6

32 2 0
                                    


Bisita

Naglilinis si Lina sa bakuran, inutusan kase siya na maglinis sa bakuran malapit sa harden na kanilang pinuntahan at may kulungan din ng mga kabayo at alagang hayop.

''Bago kalang ba dito ija?'' rinig niyang sabi ng isang lalaki sa kanyang likuran agad namna niya itung hinarap at nginitian.

''Oo e, ako kase yung ipapalit muna sa nagkasakit na kasambahay'' saad ng dalaga at nakinig nalamang sa kanya ang matandang lalaki

''Ako nga pala si Mang Berting'' saad nito at naglahad ng kamay sa dalaga

''Ako din po si Lina'' nakangiti nitong saad sa matanda.

''Mang Berting?'' tawag sa matanda, agad naman nilang tinignan kung saan nanggagaling ang boses na iyun at nadatnan nila ang pigura ng isang lalaki na walang saplot pang taas, agad naman umiwas ng tingin ang dalaga ng matantong si Francisco iyon.

''Bakit po sir?'' tanong ng matanda sa binata na ngayon ay papalapit na sa kinatatayuan ng dalawa at ang dalaga naman ay nagsimula ng maglinis at magwalis ng mga dahon.

''Tawag ka ni Mang Juan sa loob'' rinig niyang sabi ng binata na parang walang emosyon ang kanyan boses. Ngapatuloy nalamang ang dalaga at hindi na pinansin ang dalawa, rinig niya ang mga yapak ni Mang Berting na papalayo sa kanyang gawi.

''Lina'' sambit ng binata sa kanyang pangalan at hinarap naman niya ito na kunot noo

''Bakit?'' tanong nito sa binata at tinitigan siya

''Lina nga ba ang pangalan mo o Elena?'' saad ng binata na ngayon ay palapit na ng palapit sa kanya. P-pano?

''Ha? Anung Elena? Lina ang pangalan ko hindi Elena'' kabadong sagot ng dalaga sa binata na tuluyan ng makalapit sa kanya at kitang kita ang kanyang pawisan na katawan. Napalunok nalamang ng ilang beses ang dalaga at napataas naman ng kilay ang binata.

''Hm? Talaga ba?'' saad nito at isinandal sa kahoy si Lina at nilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga at pinatitigan sa kanyang mata.

''Bakit ka nag papanggap?'' tanong nito sa seryosong boses dahilan ng pagpawis ni Lina sa kanyang noo. Nag lakas loob naman ang dalaga na itulak palayo ang binata at nag iwas ng tingin.

''Wag moko lapitan'' pagbabanta ng dalaga sa binata ngunit natawa nalamang ang binata

''Hindi moko maloloko Elena'' saad nito at tuluyan ng umalis, nakatitig lamang ang dalaga sa likod ng binata hanggang sa tuluyan na itung nawala sa kanyang paningin. Pinunasan niya ang kanyang pawis na namumuo sa kanyang noo at napalunok. Bakit niya alam ang totoo kung pangalan? Wala naman akung pinagsabihan ah

Matapos mag linis ng dalaga sa bakuran ay pinabalik naman agad siya ng Mayordoma at inutusan na bigyan ng tubig ang bisita. Hawak hawak niya ang isang baso ng tubig habang papalabas ng kusina para ibigay sa bisita, nadatnan niyang naka upo ang isang babaeng dalaga, maganda ang hubog ng katawan at ang mga kutis na parang pinaliliguan ng gatas at ang kanyang mukha na hawig na hawig sa kanyang dalawang lalaking kapatid. Ingat na ingat siyang nilagay ang isang baso na tubig sa lamesa at takot nab aka maka sira ng mamahaling gamit, masayang nag uusap ang magkakapatid ng biglang napatingin sa kanya ang dalaga at parang nagulat. Lalakad n asana si Lina ng bigla siyang hinawakan sa braso ng dalaga, napaharap naman ito sa kanya at biglang ngumiti.

''May kailangan ka- -'' hindi natapos ng dalaga ang kanyang sasabihin ng bigla siyang sinampal ng babaeng kaharap niya ngayon, hawak hawak ni Lina ang pisngeng sinampal ng dalaga at umawat naman sakanila ang dalawa niyang kapatid. Nilapitan siya ni Teo at si Francisco naman ay lumapit sa kanyang kapatid.

''Walang hiya ka! Akala ko ba patay kana? Bakit ka naririto sa pamamahay naming?'' galit na tanong ng dalaga habang hawak hawak siya ni Francisco sa kanyang braso at pinipigilan na makalapit sa kanya.

''Tumigil kana Gail, hindi siya si Elena'' tiim bagang na saad ni Francisco sa kanyang kapatid ngunit nagpupumiglas padin ito sa bisig ng kanyang kuya. Gulat naman na napatignin si Lina sa kanyang kaharap at biglang naiyak.

''Di ko po alam kung bakit na sampal niyo po ako, hindi ko naman po kayo kilala at wala naman akung ginawang masama sayo'' hikbing saad ng dalaga at hinaplos hapls naman ni Teo ang kanyang likod at sinasabihan na ''tahan na''.

''Wag mukong madala dala sa ganyan mo Elena, alam kung nagpapanggap kana naman ano ba gusto mo ha? Pera? Sige, bibigyan kita basta lumayas ka dito sa pamamahay namin'' galit na sabi ng nagngangalang Gail. Patuloy padin sa pag iyak si Lina dahil hindi niya alam anung gagawin ni hindi niya din alan kung bakit galit na galit ito sa kanya. Hinawakan siya ni Teo sa braso at nilabas ng mansyon ngunit habang palabas palang sila ay naririnig padin niya ang boses ng dalaga. Dinala naman siya ni Teo sa harden at pina upo.

''Bakit niya ako sinampal?'' malungkot na saad ng dalaga sa binata, hinaplos naman ng binata ang pisngeng pinagsampalan ng kanyang kapatid.

''Pasensya kana ah, pinagkamalan ka kase niyang si Elena e'' saad nito at nilagyan ng yelo ang kanyang namamagang pisnge, napapaliyad naman ang dalaga sa tuwing dumadapo ang yelo sa kanyang pisnge dahil sa hapdi nito.

''Sino ba si Elena?'' inosenteng tanong ng dalagasa binata.

'Siya yung kaaway at pinaka ayaw ng Pamilya Trinidad''

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon