Nakatagong Salita
Hanggang ngayon ay sariwa padin sa utak ni Lina ang sinabi sa kanya ni Aling Nena hindi niya lubos maisip na magkaparehas sila ng mukha ni Elena at magkapangalan pa. Pano kung ako pala yun? Na kaya ako dumating sa mundong to dahil ito yung nakaraan ko? Na ang kanyang nalalaman ngayon ay parte ng kanyang nakaraan na kanyang nakalimutan? Ang daming katanungan sa kanyang isipin ngunit kahit isa ay wala man lang kasagutan, hinilot niya ang kanayng sintido dahil sap ag uumagtig na sakit at bumuga ng malalim na hininga at isinintabi nalang muna ang kanyang mga iniisip.
''Lina, may bisita ka'' saad ni Aling Nena sakanya dahilan ng pagkunot ng kanyang noo, sino naman ang naghahanap sakin?
''Sino po?'' tanong ng dalaga kay Aling Nena at nagsuot ng tsanelas bago bumaba ng tuluyan sa kanyang silid, nakaabutan niyang nakaupo si Francis habang kausap si Aling Nena. Anung ginagawa niya dito?
''Francis? Napa rito ka?'' saad nito dahilan ng pakuha niya ng atensyon sa dalawa, tinitigan siya nito ng malalim at nagsimula naman bumilis ang tibok ng kanyang puso. Umiwas ito ng tingin at kumuha ng tubig dahil pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan, tumayo naman ang binata at lumapit sa kanya at di padin tinatanggal ang kanyang titig sa dalaga kinabahan naman ang dalaga at walang sabi sabing nilagos ang tubig sa baso.
''B-akit?'' nauutal na tanong ng dalaga ng tuluyan ng makalapit sa kanya ang binata at kinapa naman ng binata ang kanyang noo at leeg.
''Hm mabuti naman at gumaling kana'' saad nito at ngumiti ng matamis sa dalaga
''Ah oo'' nahihiyang sambit ng dalaga dahil sa mga titig ng binata
''Lina? Pumunta pala yang si Iko dito dahil pinag paalam ka niya sa akin'' nakangiting sambit ng Aling Nena sa dalawa, napakunot naman ang noo ng dalaga
''Po?'' naguguluhang tanong nito pero imbes na si Aling Nena ang sumagot ay naunahan na siya ng binata
''Ipapasyal kita'' sabi nito at ngumiti ng matamis sa dalaga, napaisip naman ang dalaga 'ganyan kaba sa akin dahil akala mo ako yung Elena sa puso mo?'' napabuntong hininga nalang ang dalaga at nalungkot sa naiisip
''Magbihis kana, malayo layo ang pupuntahan natin'' saad ng binata at napatango naman ang dalaga at nagsimulang magbihis
''Nay alis na kami'' paalam ni Lina kay Aling Nena at ngumiti
''Sige, mag iingat kayo ah. Iko? Ingatan mo si Lina'' saad naman ni Aling Nena na para bang may ibang ibig sabihin ang salitang 'ingatan'
''Opo nay'' nakangiting saad ng binata at kumaway kay Aling Nena bago tuluyang pinaandar ang sasakyan
''Saan mo ako dadalhin?'' tanong ng dalaga habang ang kanyang tingin ay nasal abas ng bintana.
''Malalaman mo din pag nandun na tayo''
''Francis?'' tawag ng dalaga sa binata
''Hm?'' sagot naman ng binata na pukos padin sa pagmamaneho
''Pag ba hindi kami parehas ng itsura ni Elena, magiging ganyan padin baa ng pakikitungo mo sakin?'' biglang tanong ng dalaga at tinitigan ang binata
''Ha? Ano ang ibig mung sabihin?'' tanong pabalik ng binata
''Si Elena at ako diba magkaparehas kami ng itsura? Pag ba hindi, hindi Kadin lalapit sakin na ganto?'' tanong nito at napayuko, nasasaktan ako sa sarili kung tanong.
''Alam muna pala'' sabi ng binata
''Nag tanong ako e kaya nagkwento naman si Aling Nena'' mapait nitong sambit
''Alam mung una kitang nakita bumalik lahat, bumalik lahat yung sait at yung pagkakatakwil mo sakin ngunit nung nakasama kita ng ilang araw ay napagtanto ko na hindi ikaw si Elena na mag ka iba pala kayo'' malungkot na sabi nito at napakurap naman ng ilang beses ang dalaga para pigilan ang mga luhang gusting kumawala
''Pero umaasa padin ako Lina, umaasa padin ako na ikaw siya. Na ikaw yung babaeng matagal kunang hinihintay'' saad ng binata at napabuntong hininga.
Pero hindi ako yun Francis, hindi ako yung babaeng pinangakuan mo'' sabi nito at di niya na napigilan ang kanyang mga luha at nag uunahan na sa pag-agos. Tinigil ng binata ang sasakyan sa gilid at hinarap ang binata at hinaplos ang pisnge ng dalaga
''Alam ko Lina, alam ko pero sana hayaan mo ko na isipin na ikaw siya'' saad nito at pinunasan ang mga luhang umaagos sa pisnge ng dalaga. Masakit Francis, kase gusto ko na habang kasama moko nakikita moko na si Lina hindi yung Elena na kamukha ko at kapangalan ko. Napatango nalamang ang dalaga at bahagyang nilayo ang kanyang mukha sa binata.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali
Dla nastolatkówAko'y nakatingin sa malayo habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadapo, iniisip ang mukha mo at ang mga ngiti na sumisilay sa mga labi mo. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko, na ang pag-iibigan natin ay malabo pano ka kaya sa totoong mundo...