CHAPTER FIFTEEN

3.6K 90 2
                                    

⚠⚠ SPG ⚠⚠

Nicole's POV

Halos lahat ng bisita ay nasa isang tabi lang at nag-uusap. Ang iba ay kumakain lang. Katatapos lang ng mga gawain na ginagawa gaya ng pagtapon ng bulaklak at yung garter. Pagslice ng cake at kung ano-ano pa.

Pinapanood ko nalang ang mga bisita dahil natatakot akong lumapit kay Maximo dahil sa sinabi niya.

"Hi..."

Napatingin ako sa gilid ko ng may nag-hi sa akin.

Ito yung best man ni Maximo.

"Hi din, ikaw yung best man ni Maximo diba?.."

"Oo, Draco Scott..." sabi niya at inabot niya ang kamay ko para makipagkamayan...

Kaya inabot ko na rin para makipagkamayan nga pero nabigla ako ng dalhin niya iyun sa labi niya at hinalikan nito ang likod ng kamay ko.

Hindi ako makapagsalita sa ginawa niya dahil nga nabigla ako at baka gamun siya makipagkamay sa mga babae.

"Scott!"

Napatingin kaming dalawa sa gilid namin kung saan galing ang sigaw na yun. Nandoon si Maximo at magkasalubong pq ang kilay.

Hinila ko ang kamay ko na hawak parin ni Draco.

Lumapit sa aming dalawa ni Maximo at agad na hinapit niya ako sa tabi niya.

"Maghanap ka nga ng ibang babae dito Scott, not my wife.."

"Ok, ok..wala akong balak sa asawa mo. Relax Clay relax.." sabi pa nito at nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko ito.

"Dapat lang, ako ang makakalaban mo.."

Ngumiti lang ito sa sinabi ni Maximo at napatingin sa akin.

"Bye, Nicole..." sabi nito at tumalikod na at umalis.

Siguro maghahanap ng babae o ano.

"Irish..." tawag niya sa atensyon ko dahil nakatingin kasi ako kay Draco.

"Huh? Bakit?"

"Kababata ko si Scott..." sabi nito kaya tumango-tango lang ako.

"Pwede na natin silang iwan ang mga bisita dito, bahala na ang mga maids dito."

"S-Saan naman tayo pupunta.."

Lumapit pa siya sa akin at niyakap na ako mula sa likod.

"Sa kwarto natin.." bulong niya kaya agad akong napalayo sa kaniya. Alam ko namang mangyayari yun pero....masyado pang maaga para doon diba.

"Hahanapin ako ni mama at papa, tawag nga nila ako ngayon kaya hahanapin ko sila.."

"Nandoon ang mama at papa mo, kakausap ko lang sa kanila at hindi ka nila pinapatawag.." sabi nito sa akin. Bakit ganyan siya magsalita. Parang paos na ewan. Ang sexy lang pakinggan pero, kasi....

"Pupunta ako sa kambal..."

"Tulog sila sa kwarto nila, napagod siguro at sa dami nilang nakain.."

"B-Babantayan ko sila..."

"Come on Irish.."

"Kay Serenity! Pupunta ako sa kaniya.."

"Busy si Serenity sa kasama niya ngayon.." Napatingin ako sa tinuro ni Maximo at nakita ko doon si Draco at Serenity na nag-uusap sa table.

"Diba babaero yun, kailangan kong makausap si Serenity.."

"Mind your own business Irish, and I'm your business..."

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon