CHAPTER TWENTY-FOUR

3.7K 95 1
                                    

Nicole's POV

"Naabutan ka na ng gabi anak ahhh. Bakit ka hinihingal? Tumakbo ka ba?" Agad na tanong ni mama nang makita niya ako pumasok agad sa pinto at hinihingal. Sinira ko na ang pinto at lumapit kay mama na may dalang baso ng tubig at binigay sa akin.

"Gabi na kasi at saka wala akong dalang ilaw. Wala akong makita sa daan kaya nagmadali na ako."

"Ganun ba?. Kanina pa umiiyak ang kambal kasi ang tagal mo nang dumating. Nandoon sila sa kwarto ng kambal at nilalaro sila."

"Ahh sige po..."

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kwarto ng mga kapatid ko. Papunta palang ako ay rinig ko nang pinapatahan na nila ang mga anak ko.

"Pauwi na si mama, gusto mo ito diba? Eto na yung toy Millicent.." sabi ni Troy kay Miracle. Minsan talaga ay nalilito si Troy kung sino si Millicent at Miracle. Pero si Trisha ay alam niya.

"Si Miracle ang hawak mo...eto si Millicent.." sabi niya na nakaupo sa kandungan niya si Millicent.

"Ahh ganun ba, stop na cry Miracle para dumating na si mama niyo." Sabi ni Troy kay Miracle.

"Oo nga baby, parating na yun. Na-traffic lang..." sabi ni Trisha at pinupunasan ang mga luha ni Millicent.

"Babies...here na Mama.." sabi ko. Tumingin naman ang mga kapatid ko sa akin at parang nakahinga sila ng maluwag ng makita din ako.

Nang makita ako ng kambal ay huminto na sila sa pag-iyak at tumayo sila at lumakad papunta sa akin.

Sinalubong ko naman sila ng yakap. Humihikbi pa ang dalawa dahil nakita na nila ako. Ganito talaga sila, umiiyak sila kapag matagal na nilang hindi ako nakikita.

"Ok na baby ahh. Inom kayo ng tubig muna.." sabi ko at binuhat ko skla ng sabay.

Medyo bumibigat na sila kaya inalalayan ako ng kambal kong mga kapatid papunta sa mesa. Pinaupo ko muna ang silasa upuan at kumuha ako ng baso.

Inuna ko muna si Millicent na nakalahatian ang baso bago kay Miracle.

Napatingin ako sa kambal na namumula ang kanilang ilong sa kakaiyak kanina. Pinunasan ko ang mga pisnge nila dahil may mga luha pa.

Habang ginagawa ko iyun ay nabigla ako ng lumapat ang kamay ni Millicent, gayundin si Miracle at para bang may pinupunasan din sila.

Napahawak ako sa kamay nila at pinunasan nila ang pawis ko at ang mga luha na nagstay sa pisnge ko.

Hindi ko yun napansin...

Nang makita ko si Maximo ay talagang naging emotional ako.

Si Maximo nga!!!

Nandito na pala siya.

Paano niya nalaman na nandito ako, kapag nalaman niyang may anak kami ay kukunin niya ito.

Agad akong napayakap sa kambal.

Natatakot ako, pero hinalikan niya ako kanina. Ramdam ko sa halik niya ang pananabik nito sa akin. Pero paano kong dumating nga siya rito para maghiganti sa akin.

Habang kumakain kami ay unti-unti kong sinusubuan ang kambal.

"Kamusta naman ang trabaho mo doon?" Tanong sa akin ni papa habang kumakain.

"Ok naman, nakakapagod pero ok na rin. Mas ok pa nga yun kaysa nung una kong trabaho..."

"Ganun ba, mabuti naman kung gayun.."

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon