8

22 1 0
                                    

Pagbalik sa Nakaraan

Hapon na ng makauwi sina Manong Juan at Lina, bitbit padin ang kanyang nabasag na vase.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa mansion Lina?" pambungad na tanong ni Aling Nena, binaba niya muna ang kanyang dalang mga gamit at imipo sa upuan bago nagsalita.

''Ayos naman po, nakakapagod ngalang'' saad nito habang nakapikit ang dalawang mata, medyo 'ding sumakit ang kanyang likod kakawalis sa bakuran at dagdag na 'rin na hindi sanay ang kanyang katawan sa mga trabaho.

''Ganun ba magpahinga kanalang muna at tatawagin nalang kita pag handa na hapunan'' saad nito at nagsimula ng nagluto ng hapunan, si Lina naman ay pumasok na sa kanyang kwarto at pagod na humiga sa kanyang higaan. Pano natong nasirang vase? Pano kung malaman nila na nawawala yun at nasa akin lang pala? Baka madamay pa si Manong Juan dahil sa kapalpakan ko at baka din matanggal ito sa trabaho dahil siya pa naman ang nag rekomenda sakin na ipalit muna. Npabuntong hininga nalang ang dalaga sa naiisip, gusto niyang palitan ang nabasag nvase pero san siya hahanap ng pera?

Kinaumagahan ay naghanda na ng dadalhin si Lina papuntang mansion, pangalawang araw niya na ito sa pagtatrabaho sa mga Trinidad at sana lang ay wala na siyang mababasag pa na mga gamit, aabut ng mga sampong araw ang pagtatrabaho ni Lina sa mansyon marahil ay sadyang malubha ang sakit na dumapo sa isa nilang kasambahay at kailangan itong mapadala sa Manila para doon na magpagaling ng tuluyan, ang pamilya Trinidad 'din ay magbibigay ng tulong para sakanilang kasambahay sila ang gagastos sa mga gamut at sila 'din ang magbabayad sa hospital.

''Lina oh ito pagkain baka gutumin ka doon'' saad ni Aling Nena, napangiti naman si Lina sa kabaitan ni Aling Nena. Sa pamamalage niya dito ay naturingan niya ng pangalawang ina si Aling Nena at minsan niya na 'ding nakita ang anak nilang si Anna, mabait din siya kagaya sa kanyang mga magulang ngunit minsa ngalang ay lumalabas ang kanyang totoong ugali kagaya nalang kagabi na umuwi ito ng lasing dahil sa dinaluang kasiyahan sa bahay ng kanyang kaibigan. Napatingin sila sa likod nung may nagsalita sa kanilang likuran.

''Ma, ang sakit ng ulo ko'' indang sambit ni Anna, agad naman siyang inalalayan ng kanyang ina sa paglakad at pina upo sa isang upuan nakatitig lang si Lina sakanila habang iniisip ang kanyang ina na naiwan. Kamusta kana ma? Napatitig sa gawi ni Lina si Anna at bahagyang nangunot ang kanyang noo, tumikhim naman si Lina at ngumiti ngunit tinitigan lang siya ni Anna na walang emosyon kaya naman nahihiyang nagbaba ng tingin si Lina dahil sa inasta ng anak ni Aling Nena perop hindi niya yun pinansin at mas piniling mag pakilala ng pormal sa kanya kaya naman tumayo ito at tinitigan ang dalaga bago nagsalita.

''Ako nga pala si Lina pasensa kana kase minsan nagamit ko ang iyong damit at kung naguguluhan ka kung bakit ako nandito sa inyo, mahabang kwento e pero salamat kase pimatira ako ni Aling Nena at Manong Juan'' ngiting sambit ng dalaga habang si Anna naman ay hawak padin ang kanyang ulo.

Ngasimulang lumakad si Manong Juan at Lina pagakatapos nilang kumain, \kinakabahan ito sa ano nanamang mangyayari

''Kamusta pala yung nabasag mung vase?'' bahagyang napatalon si Lina sa gulat ng may nagsalita sa kanyang likuran, maghigpit itong nakahawak sa isang litrato na parang takot na mahulog ito. Inayos niya muna ang pagkakalagay ng litrato bago humarap bago nagsalita.

''Kaya ako nakakabasag e, sulpot ka ng sulpot'' naiiritang saad ng dalaga, bahagya naming napangiti ang binata

''Pero yung tungkol sa nabasag ko hayst, diko alam gagawin ko'' dagdag pa nito

''Ano naming gagawin mo dun, talagang mapapansin yun na nawala'' pananakot ng binata sa dalaga, tinignan ni Lina ng masama si Francisco.

''Hindi ko naman sinasadya na maka basag e, nagulat lang ako kaya ko nabitawan ang vase'' pagpapaliwanag ng dalaga, nagulat naman ito ng bigla siyang hinila ng binata sa kanyang pulsuhan.

''Huy! Bitawan mo nga ako'' pagsita ng dalaga sa binata ngunit sadyang makulit ito at mas malakas kaya madali lang para sa kanyan na hilain ang dalaga.

''Francis bitawan moko'' bigla naman napahinto ang binata kaya naman kinuha niya ang pagkakataon nay un para mapabitaw kay Francisco. Tinitigan siya ni Francisco at napatitig naman si Lina sakanya.

''Ano sabi mo?'' tanong nito, naguguluhan namang nakatitig si Lina sa binata

''Ha? Na bitawan moko?''

''Yung una dyan''

''Francis?'' hindi siguradong sambit niya

''Kahit sa pagbigkas ng pangalan ko parehas kayo'' kunot noo naman siyang tinitigan ng dalaga

''Ha?''

''Wala'' sabi nito at muling hinila sa pulsuhan ang dalaga

''Saan mo ba ako dadalhin, nagtatrabaho pako oh'' inis na sambit nito habang nagpupumiglas

''Ako bahala'' napailing nalang ang dalaga at naiinis na tinitigan ang binata.

''Bitawan muna kase ako'' pangungulit ng dalaga sa kanya ngutnit hindi siya pinansin ng binata hanggang sa nakarating sila sa isang sasayang nakaparada, binuksan naman ni Francisco ang pintuan at walang nagawa ang dalaga kundi at hinayaan nalamang ang binata.

''Sakay'' maowtoridad na saad nito, biglang nag iba ang awra ng Francisco sa dimalamang dahilan kaya mas pinili nalamang niyang itikom ang bibig niya at pumasok sa loob ng sasakyan.

''Saan ba tayo pupunta?'' mahinang niyang tanong dito ngunit naka tiim-bagang lang ang binata kaya nanahimik nalang ang dalaga at sinandal ang ulo, pipikit na sana ang kanyang mga mata ng biglang nagsalita ang kanyang katabi.

''Pupunta tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala''

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon