9

25 3 0
                                    

Ilog ng luha

Namamanghang nakatitig si Lina sa kanyang harapan matapos silang bumyahe na halos isang oras ay nakarating 'rin sila sa kanilang distinasyon.

''Noon kase may nagtagpong isang binata at dalaga sa ilog nato at sa di inaasanhan sila ay nagka-ibigan ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sila ay pinagkalayo. Nagpadala ng sulat ang babae sa binata na nagsasaad na magkikita sila dito ngunit isa lang pala yung patibong para hulihin ang binata. Umiyak ng umiyak ng binata dito at sumabay naman ang pag-agos ng luha sa ilog na ito. Mula noon ang ilog na ito ay sinumpa, na kung sino daw ang pupunta ditong magkarelasyon ang hindi magkakatuluyan at luluha kaya tinawag itong Ilong ng Luha'' malungkot na kwento ng binata, bigla namang kumirot ang dibdib ni Lina na para bang may bumabara sa kanyang dibdib na dahilan ng pagkirot nito, sa kagandahan ng taglay ng ilog na ito at siya palang puno ng kalungkutan at luha. Hindi namalayan ng dalaga na may tumulo na palang luha sa kanyang mata, napansin niya lang ito ng may kamay na pumunas sa kanyang luha tinitigan niya ang binata na ngayon ay puno ng kalungkutan, pagkasabik ang mga mata ngunit pinipilit pa din na maging masaya. Nginitian niya ang dalaga at naglakad papuntang ilog, nakatingin lang si Lina sa binata.

''Dika maliligo?'' pasigaw na tanong ng binata na nagsisimula ng nagtampisaw sa tubig.

''Wala akung dalang damit'' sagot naman nito

''Pwede naman kitang pahiramin'' pagpupumilit ni Francisco kay Lina, nginitian lang siya ng dalaga at umiling.

''Ayos lang ako dito, maligo kana dyan''tumango nalang ang binata at nagsimulang nag langoy. Nilibot naman ni Lina ang kanyang paningin sa paligid, sobrang ganda ta malinis ang kapaligiran halatang ang tubig na ito ay natural at hindi madumi. May mga bulaklak nan aka tanim sa lupa at sa gilid naman ay may mga malalaking bato, hindi niya alam bakit naging emosyonal siya ng marinig ang kwento ng binata at nakaramdan ng sakit at galit sa kanyang dibdib napabuntong hininga nalang ang dalaga. Ano ng nangyayari sakin? Bakit parang apektdong apektado ako.

''May problema?'' tanong ng Francisco nan aka-ahon nap ala na di man lang niya namamalayan.

''Wala naman naalala kulang yung kwento mo'' pilit ngiting sambit nito, bigla namang nalungkot ang binata ng marinig ang sinabi ng dalaga.

''Nakulong ang lalaki ng ilang taon sa paratang na siya ay nanggahasa ngunit matapos ang kanyang pagkakakulong ay ang dalaga padin ang kanyang unang hinanap dahil mahal niya pa ito'' mapait nitong sambit.

''Mahal na mahal'' dagdag nito na ngayon ay nakatitig sa mga mata ng dalaga, biglas lumakas ang tibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang paningin ngunit unang umiwas ng tingin ang binate at sinoot na ang kanyang damit pang-taas.

''Uwi na tayo baka hinahanap kana'' mabilis namang tumayo ang dalaga at inayos ang sarili bago lumakad, hindi na nila pinasok ang sasakyang dahil ang daan ay hindi na semento kundi mga bato at kawawa naman ang sasakyan kung idadaan sa mga bato. Sa paglalakad ni Lina ay may nakasalubong siyang isang babaeng baliw, napatingin ito sa gawi niya at biglang lumapit.

''Kamusta kana? Masaya ako na ikaw ay nagbabalik, bumalik kaba dito para maghiganti?'' sabi nito na may malaking ngiti sa labi, takot namang napa-atras ang dalaga buti naman ay dumating si Francisco at nilayo si Lina sa baliw. Hawak-hawak niya ang kanay ni Lina at mabilis na hinila papalayo sa baliw, muli naman tinitigan ni Lina ang baliw na ngayon ay tumatawa.

''Dumating na ang panahon at siya ang muling maghahasik ng lagim sa probinsya ng mga Trinidad!'' tumawa ito ng malakas, bigla namang nagtaasan ng balahibo si Lina kaya dali-dali itong nag iwas ng tingin sa baliw.

''Wag ka making doon, baliw yun'' sabi ng binata at binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok naman ang dalaga.

''Sino yun?'' usisa na tanong ng dalaga sa binata

''Si Lucita ang baliw sa probinsiyanato, siya kase yung nakatuklas sa dinanas ng isang babae dito'' galit na sambit ng binata, mas naguluhan si Lina sa kanyang sinabi.

''Tara na'' tumango nalang ang dalaga at isinandal ang kanyang ulo tsaka pumikit

''Maaring ang ala-ala mo ay mawala pero ang nararamdaman at emosyon mo ay naka-ukit dyan sa iyong puso'' napatingin ang dalaga sa kanyang katabi na nakakunot ang noo.

''Ano ibig mung sabihin?'' tanong nito, ngumiti naman ang binata na nag dulot ng pagbilis nanaman ng kanyang puso. Tinitigan niya ang dalaga sa kanyang mga mata at nagsalita

''Tutulungan kitang maalala ako''


Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon