Nicole's POV
Nagising ako ng may humahalik sa leeg ko at sa braso.
"Wake up, beautiful wife.."
Dahan-dahan kung minulat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang asul na ulap dahil sa balcony agad dumapo ang paningin ko.
Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa gilid ko. Napahawak ako sa braso niya at tumingala sa kaniya. Agad na sumalubong sa akin ang labi na nakalapat na sa labi ko.
Sinagot ko ang mga halik na bigay bago siya bumitaw.
"Morning...."
"Morning pa ba?" Tanong ko sa kaniya na nagpangiti sa kaniya.
"Yup, morning pa..."
"Good morning din.." sabi ko. Bahagya akong kumilos pero agad akong napangiwi ng galawin ko ang mga binti ko.
"Sore?"
"Siguro, nakailan ka ba kagabi?" Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Inayos ko na ang paligo mo, kumain ka muna.." sabi niya at tumayo. Hinanda ko na ang palad ko na baka wala siyang suot pero nakajogging pants siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ako lang yata ang hubad sa ilalim ng kumot na ito.
Kinuha niya yung tray sa maliit na mesa at dahan-dahang nilagay sa harap ko.
"Breakfast in bed.." sabi niya, umayos ako ng upo at inayos ko rin ang kumot dahil baka makitaan ako kahit nakita niya na.
"Nahihirapan ka, pwede mo namang hindi takpan yan, nakita at natikman ko naman yan.."
"Maximo!!!"
Agad na namula ang pisnge at tinignan siya ng masama. Tumatawa lang siya. Siya ang may hawak ng kutsara at tinidor.
Susubuan niya ba ako?
"A-Ako na..."
"Ako na, hawak mo yang kumot. Sige, papayag ako. Hahayaan kitang kumain pero bibitawan mo yang kumot o ako ang magsusubo sayo at hawak mo parin yang kumot..."
Kapag bibitawan ko kasi ang kumot ay makikita ang dibdib kong puno na ng tsikinini, dahil ba naman sa ginawa niya kagabi. Akala ko ay pagkatapos ng isa ay tapos na.
Nagising ako ng anong oras na yun at sinisimulan na naman niya.
Anong oras na ba ako natulog?
"Sige, ikaw na.."
"Good..."
Wala na akong magawa pa kundi ngumanga kapag isusubo niya na sa akin. Nahihiya parin ako pero hindi ko pinapakita. Kasi aasarin niya lang ako.
Nang matapos na kaming kumain dahil nakikain din siya at pang-dalawahan ang pagkaing dala niya.
Nilapag niya ulit iyun sa mesa at lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa kaniya at nabigla ako ng hinila niya ang kumot. Napasigaw pa nga ako at kukunin ko na sana ng binuhat niya ako.
"Maximo!! Kaya ko namang tumayo.."
"Hindi mo kaya, nakita kitang napapangiwi sa bawat galaw mo.."
Nanahimik nalang ako at napakapit sa kaniya. Nakapikit lang ako dahil hubad akong buhat niya.
Nahihiya parin ako...
Pumasok siya sa CR at agad na bumungad sa akin ang isang bath tub na may lamang tubig at mga bula.
Dahan-dahan niya akong binaba doon kaya napahawak ako sa gilid at nang lumubog na ang katawan ko ay pinagkukuha ko ang mga bula para naman matakpan ang katawan ko dahil nakikita kasi malinaw ang tubig.
BINABASA MO ANG
Searching for the Groom's bride
General Fiction[Completed] A ruthless, arrogant business tycoon Clay Maximo Knight na naghahanap ng mapapangasawa para matupad ang huling hiling ng kaniyang namayapang ina. A workaholic Nicole Irish Trinidad na gagawin ang lahat para sa pamilya. Ang pagtagpo ng ka...