3

61 3 0
                                    


Sayawan sa mansion

"Ija pupunta kaba sa sayawan?" tanong ni Aling Nena, ang matandang nag gamot sa kanya. Napaisip naman ang dalaga.

"Hm hindi ko pa alam wala 'din naman akung kilala doon e, mababagot lang ako" sabi ng dalaga habang tinutulungan ang matanda sa paghahanda ng hapunan.

"Pero mas mababagot ka dito, mabuti ng gumala ka naman para maki-halobilo sa iba pang kabataan" napa-upo ang dalaga at inisip kung dadalo ba ito o wag na. Kung mananatili ako, magkukulong lang ako sa loob ng silid at kung pupunta naman ito wala 'din naman itong kilala doon. May parte sakanya na gustong pumunta, gumala at maranasan ang isang sayaw ng probinsya.

"Pupunta nalang po ako" pinal na sambit ng dalaga

"Ganon ba? O sige may hinanda akung damit diyan para sa kang Anna kaso doon siya mananatili sa kanyang kaibigan kaya yan muna ang suotin mo"

"Baka po magalit siya sa akin, sinoot ko yung damit niya" pag-aalinlangan ng dalaga

"Hindi yan" nakangiting saad ni Aling Nena

Pumasok si Aling Nena sa kanilang silid at lumabas na may bitbit na damit, kulay puti ito at hanggang tuhod naman ang haba, at may pulang maskara

"Para saan po yang maskara?" nagtataka nitong tanong

"Ah ito, sinusuot ito ng kung sino mang dadalo sa sayawan lalo na ng mga kabataan, nakasanayan na nila itong gawin" paliwanag ni Aling Nena sabay bigay ng damit sa dalaga at napatango naman ang dalaga at kinuha ang damit, pumasok ito sa silid at nagbihis. Maganda ang pagkakadesenyo at sakto naman sa kanyang katawan. Lumabas ito at tinignan ang repleksyon sa salamin, di ganun ka ganda pero di naman pangit. Halatang bago 'pang bili.

"Bagay na bagay sa iyo ija"

"Ah salamat po"

Maraming tao at halos mga kabataan ang dumadalo sa sayawan, halatang mga mayayaman ang mga pumunta nakaramdam naman siya ng pagka ilang dahil wala naman siyang kasama sa loob. Mali pa sigurong pumunta ako.

"Bago kalang dito?" napatalon ang dalaga dahil sa gulat, tinignan niya ang binatang nasa gilid niya habang sinisipsip ang dalang inumin. Tinignan niya ito na nagtataka at lumayo ng bahagya, napangisi naman ang binata sa ginawa ng dalaga.

"Ha? Oo bakit?" naiilang nitong sambit

"Hm wala ka 'bang ibang kasama?" tanong ulit nito

"Oo e, naiilang na nga ako dito parang gusto ko nalang umuwi" sambit nito habang tinitignan ang isang lalaki na paakyat sa entablado na para 'bang may mahalagang sasabihin.

"Wag ka mahiya. Mababait naman ang mga tao dito at tsaka kumain kana ba?" tanong nito, kahit ang pananalita nito ay magalang, kung tutuusin isa itong ideal na binata. Mabait na meron pang maamong mukha. Siguro madaming nagkakagusto sa kanya.

"Marami 'bang nagkakagusto sayo'' wala sa sarili nitong tanong sa binata. Pagkatapos ng ilang segundo bago napansin ng dalaga ang kanyang sinabi, tinakpan niya ang kanyang bibig at tinoon ang pansin sa harap ng entablado.

"Hm siguro" natatawang sambit ng binata. Magsasalita na sana ang dalaga ng biglang nagsalita ang lalaking nasa entablado.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Sanay mag-enjoy kayo sa ating sayawan lalo na sa mga kabataan ngayon, kain lang ng kain at wag mahiya. Alam naman siguro nating lahat kung bakit tayo naririto, sana ay magsaya kayo. Maraming salamat." Masayahin nitong sambit, nagpalakpakan naman ang mga taong dumalo

"Tara" yaya ng binata. Napatingin naman ang dalaga sa kanyang kaliwa at kanan nagsisiguradong baka hindi siya ang kausap nito.

"Ako?" paninigurado nito, tumango naman ang binata sabay ngiti sa dalaga

"Saan?" pa ulit nitong tanong

"Sayaw tayo, pwede ba?" biglang tumunog ang isang kantang di pamilyar pero maganda. Nag-aalangan ang dalaga kung papayag ba ito o hindi, tinignan niya ang kanyang katabing binata, ang mata nitong nagmamaki-usap kahit di man kabuhuan ng mukha ang kanyang nakikita ngunit sapat na ang kalahating mukha para masabi mung maamo ang mukha ng binata. Ngumiti ito at nilahad ang kanyang kamay sa binata. Pumunta sila sa gitna habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ng dalaga.

Ang kamay na nilagay sa bewang ng dalaga, ang kamay na dahan-dahang nilalagay sa batok ng binata. At sa gitna ng dilim sila ay dahan-dahang nagsayawan na tila ba sila lang at wala ng iba. Mga matang naka titig sa isa't isa na para bang nag-uusap at nagkakaintindihan ang dalawa.

"Ang ikli ng panahon na binigay sa atin

Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin"

Sa bawat galaw ng katawan na sinasabayan ng kanta. Ang dalawang nagsasayawan na tila walang pakialam sa ibang kasama, ang emosyon na nabubuo sa pagitan ng mga matang nagkakatitigan ay nagdudulot ng isang kakaibang pakiramdam.

"Ang ikli ng panahon na binigay sa atin

Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin

Nabuhay ay pusong ito, at ngayon nagdurugo

Dahil nga ngayon wala na ako doon sa piling ng

may roong, pag asa pa ba

Sana lang ay magkaroon, ibalik pa ang

kahapong kasama kita

Nung ako ay masaya...."

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon