CHAPTER FOUR

4.1K 108 1
                                    

Nicole's POV

"Nicole, kaya pa ba? Eto ohh..." Napatingin ako sa kasamahan ko dito at may nilagay pa siyang mga huhugasin plato at ano mang ginamit din sa pagluluto.

"Hahaha...kaya pa"

"Nasaan ba ang kasama mo rito? Diba dalawa kayo..."

"Ahh si Jane, nag-CR siya.."

"Yun talaga, gusto niya lang makatakas sa gawain. Dapat sinusumbong yang sa manager dito, teka lang..."

Agad akong napabitaw sa sponge at pinigilan siya.

"Uy! Huwag na. Ayos lang naman ito. Sanay na ako sa mga mahihirap na gawain at ito, sisiw lang ito sa mga nakaraan kong trabaho.."

"Sige, sinabi mo ehhh"

Umalis na siya ng tinawag na siya ng chef at nagpapatulong. Kinuha ko na ang sponge at nagpatuloy sa pagsasabon. Dahil sikat ang restaurant na ito kaya maraming tao. At kapag maraming tao, maraming huhugasin. Ilang oras din akong naghugas bago ako nakapagpahinga. Napatingin ako sa palapit na kasama ko sa paghuhugas.

"Grabe ang sakit ng tiyan ko--oh wala pa palang huhugasin."

Napatingin ako sa waiter na may bagong dalang huhugasin kaya yung kasama ko na ang naghugas. Nakaupo nalang ako sa mono block. Mahigit isang linggo na ako dito sa trabaho na ito. At lagi nalang ginagawa ng kasama ko ang ganyang palusot na nasi-CR na siya.

"Ano tong nakikita ko! Bakit ka nakaupo diyan Nicole at si Jane ang naghuhugas!"

Napatingin kaming pareho ni Jane sa nagsalita at agad akong napatayo dahil ang manager yun. Galit itong nakatingin sa akin.

"Nicole, sumunod ka sa office..."

Napatingin ako kay Jane na may ngisi sa labi at inuunat pa ang braso habang naghuhugas.

"Nicole!"

Tawag ulit sa akin kaya sumunod na ako. Pumasok kami sa office. Dito ako pumasok nung nag-apply ako.

May inabot siya sa akin na envelope at hindi ako tanga para hindi malamang pera iyun.

"Boss, ang aga niyo naman pong ibigay ang sahod, diba po bukas pa--"

"Yan ang una at huli mong sweldo, hindi ko kailangan ng tamad na employee dito sa restaurant. Makakaalis ka na..."

Agad akong lumapit kay sir pero hinarang niya ang kamay niya.

"Hindi ako tumatanggap ng alibi kaya umalis ka na..."

Wala na akong nagawa pa kundi umalis. Dumaan ako sa backdoor. Bago akong umalis ay inalis ko muna ang hair net at ang apron.

Napatingin ako sa pera at sa tingin ko ay sapat lang para sa kwartong nirerentahan at ang mga gamit at pagkain. Mabuti pa kay Serenity at maayos ang pakikitungo sa kaniya sa tinatrabahuan niya.

Wala na akong nagawa pa kundi umuwi. Bukas ulit ay maghahanap ako ng trabaho.

Agad akong dumeretso sa bahay at nang makapasok ako ay sinalubong ako ng nung babaeng hinihiraman namin ng charger sa cellphone.

"Nicole, may tumawag dito, kinausap ko. Hinahanap ka at sinabi niya na i-save ko daw ang number nang sinabi ko na wala ka at saka mamaya ay tatawag siya ulit. Kent daw ang name kaya kapag tatawag siya ay nakalagay na ang name niya, ako na ang nagsave.."

"Ay! Salamat...."

Ngumiti lang siya sa akin at inabot ang cellphone ko.

"Walang anuman..." inabot ko na yun at pumasok na sa kwarto. Wala pa si Serenity dahil 4 pm siya umuuwi sa trabaho niya.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon