Nicole's POV
"Serenity, pumunta ka sa bahay ahhh birthday ko bukas...uyy bakit hindi mo na naman ako pinapansin." Sabi ko sa kaniya. Nakaupo lang kami rito sa bench sa labas ng bahay. Buhat niya anak ko na si Miracle. Iba yung tingin niya sa anak ko. Siguro ay namimiss niya na ang kapatid niyang si Drake.
"Namimiss mo na si Drake noh...ilang taon na ba siya ngayon?"
"Limang taon na siya.." sabi niya habang nakatingin sa anak ko.
"Ganun ba, bakit hindi ka umuwi para puntahan siya.."
"Umuuwi naman ako pero hindi ako pwedeng magtagal dahil may trabaho ako. Gustuhin ko man ay hindi talaga pwede, para naman sa kanila ang pagtatrabaho ko. Kagaya mo, nagtatrabaho ka noon para sa pamilya mo. Ganun din ako sa anak--anak ni mama na kapatid."
"Ahhh...dapat lang, yun talaga ang unang plano natin dito. Ako ang plano ko lang naman ay magtrabaho para sa pamilya ko. Hindi ko rin naman aakalaing ganito mapupunta ang lahat pero masaya ako.."
"Yun din ang layunin ko at....may hinahanap din ako rito..."
"Hmmm...ano naman yun?"
"Sa akin na yun.."
"Ikaw ahhh.. masyado ka nang mahilig magtago ng sekreto.."
"Sasabihin ko din naman pero hindi muna ngayon. May tamang panahon ang para sa akin.."
"Hmmm..." sabi ko habang nilalaro ang kamay ng anak ko.
"Kamusta naman kayo ni Draco, ikaw ahh. May something kayo nun nohhh!!"
"Ano ba yan, bakit lagi ako ang topic.."
Sabi niya at inalis niya sa kandungan niya ang anak ko tumayo na.
"May trabaho pa ako, sige! Bye na.."
"Pupunta ka ahh!!! Birthday ko bukas dapat lang nandoon ka."
"Try ko..." sabi ni Serenity at umalis na nga.
Bakit lahat ng niyayaya ko ay maraming dahilan na baka hindi sila makapunta. Kinausap ko sina mama at tinanong ko sila kung makakapunta sila rito dahil birthday ko nga pero baka daw video call nalang dahil tinatamad daw silang bumiyahe.
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nila. Ngayon pa talaga sila tinamad, kung saan birthday ko bukas.
Kinausap ko rin si Maximo na may business trip ngayon at baka daw sa makalawa pa siya makakauwi. Ang kasama ko lang rito ay ang mga maid.
"Ma'am, ipapaayos ko na po ba ang mga upuan sa labas?"
Tanong sa akin ng mga maid. Napatingin ako sa kanila at umiling. Sino naman ang pupunta, halos lahat ay busy at baka ilan lang din.
"Baka hindi na siguro, amm...magluto nalang kayo ng hapunan ngayon.."
Kinuha ko na ang mga bata at inakyan na sa kwarto namin. Kumain na sila kaya pwede na silang matulog.
Inihiga ko na sila at tinabihan. Tumayo ulit ako para sabihin sa mga maid na magluto nalang sila ng pagkain nila dahil nawalan na ako ng ganang kumain.
Nakakalungkot dahil wala namang pupunta. Bumalik na sa Europe ang lola at lolo ni Maximo dahil may kailangan pa daw silang gawin doon at ako naman na nandito lang.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Maximo pero puro ring lang. Nakalimang beses na pero wala talaga kaya binaba ko na ang cellphone ko at tinabihan ang kambal.
"Siguro ay tayo-tayo lang ang magkasama sa birthday ni mama mga anak. Papa niyo kasi ay wala, tapos sina mama at papa naman ay hindi sila makakapunta dito dahil tinatamad daw sila. Naiintindihan ko naman sila anak pero, nakakalungkot lang. Pasayahin niyo bukas si mama mga anak ahh.." sabi ko sa kambal kahit na hindi naman nila narinig dahil tulog sila.
BINABASA MO ANG
Searching for the Groom's bride
General Fiction[Completed] A ruthless, arrogant business tycoon Clay Maximo Knight na naghahanap ng mapapangasawa para matupad ang huling hiling ng kaniyang namayapang ina. A workaholic Nicole Irish Trinidad na gagawin ang lahat para sa pamilya. Ang pagtagpo ng ka...