CHAPTER TWENTY-SEVEN

3.9K 95 0
                                    

Nicole's POV

Napadilat ako ng may humalik sa noo na bumaba iyun sa pisnge at sa labi ko. Nang makita ko si Maximo na hinalikan ang mga noo ng mga anak namin ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Ang ganda lang tignan iyun.

Tumayo na ako nang tumayo si Maximo para lumabas na sa kwarto.

"Ohh...Morning baby..."

Napatingin ako sa kaniya at napakunot ang noo sa tinawag niya sa akin.

"Morning din..."

Lalapit pa sana siya sa akin ng pinigilan ko siya. Hindi pa ako nagmumumog ng bibig. Alam kong hahalikan niya lang ako.

"Lumabas ka na at magigising na yang kambal, handa mo yung gatas nila. Huwag masyadong mainit, maligamgam lang..."

Utos ko sa kaniya para hindi na siya lumapit. Tumatawang tumango lang siya sa sinabi ko at bumaba na nga. Dumeretso agad ako sa CR at ginawa na ang dapat.

Pagkalabas ay umiiyak na ang dalawa dahil nagising sila na wala sa tabi nila.

"Ohh..nandito na si mama. Tama na ang iyak.."

Hinawakan ko ang mga pisnge nila para matuyo ang mga luha. Binuhat ko sila at dinala sa CR.

Inupo ko muna si Miracle sa lababo at si Millicent naman ay binabaan ko ng short at pinaupo sa kubeta. Inalalayan ko siya roon para umihi. Sinasanay ko na silang umihi sa kubeta para hindi na ako mahirapan pa, atleast bata palang sila ay kaya na nila. Nang matapos na si Millicent ay sinunod ko naman si Miracle.

Kumuha ako ng tabo at nilagyan ng tubig para ipangmumog nila.

Ako muna ako gumawa pinakita ko. At gaya nila ay sinunod naman nila.

Nang makalabas na kami sa kwarto ay may naaamoy akong nagluluto. Baka ang mga maid yun.

Nang makarating kami sa baba ay inalalayan ko ang kambal sa pag-upo sa mataas na upuan na pinasadya talaga para sa kanila.

Nakita ko na doon ang dalawang basong gatas kaya inabot ko na sa kanila iyun.

Habang umiinom ang kambal ay nakarinig ako ng may nagpiprito kaya tumayo ako at pumunta sa kusina.

Nakita ko doon na nakasuot pang apron na si Maximo at nagluluto nalang ng bacon, hotdogs at itlog.

At mukhang patapos na siya. Niyakap ko mula sa likod na ikinabigla niya pa. Dahil ngayon ko lang ginawa sa kaniya iyun.

"Diba ako ang babae kaya dapat ako ang gagawa niyan..."

"Hindi lahat ganun ang paniniwala.." sabi niya habang inaalis ang apron at in-off ang stove.

Kukuha sana ako ng mga plato ng hinila niya ako at hinalikan ng malalim.

Hinawakan ko nalang siya sa leeg at sinagot ang mga halik nito.

Ako na ang bumitaw dahil nandoon sa mesa ang kambal at gutom na sila.
Hinampas ko pa siya sa braso ng humahabol ang labi niya.

Nagluto din pala si Maximo ng pancakes para sa mga bata.

Nang makuha ko na ang mga dapat kung kunin ay dumeretso na ako sa lamesa. At kasunod ko naman si Maximo.

Inayos ko ang pagkain ng kambal at hinati-hati ko na iyun. Hindi ko na binigyan pa ng kutsara sila dahil alam ko namang kakamayin nila iyun.

Napatingin ako kay Maximo na nakatingin lang sa akin.

"Bakit Miracle at Millicent ang mga pangalan nila?" Tanong ni Maximo habang nakatingin lang sa akin at sa kambal na din.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon