CHAPTER THIRTEEN

3.6K 92 0
                                    

Nicole's POV

"Ate, ang ganda naman po pala ng bahay ni kuya.."

"Oo nga ate, siguradong masarap manirahan dito.."

Pagkababa pa lang sa kotse ay mangha-mangha na ang kambal. Sa makalawa na ang kasal ko at naayos na lahat ni Maximo.

Ang simbahan, ang reception dito, ang cake, ang wedding dress na susuotin ko, ang mga invitation. Lahat na ay prepared kaya wala na akong aalahanin pa. Ang gusto lang daw ni Maximo ay ang sumipot ako sa kasal, yun lang.

Napatingin ako kay mama na walang parang imik gaya ni papa. Bakit ang tahimik nila?

"Ate, may pagkain ba dito?"

"Meron...punta kayo kay Ate maid at sabihin niyo ang gusto niyo.." sabi ko, narinig naman ng maid na malapit sanakin ang sinabi ko kaya tumalima na siya.

"Ma, Pa.."

Napatingin sa akin sina mama at papa at tahimik lang sila.

"Ma, Pa..bakit ang tahimik tahimik niyo, hindi ako sanay sa ganyan.."

"Anak, maaari ka pang tumanggi sa kasal.."

Napatingin ako kay papa ng sinabi niya iyun, gusto ko man ay parang may pumipigil sa akin. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin.

Nandito rin si Serenity dahil siya ang magiging maid of honor ko. Kaya dapat lang na nandito siya. Wala dito ngayon si Maximo dahil nasa kompanya niya dito. Maraming dapat ayusin daw para perpekto ang kasal daw namin. Hindi ko naman hinahangad na maging perpekto ang kasal dahil alam kong magiging alipin niya lang ako pagkatapos ng kasal namin. Bayaring asawa lang naman ako kaya wala akong dapat na ireklamo.

Pero siguro nga ay dapat ko nang sulitin ito, ikakasal lang naman ako kaya dapat ay sulutin na..

"Ma, Pa. Ok lang ako, ginusto ko ito. Hindi naman ako papayag sa alok niyang kasal kung hindi kong gusto. Masaya ako dito kaya sana maging masaya kayo para sa akin.."

Napatingin ako kay mama at parang iba ang nababasa kong reaksyon niya, parang naaawa siya sa akin.

"Ma..."

"Ok lang ako, anak. Sana maging ok ka.."

"Ok lang ako ma, ok na ok ako.."

Napatingin ako sa kambal na kumakain sa mesa kaya napatingin ako kay mama at papa.

"Baka gusto niyong magpahinga ma o kumain gaya ng kambal.."

"Magpapahinga nalang ako."

"Sige po, samahan ko kayo sa--"

"Ok lang ako anak, magpapasama nalang ako sa mga maid dito at kasama ko si papa mo.."

"Sige po.."

Pinanood ko lang si mama at papa na nagpasama sa maid at pumunta sa mga kwarto.

Parang may gusto silang sabihin sa akin pero hindi nila masabi sa akin.

"Nicole, ang ganda talaga ng bahay ng asawa mo. Baka gusto kong dito na yatang tumira ahhh..."

"Pwede naman!"

"Joke lang, ikaw naman. Gusto kong magka-alone time kayo.."

"Kalokohan mo..."

Yumakap sa akin si Serenity at kaya niyakap ko siya pabalik.

"Hindi parin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na. Masaya ako para sayo, sana naman ay makahanap ako rito. Ilang beses na akong pabalik-balik dito sa Maynila pero wala parin akong nahahanap na ka-forever ko"

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon