Probinsya De los Cristina
Dahan-dahang minumulat ni Elena ang kanyang mga mata, napabalikwas ito sa nakikita; maraming tao, maingay at 'pang probinsya ang dating, ang desenyo at higit sa lahat 'di pamilyar sa kanya ang lugar. May isang matandang babae na lumapit at may dala-dalang kahon na naglalaman ng mga gamot.
"Sino ka?" nagtatakang tanong ng dalaga sa matandang naka soot ng isang bistida, medyo kunot na ang pagmumukha pero masasabi mo pading maganda ito nung kabataan pa niya. Kinabahan si Elena sa ano mang nangyayari sa kanya at sa kanyang paligid, tila nalilito at naguguluhan.
"Ineng, wag ka munang malikot hindi pa magaling ang mga sugat mo" mahinhin nitong sabi, kung di siya nagkakamali nasa mga trenta anyos na ang edad nito base sa pisikal na anyo.
"Sugat? Anong sugat?" nagtatakang tanong ng dalaga. Sinuri niya ang kanyang sarili at napansin ang isang hiwa bandang tiyan niya, agad naman siyang napadaing ng biglang nilagyan ng dahon ang kanyang sugat at wala man 'lang pasabi.
"Bat ako napadpad dito? Pano?" hestirikal na sambit ng dalaga habang iniinda ang sakit sa bandang tiyan.
"Bat ako nagkasugat?" paulit na tanong ng dalaga.
"Hindi mo ba talaga maalala ang nangyari sayo?" sambit ng matanda. Mas lalong nagtaka ang dalaga sa sinabi ng matanda.
"Nangyari? Ano po 'bang nangyari?" maluluhang tanong ng dalaga. Hindi niya mapigilan magtaka, matakot at mangamba. Pano na ito? Pano ako babalik sa panahong nag-aaral lang ako? Ang daming katanongan na naglalaro sa kanyang isipan.
"Nakita ka ng isang mangangabayo sa gubat na sugatan at nakahilig sa malaking puno, hindi namin alam taga saan ka at kung sino ka, matapos kang makita ni Mang Berto sa gubat agad ka na niyang dinala rito para magamot" paliwanag ng matanda. Parang lumapaypay at nanghina ang dalaga sa narinig mula sa matanda. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi ng matanda o nagsisinungaling lang ba ito sakanya. Nagsimulang nagsilabasan ang mga luha na nanggagaling sa kanyang malulungkot na mga mata, nalilito at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Ineng, tahan na wag kang mag-aalala ligtas ka dito at mababait ang mga tao" pagpapakalma sa kanya ng matanda. Hinahaplos ng matanda ang balikat ng dalaga para kahit papano tumahan ito sa kakaiyak. Naramdaman niya ang halo-halong emosyon. Sumapit ang hapon pero tulala pa din ang dalaga hindi pa 'din ma proseso sa kanyang isipan ang lahat ng naganap. Biglang bumukas ang pintuan at lumuwa ang hindi pamilyar na pigura ng isang lalaki, matipuno at may magandang hubog ng pangangatawan at mala anghel naman ang mukha, ang ilong na sobrang matangos na para bang may lahi at tsaka ang kanyang labi na mapupula. Inilahad niya sa dalaga ang dalang plato na naglalaman ng pagkain.
"Kumain kana habang mainit pa" ang boses niyang masarap pakinggan at di nakakauma.
"Ha?" wala sa sarili nitong sambit.
"Gusto mo ulitin ko pa" sarkastikong wika ng binata. Napakurap naman ang dalaga ng ilang beses bago matanto na ang binatang nasa harapan niya ay isa palang sarkastiko. Sa matitiponong pangangatawan at mala anghel na mukha ay taliwas pala nito ang kanyang pag-uugali. Napairap nalang ang dalaga sa inasta ng binata.
"Akin na ngayan" saad nito
"Tsk arte-arte pa kakain lang naman" sagot ng binata. Maya maya pa ay lumabas na ang binata sa silid at sinimulan ng dalaga sa pagkain. Gusto niyang lumabas sa silid pero inuunahan ito ng takot, tila ba ang nangyari sa kanya ang isang bangungot lamang. Napag-isipan niya na lumabas at suriin ang lugar kung nasaan man siya ngayon.
Bumungad sa kanya ang malaking karatula na naglalaman ng "Probinsya De los Cristina" nilibot niya ang kanyang paningin at minumurya ang bawat paligid. Maaliwalas, malinis at sariwa ang hangin at merong isang malawak na lupain na tinataniman ng mga prutas at mga bulaklakin ang mga batang naghahabulan sa gilid. Meron 'ding mga kalalakihan na nagtatawanan, maririnig mula dito ang bawat pagdampa ng mga kabayo, humakbang papalapit ang dalaga sa isang tindahan na naglalaman ng mga kwintas o mga bilihin na pwede iregalo.
"Magandang hapon ija" pagbati ng tindera sa dalaga
"Magandang hapon din po sa inyo" nakangiting sambit ng dalaga. Tinignan niya isa-isa ang mga tinda, tila ba sinusuri ang mga desenyo nito.
"Ikaw lang ba ang gumagawa nito?" wala sa sariling tanong ng dalaga
"Opo at ang iba naman ay gawa ng anak ko" pagmamalaking sambit ng tindira
"Bakit po pala ang daming tao dito, may ano po ba?" tanong ng dalaga habang tinitignan ang mga tao sa paligid
"Araw ng De los Trinidad ngayon, taon-taon nag papalaro at nagpapasayaw. Mamayang gabi gaganapin ang sayawan sa bahay ng mga Trinidad, masaya doon kaya ikaw ija pumunta ka" wika ng tindira sa dalaga
"Trinidad? Sino po yun?"
"Sila ang nag mamay-ari ng lupain na ito" ngiting sambit ng babae
Napatignin sa bandang kanan ang dalaga at nahagilip ng mata ang isang lalaki na nakatitig sa kanya, ang mga titig na para 'bang matagal muna siyang kilala. Mga matang nagdudulot ng isang sensasyon sa kanyang katawan, walang iba kundi si Francisco De los Trinidad.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali
Teen FictionAko'y nakatingin sa malayo habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadapo, iniisip ang mukha mo at ang mga ngiti na sumisilay sa mga labi mo. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko, na ang pag-iibigan natin ay malabo pano ka kaya sa totoong mundo...