5

40 3 0
                                    

Lina at sa mansyon

Parang walang buhay na nakasalumpak ang dalaga sa higaan nito, matapos ang kwentuhan nila kanina ay agad na itong umuwi, naalala niya naman ang sinabi ng binata.

Nilahad ng binata ang kamay sa dalaga upang makipag kamayan.

"Magkamukha ba talaga kami?" tanong ng dalaga na di man 'lang pinansin ang nakalahad na kamay. Nahihiyang binaba ng binata ang kanyang kamay at itinago sa kanyang likuran, tumikhim ito at naglakad.

"Biro lang ang seryoso mo kase" napakurap ng ilang beses ang dalaga, sinundan niya ng tingin ang binatang palayo ng palayo na sakanya kaya hinabol niya ito at muling tinanong.

"Totoo? Hindi kami magka mukha? O baka pinaglalaruan mulang ako" pahina ng pahina ang boses ng dalaga habang sinasabi iyon

Tumawa ang binata na para 'bang naaaliw sa reaksyon ng dalaga, umiwas nalang ng tingin ang dalaga sa kahihiyan.

"Biro lang, baka kase nababagot kana" parang nabunutan ng tinik ang dalaga sa narinig. Napalunok ito ng ilang beses at kinumpos ang sarili bago magsalita.

"Hm hindi naman, kala ko kase totoo eh" sagot nito, sa ilang oras na nagkwentuhan ang dalawa ay mabilis naman silang nagkasundo dahil mabait 'din naman ang binata

"Kung hindi mo masasamain pwede ko 'bang malamang ang iyong pangalan?" pag iiba nito sa usapan, naka upo sila ngayon sa damuhan. Nag dadalawang isip ang dalaga kung sasabihin niya ba na Elena ang kanyang pangalan baka 'din magtaka ito kung bakit parehas sila ng pangalan.

"Ako si.... Lina" saad nito at nagpakawala ng isang buntong hininga, mabuti na sigurong Lina ang sabihin ko kesa naman sabihin kung Elena baka sabihan pakung nagpapanggap o gustong makuha din ang posisyon ng dalaga sa puso ng dalawang magkapatid, siya pa ang magmumukhang masama pag nagkataon.

"Lina kay gandang pangalan para sa magandang binibing nilalang" uminit naman ang magkabilang pisnge ng dalaga sa pagpuri sa kanya ng binata, mabuti nalang at gabi hindi magiging halata ang pagpula ng kanyang pisnge.

Kinapa ng dalaga ang kanyang pisnge at bahagyang napangiti, tumagilid ito ng paghiga. Napasinghap ito, hindi naman ako ganto pero bakit kinikilig ako. Pinagpaliban niya muna ang kanyang nararamdaman at sinimulang ipinikit ang mga mata.

"Ija gising na sasama ka kay Tiyo Juan mo sa mansyon" pambungad sa kanyang umaga, ilang beses muna siyang kumurap at tinignan ang paligid, nandito pa pala ako. Napa buntong hininga ang dalaga ang sinimulang bumangon.

"Mag-ayos kana, isasama ka ni Juan" si Manong Juan ay ang asawa ni Aling Nena hindi ko 'din alam kung may anak ba silang lalaki o wala. Si Manong Juan ay isang pinagkakatiwalaan ng Pamilyang Trinidad dahil na 'din sa ilang taon nitong paglilingkod bilang taga bantay ng mga kabayo, hardenero at taga linis sa silya ng mga alagang hayop.

"Ano po ba ang gagawin namin doon?" inosenteng tanong ng dalaga habang tinitirintas ang kanyang buhok, sumulpot naman ang isang lalaki mula sa likuran ni Aling Nena.

"Nagkasakit kase ang isang kasambahay nila at kailangan na may pumalit, sinabi ko na may kilala ako at ikaw yun" pagpapa-intindi ni Manong Juan sa dalaga.

"Ganun po ba, sigo po" sagot ng dalaga at nagsimulang ihanda ang kanyang gamit, nagpa-alam ang dalawa na lalakad na. Babalik nanaman ako sa mansyon na 'yon. Nandun kaya si Teodoro? Iniling niya ang kanyang ulo sa mga iniisip nito.

"Pag dating na pagdating natin sa mansyon, dapat mag iingat ka sa mga kilos mo at dapat maayos ang paglilinis mo dahil ang mga kagamitan na makikita mo doon ay nagkakaroon ng halagang pera, nagkaka-intindihan ba tayo?" tugon ni Manong Juan

"Opo" sagot naman ng dalaga

Dumating ang dalawa sa mansyon ng ilang minuto, sabi ni Manong Juan na sasamahan niya muna ako kay Donya Fancia. Hindi naman din niya alam ang mga pasikot sikot dito sa loob ng mansyon, pangalawang beses na siyang pumasok sa loob ngunit nananatili pa 'din itong maganda at malinis. Kahit nga wag kana mag linis ay ayos lang. Nagtungo sila sa isang pasilyo na may grupong nag-uusap at may parehas na uniporme maliban nalang sa isang babae na nasa harapan at nagsasalita.

Lumapit sila sa kanila at naagaw ang atensyon ng mga nandodoon, tinignan ng babae si Lina, pati pano ito tumingin ay nakakatakot. Mga matang walang emosyon kapag tititig sayo.

"Yan na yung ipapalit kay kasambahay Kathy?" striktang tanong nito kay Manong Juan. Bigla namang nakaramdan ng kaba ang dalaga

"Opo, siya muna hanggang nagpapagaling pa si Kathy" mahinahong sambit nito, lumapit ang babae sa dalaga.

"Ako si Donya Lolita isa sa pinaka matagal ng nagsisilbihan sa Pamilyang Trinidad, ako ang tatanungin mo sa lahat ng gusto mung malaman tungkol sa paglilinis dito sa loob ng mansyon. At mag ingat ka sa bawat galaw mo" saad nito, parang striktang guro kung ilalarawan, may malaking salamin at halatang may katandaan na 'din.

"Hm opo, ako po si Lina at sisikapin ko po ang lahat para hindi kayo magsisi sa pagkuha sakin kahit pansamantala 'lang" sambit ng dalaga

"Mabuti naman, magsilinis na kayo at ikaw Lina sumama ka sa akin" utos ni Donya Lolita at sumunod naman ang iba pang mga kasambahay. Marami silang nakadikit na mga larawan sa gilid na nakakuha ng kanyang atensyon, ngunit ang mas lubos na napansin ng dalaga ay ang isang litrato na kasama ang kanilang buo na pamilya. Tumulo ang patak na luha galing sa kanyang mata, ang pamilya ko. Namimiss ko na sila, namimiss ko na ang pamilya ko.

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon