Epilogue

6K 173 23
                                    

Nicole's POV

"Maximo!! Nasaan na yung mga gamit dito na hinanda ko!! Ako ang maggugupit nun..."

"Ahh...nagawa ko na.."

"Ako kasi gagawa nun ehh!!"

Meron kasi akong ginawa na pang dekorasyon sa labas. Birthday ng mga bata ngayon at masaya si Maximo na makakasama niya ang mga anak niya ngayong birthday nila.

Nang birthday ko kasi ay nandito sina mama at papa pero ngayon daw ay talagang hindi sila makakapunta.

Naiintindihan ko naman talaga at saka nandito si Serenity para tulungan ako at mga ilang maid. Ayaw naming mag-hire ng mga tauhan dahil simpleng birthday party lang naman at ilan lang ang bisita.

Si Drake na kapatid ni Serenity ay nakauwi na sa probinsiya kasabay ng umuwi sina mama. Masaya si Serenity na kahit ilang araw lang ay nakasama niya ang kapatid niya.

Ang nakakapagtaka lang ay talagang may namumukhaan ako kay Drake.

Maiba tayo, may sorpresa ako kay Maximo mamayang gabi ko nalang sasabihin sa kaniya.

Si Maximo ay busy sa paglalagay ng pagkain sa mesa at ako naman ay eto. Binibihisan ang kambal, butterfly theme ang party nina Miracle at Millicent kaya eto, may mga pakpak.

Nang makarinig ako ng tugtog ay alam kong maayos na doon sa labas. Maraming bata ang nandoon, marami kasing pagkain kaya kinausap ko si Maximo na birthday party ito nina Miracle at Millicent kaya dapat may mga bata naman. Dahil kung kami lang nina Serenity, Maximo, Draco, Kent at ang asawa niya ay parang wala lang. Si Bryan kasi ay bumalik na sa Batanes at si Elizabeth ay sa Europe.

Kaya ng kahapon ay pumunta kasi sa orphanage para kausapin ang mga namamahala doon na kung pwede silang pumunta sa birthday party ng kambal namin, pumayag naman sila at si Maximo naman ay nagdonate ng pera para sa mga bata doon.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Maximo na nakabihis na rin pala katulad ko.

"Maximo, papunta na ba yung mga bata.."

"Oo, nandiyan na sila.."

"Ahh talaga! Sige, tapos ko na rin sila bihisan..."

Lumapit si Maximo at hinawakan ang kamay ni Millicent.

"Babies , excited na ba kayo?" Tanong ni Maximo habang inaayos ang munti nilang pakpak.

"Yes!!"

"Yup!!"

Alam nilang birthday nila kaya masaya sila ngayong araw.

"Look mama!!! Wings.." Sabi ni Millicent at ginalaw-galaw niya pa ang pakpak niya na ginawa rin ni Miracle.

Bumaba na kami at naririnig ko na ang mga ingay ng mga bata sa labas.

Nang makalabas kami ay nagstart na ang party na sinimulan nina Serenity at Draco. Napatingin ako sa mga anak ko na nakaupo sa upuan sa munying stage. Kinakaway nila ang mga kamay nilang pareho.

Napatingin ako kay Maximo at kinukuhanan niya ng mga litrato ang kambal.

Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya.

"Ipo-post ko sa Facebook para makita ng mga kakilala natin na hindi nakapunta.." sabi ni Maximo na kinangiti ko lang.

Nagpatuloy ang party hanggang hapon na at nagsi-alis na ang mga bata na may dalang mga laruan ang bawat isa at mga pagkain din.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon