayari?
''Elena? Ok kalang ba?'' hinarap niya naman ang boses na yung at nakita niya ang kanyang kaibigan na si Amy na nakasakbit na sa kanyang braso ang kanyang bag, tinitigan niya ang kanyang suot at napagtantong ito yung suot niya bago siya pumasok ng paaralan. Nilapitan niya ang kanyang kaibigan.
''Kurutin moko'' utos niya sa kanyang kaibigan na ngayo'y naguguluhan na sa inaasta ng dalaga.
''Ha? Para kang tanga Elena, tara na umuwi na tayo malapit na ang gabi'' naiinis na sabi ng kanyang kaibigan at kinurot naman niya ang kanyan sarili dahilan sap ag daing niya sa sakit.
''Totoo nga, di ako nananaginip'' saad nito sa sarili
''Parang ewan Elena, kanina kapa natutulog dyan sa upuan mo buti nga ginising kita kundi maiiwan ka dito at dito kana magpapalipas ng gabi.'' natatawang sambit ng kanyang kaibigan.
''Si Franisco?'' tanong nito sa kaibigan dahilan na pagkunot ng kanyang noo
''Anung Francisco ang pinagsasabi mo? Sino ba yan?''nalilitong tanong ng kanyang kaibigan. Napaupo nalamang siya at di napigilang umiyak.
''Panaginip lang pala ang lahat'' saad nito at napasabunot sa kanyang buhok, napabuntong hininga ito at pumikit at iniisip ang itsura ng binatang huli niyang nakita bago paman siya nagising. Francisco
''Ok kalang ba?'' tanong ni Amy at tinatapik ang kanyang likod para pakalamahin.
''Panaginip lang pala ang lahat, Amy. Akala ko kase totoo na'' naiiyak padin na sambit ng dalaga at wala namang nagawa ang kanyang kaibigan at niyakap nalamang si Elena. Panaginip lang pala pero minahal din kita ng sobra.
''Ano ba kase ang nangyari? Bakit ka umiiyak at sino yung Francisco na yun?'' usisa ng kanyang kaibigan ng makalabas sila sa silid at naghahanap ng masasakyan pauwi, wala namang imik ang dalaga at nakayuko lang namumugto ang kanyang mata at ang kanyang ilong na pulang-pula halatang kakagaling lang sap ag iyak. Paulit ulit namang pumapasok sa kanyang isipan ang katagang binitawan ng binata. Kahit panaginip lang yung pero nag iwan ka ng marka sa puso ko Francisco. Pinunasan niya muna ang isang butyl ng luha na kumawala sa kanyang mata bago hinarap ang kanyang kaibigan at pilit na ngumiti.
''Wala yun, panaginip lang yun'' saad nito at ngumiti ng pilit
''Gusto mo libre kita? Namumugto na yang mata mo oh kakaiyak baka tatanungin ka ng madami ni tita kung bakit ka umiiyak'' saad ng kanyang kaibigan at nagulat nalang ito ng bigla siyang niyakap ni Elena.
''Na miss kita, sobra'' maluha lhang sambit nito kay Amy at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kanyang kaibigan, nagulat naman si Amy at niyakap pabalik ang dalaga.
''Na miss moko e kung sinungitan moko kaninang umaga e, hahha'' natatawang sabi ni Amy habang hinahagod nito ang likod ng dalaga napangiti nalamang si Elena at pinunasan ang luha.
''Sige'' nakangiti nitong sabi
''Anung sige?'' pabalik na tanong ng kanyang kaibigan na nakakunot ang noo.
''Libre moko'' saad ni Elena at nagsimulang mag lakad tungo sa lage nilang kinakainan. Napailing nalamang si Amy at hinabol si Elena.
''Ano sayo?'' tanong nito kay Elena na ngayon ay tulala nanaman at nakatingin lang sa labas, niwagayway niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ng dalaga para makuha ang atensyon nito.
''Ano na?'' balik na tanong ni Amy
''Pasensya na, may iniisip lang'' malungkot na saad ng dalaga
''Ano naman?'' tanung ni Amy
''Hayst alam kung mahirap paniwalaan pero Amy nahulog ako sa lalaking napanaginipan ko kanina'' saad nito sa malungkot na boses
''Ha?!'' pasigaw na saa nito dahilang ng pagkuha niya ng atensyon sa ibang tao na nasa loob.
''Tsk wag ka nga sumigaw, nakakahiya ka sabihin pa na may kasama akung baliw'' asar na sabi ni Elena at pinaikutan nalang siya ito ng mata.
''Di nga?'' tanong nito ulit
''Mukha baa kung nagbibiro?'' iritang saad ng dalaga
''Sana nga e biro nalang'' dagdag nito at sinandal ang ulo sa upuan
''Gwapo ba?'' pilyong saad ng kanyang kaibigan dahilan ng pagkainis ng dalaga.
''Basta, tsk ang chismosa mo mag order kanalang don kase nagugutom nako'' naiinis na sabi nito at tumayo naman ang kanyang kaibigan at nagsimulang mag order ng pagkain nilang dalawa.
''Francisco ako din, diko alam pero nahuhulog na din ako sayo.'' lungkot nitong sabi habang nakapikit at iniisip ang mukha ng binata. Sana, sana nasabi ko yun sayo bago ako nagising.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali
Teen FictionAko'y nakatingin sa malayo habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadapo, iniisip ang mukha mo at ang mga ngiti na sumisilay sa mga labi mo. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko, na ang pag-iibigan natin ay malabo pano ka kaya sa totoong mundo...