CHAPTER SEVENTEEN

3.5K 86 1
                                    

Nicole's POV

"Ate, aalis na kami. Bumisita ka doon ahhh.."

"Oo naman, kapag may libreng oras ako ay pupuntahan ko kayo.."

Yumakap sa akin ang kambal.

Ilang araw na ang lumipas, napapansin kong hindi ako pinapansin ni Maximo. Simula nang may nangyari sa amin ay naging ganun na siya. Ok din naman sanakin kasi masakit na, pero hindi niya ako pinapansin. Kahit na magkatabi kami ay magkatalikod kami sa isa't-isa.

At ngayong aalis na sina mama at papa ay wala siya rito at na sa business trip. Baka daw tatlong araw daw siyang wala doon at hindi pa siya ang nagsabi sa akin yun, ang mga maids ang nagsabi at pinapasabi daw sa akin. Bakit hindi siya ang magsabi sa akin ng personal. Ganun palang ay alam kong iniiwasan niya ako.

"Bye ate..." sabay na sabi ng kambal.

"Bye, mamimiss ko kayo..."

Napatingin ako kina mama at papa.

"Anak, mag-iingat ka rito ahh, kapag sinaktan ka ng asawa mo ay sabihin mo sa akin. Alam kong matagal at mahal ang proseso ng divorce ay gagawin natin..."

"Mag-iingat ako ma, tatawag at magte-text ako sa inyo.."

Tumango lang si mama at sinamahan sila ng guards papunta sa kotse. Huling paalam ko sa kanila ay tinext ko nalang ulit.

Ngayon ay mag-isa ko lang rito. May mga kasama pala ako, mga maids.

"Ma'am, may bisita po kayo.."

"Amm sige papasukin mo.."

Agad na binuksan ang gate at si Kent iyun. Agad akong nagkasigla dahil may kasama na ako rito.

"Kent! Musta na.."

"Ikaw ang kamusta, kamusta ang pagiging asawa.."

"Hmmm... ok lang naman at para ito sa pamilya ko kaya kakayanin ko."

Napangiti lang si Kent sa sinabi ko. Niyaya ko siyang umupo muna kaya sumunod naman siya sa akin. Nagpagawa pa ako ng iinumin namin ni Kent sa mga maid.

"Akala ko ay ikaw ang best man ni Maximo, kasi ikaw yung nakikitang kong kasama niya.."

"Hmm...kakabata niya kasi si Draco, at saka employee niya lang ako."

"Kahit na, ikaw ang nandiyan kapag kailangan niya ng tulong.."

Matagal-tagal ang usapan namin kaya hindi na namin napansin ang oras. Ok lang naman sa akin yun kasi wala naman akong magagawa rito sa bahay at saka para may libangan ako, hindi naman kasi tumatawag o magtext man lang sa akin si Maximo at hindi niya ako pinapansin kaya ganun..

"Alam mo Nicole, kung sa ibang pagkakataon tayong nagkita ay baka liligawan kita, maganda ka at mabait. Para sa akin ay hindi ito ang nararapat na mangyari sayo.."

Napatingin ako sa kaniya at sa mga sinabi niya sa akin.

"Kent, ito na yun. At saka liligawan mo ako, kung mapapayag mo ako ehh--"

"Unang kita ko palang sayo ay gusto na kita..."

.....

...

"So sad, kasal na siya sa iba.."

Parehong napatingin kami ni Kent ng makita namin si Maximo na naka-business suit at seryosong nakatingin sa aming dalawa.

"Mr. Santos, hindi yata kasama sa trabaho mo na makipag-usap sa asawa ko.." sabi ni Maximo habang palapit sa aming dalawa.

"Mrs. Knight, aalis na po ako. Pasensiya po." Sabi ni Kent at yumuko pa sa akin.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon