19

32 1 0
                                    


Ang pagtatapos

Maagang nagising ang dalaga at walang buhay na bumangon sa kanyang higaan at kumuha ng towalya at pumasok na sa banyo para maligo. Hanggang ngayon ay sariwa padin sa kanyang isipan nag kanyang napanaginipan. Akala ko masaya na ang panaginip ko pero taliwas pala ito sa hinahangad ko. Malungkot na pumasok ng paaralan ang dalaga at di man lang magawang ngumiti o makipaghalubilo sa kanyang mga kaklase.

''Elena? Ayos kalang ba?'' nag aalalang tanong ni Amy at tumabi sa kanya at tinitigan ang dalaga na puno ng pag aalala ang mukha, bumalik naman sa kanyang isipan ang nangyari sa kanyang panaginip dahilan ng pag tulo ng kanyang mga luha at nataranta naman si Amy

''Hala wala akung ginawa'' saad nito at pinunasan ang luhang umaagos sa mukha ng dalaga, napailing naman ang dalaga at ngumiti ng pilit

''Hindi ikaw, nanaginip kase ako e tas akala ko maayos na pero hindi pala'' saad nito at nakatignin lang sa malayo

''Ha? Bakit?'' naguguluhan na tanong ng dalaga

''Napanaginipan ko yung sinapit ng kamukha ko, at kilala ko din kung sino ang gumahasa sa kanya'' saad nito

''Sino!'' pasigaw na sagot ng kanyang kaibigan at tinitigan naman siya ng dalaga bago nagsalita

''Si Teodoro'' galit na saad nito

''Ganun? Akala ko naman mabait siya'' saad ng kanyang kaibigan

''Ako nga din, kaso di pala dahil sakanya nakulong si Francis at dahil sakanya namatay si Elena'' saad nito at tinapik naman siya sa likod ng kanyang kaibigan

''Hayst, labas muna tayo wala pa naman si ma'am'' saad nito kaya naman tumayo ang dalaga ang nag unang lumabas ng silid at narinig naman niya ang sigaw ng kanyang barkada na hinatayin siya.

''Francisco, namimiss na kita'' malungkot nitong saad sa kanyang sarili.

''Ang sama mo Elena, dimo man lang ako hinintay'' saad ng kanyang kaibigan habang hawak ang kanyang dibdib at habol hininga, tinitigan lang siya ng dalaga at ngumiti.

''Tara na' saad nito at napatango nalamang ang kanyang kaibigan.

Francisco kung may pagkakataon man na makikita pa kita isa lang ang masasabi ko, mahal kita.

''Aray!'' pasigaw niyang daing ng matumba siya dahil may bumangga sa kanyan, tatayo na sana ang dalaga ng may lumahad na kamay sa kanya at tinitigan niya ito na nakakunot noo. Tumayo ang dalaga na hindi man lang pinansin ang kamay na nakalahad sa kanya. Galit itung napatingin sa bumangga sa kanya at laking gulat niya ng mamukhaan an gang lalaking nakabangga sa kanya.

''Francisco?'' tanong nito na nakakunot ang kanyang noo, bigla naman siyang nakaramdan ng saya at pagkasabik ng makita ang binata

''Hm? Pano mo nalaman ang pangalan ko?'' walang emosyong tanong ng binata at di naman mapigilan na mapahikbi ang dalaga sa nakikita. Kung panaginip ulit ito sana di nako magising.

''Ikaw ba talaga si Francisco?'' di makapaniwalang tanong ng dalaga

''Bakit?'' tanong pabalik ng binata at pinagkrus ang kanyang braso habang nakatitig sa dalaga, nginitian naman siya ng dalaga dahilan ng pagkakunot ng noo ng binata na parang naguguluhan sa inasta ng dalaga

Pag iibigan man natin ay malabo pero sana ngayon, sa panahon nating pareho ay bigyan tao ng tadhana ng isang pagkakataon na simulan muli ang ating sturya. Baka, baka sakaling tao ay maging masaya. 

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon