Umaasa
Napatigil sa pagkain ang dalaga ng makitang nakasandal si Francisco sa may pintuan at nakatitig sakanya ng matiim, napakunot naman ang noo ng dalaga sa paraan ng pagtitig ng binata sakanya.
''Wag mo nga akung titigan ng ganyan'' naiilang nitong sabi at nilagay sa lamesa ang plato, napataas naman ng kilay si Francisco at npangisi.
''Sino ba nagsabi sayo na pumaso ka? Alam mo naman siguro na nilalagnat ka diba?'' tanong nito at dumukwang papalapit
''Ako lang, kaya ko naman e'' pagmamatigas nito, bahagya namang nilapit ng binata ang kanyang mukha sa dalaga at tinitigan siya.
''Kaya? E malapit ka ngang natumba kanina sa bakuran kung hindi kita nasalo nun baka may bukol kana dyan sa ulo mo. Yun baa ng kaya sayo hm?'' tanong nito habang tinitigan siya ng mataimtim, napaluno namang ng ilang beses ang dalaga at bahagyang nilayo ang kanyang mukha sa binata.
''Ha? Ikaw ang nagsalo? Hindi si Teo?'' naguguluhang tanong ng dalaga
''Hm Teo'' saad ng binata at napailing
''Di ka padin nagbabago'' saad nito sa kanyang sarili
''Akala ko si Teo, siya kase yung unang nakita ko dito'' pagdadahilan ng dalaga sa binata, tumabi naman ang binate at kinuha ang nakalagay na plato sa lamesa.
''Hindi mupa nauubos ang pagkain mo'' saad nito
''Hindi siya kundi ako, hindi mulang ako naabutan ng pagka gising mo kase umalis nako at pumunta sa inyo'' dagdag nito at naglahad ng pagkain sa dalaga ngunit nakatitig lang sakanya ang dalaga.
''Bakit ka naman pumunta don?'' naguguluhan nitong tanong, binaba naman ni Francisco ang nakalahad na kutsara at bumuntong hininga.
''Para malan niya kung anung nangyari sayo'' magsasalita n asana ag dalaga ngunit biglsng may dumating, si Aling Nena.
''Lina? Wala bang masakit sayo? Hindi kaba nabagok ha, nakainom kana ba ng gamot?'' saad nito habang tinitignan ang katawan ni Lina ung may sugat ba, napangiti naman ang dalaga dahil napagtanto niyang may pakialam talaga si Aling Nena sakanya.
''Ayos lang po ako, pasensya kana kase nag-alala kapa'' nakukonsensyang saad ng dalaga
''Ano kaba? Nag-aalala ako kase parang anak na din kita'' senseryong saad ni Aling Nena habang akatitig sa mga mata ng dalaga, nakaramdam naman ng saya ang dalaga ng mapagtanto niyang tinuturing nga siyang anak nito.
''Mabuti nalang at pumunta agad si Iko sa bahay para sabihan ako''
''Iko?'' naguguluhang tanong ng dalaga
''Si Francisco ija, Iko ang kanyang palayaw'' nakangiting sabi ni Aling Nena sa dalaga at tumango nalamang ang dalaga bilang ganti. Nagkwentuhan muna ang dalawa ng ilang oras at si Aling Nena na din ang nagpakain sa dalaga, masaya silang natatawanan ng biglang may kumatok sa pintuan at nakita doon si Francisco.
''Pasensya na kung na disturb ko yung kwentuhan niyo, nanay? Pwede niyo ng pong iuwi si Lina ako napo ang maghahatid sa inyo'' saad nito at tumingin sa dalaga
''At ikaw Lina wag kanang pumasok muna'' dagdag na sambit nito
''Magagalitan ako- - -'' hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng pinutol agad siya ng binata
''Sinabihan ko na siya, ako na ang bahala magpagaling kanalang'' saad nito
''Salamat iko ha'' pagpapasalamat ni Aling Nena sa binata at ngumiti naman ang binata
''Tara na?'' tanong nito at lumapit sa dalaga, naguguluhan naman siyang nakatitig sa binata ng bigla siya nitong inalalayan sap ag tayo
''Kaya ko'' pagmamatigas ng dalaga, tinitigan siya ng binata at nagsalita
''Wag kang magmatigas pwede?'' saad nito, nagbago nanaman ang ugali nito. Kung kanina ang bait pero ngayon biglang naging suplado. Hinawakan niya ang dalaga sa bewan at pinalupot naman ang isang kamay ng dalawa sa kanyang batok.
''Bakit ang bait mo sakin kanina?'' tanong ng dalaga
''Hindi naman kailangan ng rason para maging mabait diba?'' sabi nito at patuloy padin sa pag alalay sa dalaga
''Ibig kung sabihin, bakit ang dali mo baguhin ang ugali mo? Ang bait mo kanina pero ngayon nagiging suplado kana naman, ramdam ko tuloy na parang galit ka sakin'' saad nito at napayuko
''Hindi ako galit sayo, nagiging suplado lang ako kase ayaw ko na ma-attached sayo'' sabi ng binata ng dahilan ng pagkakunot ng noo ng dalaga. Magsasalita n asana ang dalaga ng nagsalita ang binata
''Hindi mo ba ako naaalala?'' malungkot na tanong ng binata
''Ha? Alala?'' naguguluhang tanong niya at napabuntong hininga nalamang ang binata at napailing
''Salamat Iko sa paghatid samin'' masiglang saad ni Aling Nena ng makauwi na sila. Nasa loob naman ng silid ang dalaga, at tanging boses lang nila Francisco at ni Aling Nena ang kanyang naririnig
''Nanay? Hindi ba talaga siya?'' walang siglang tanong ng binata dahilan ng pagka-interes ng dalaga na mas makinig
''Hindi ko din alam Iko kase kahit ako hindi niya naaalala'' malungkot na saad ni Aling Nena
BINABASA MO ANG
Baka Sakali
Teen FictionAko'y nakatingin sa malayo habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadapo, iniisip ang mukha mo at ang mga ngiti na sumisilay sa mga labi mo. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko, na ang pag-iibigan natin ay malabo pano ka kaya sa totoong mundo...