CHAPTER ELEVEN

3.7K 101 0
                                    

Nicole's POV

"Ate, babalik kana sa Maynila? Pwedeng bukas nalang kasi gusto pa namin kayong makasama ni Kuya.."

Napatingin ako sa kapatid ko habang inaayos ko ang charger ng cellphone dahil ang dala ko lang naman ay cellphone at charger at wallet sa mini bag ko.

Ngayon na kasi ang balik namin sa Maynila ni Maximo. Isang linggo din kami nandito at masaya ako ng mga araw na iyun. Magaling na si Trisha at isa iyun sa pinasasalamat ko sa Diyos.

"Alam mo naman na nagtatrabaho si Ate diba?"

"Alam ko po, mamimiss ka po namin.."

"Gayun din naman ako.."

Yumakap ako sa kambal at nagpaalam na. Napatingin ako kay Maximo na nakatingin lang din sa akin at sa kambal. Lumapit siya at kinausap niya sila.

"Pupunta naman kayo sa Maynila kapag ikakasal na kami ng Ate niyo.."

"Pupunta kaming lahat doon.."

"Syempre, kasal yun ng Ate niyo kaya dapat lang na nandoon kayo.."

"Talaga po!" Napangiti ako ng tumingin sa akin ang kambal na para bang sinisigurado nila na totoo ang sinabi ni Maximo. Tumango nalang ako at nagsisitalon sa tuwa si Troy pero Trisha ay hindi dahil kakagaling pa lang pero kita parin ang saya sa kanya.

"Ok na po Ate, hindi na po kami malungkot kasi pupunta din po kami doon. Kuya, pakasalan mo na agad si Ate.." agad na namula ang pisnge ko sa sinabi ni Troy. Napatawa naman si Maximo at ginulo ang buhok ni Troy gamit ang palad nito.

"Alis na po kami!" Sigaw ko kina mama at papa na nag-uusap sa ilalim ng manga.

Kinawayan lang nila ako kaya kumaway lang din ako. Mukhang seryoso ang usapan nila doon.

Pumunta na kami sa sasakyan at sumakay na. Nakikita ko pang kumakaway ang kambal. Binaba ko ang salamin at kumaway din sa kanila.

Hanggang sa makaalis kami ay nakatingin lang ako sa kambal hanggang sa hindi ko na sila nakita pa. Nakaramdam ako ng lungkot dahil malalayo na naman ako.

Gaya nung pumunta kami sa probinsiya namin ay gabi yun. At ngayon ay gabi din kami umalis para hindi ako mahilo. At para makatulog lang ako sa biyahe.

"End of this month ay ikakasal tayo..."

Napatingin ako sa kaniya at mukhang nagmamadali siya.

"Bakit ka nagmamadali? Hindi naman ako tatakbo dahil legal ka na sa pamilya ko, bakit pa ako tatakbo?"

"Dahil yun ang gusto ko Irish.."

"Pwede bang tawagin mo akong Nicole, hindi ako sanay na may tumatawag sa akin ng ganyan, sa totoo lang.."

"Hindi rin naman ako sanay na tawagin mo akong 'Maximo', kaya dapat lang tawagin din kita sa pangalan mong yun.."

"Bahala ka..."

Napatingin ako sa daan habang nagmamaneho si Maximo. Nakaramdam ako ng kati sa ibabang labi ko kaya kinagat ko iyun para mawala ang kati.

Nagulat ako ng biglang tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako kay Maximo na hinihingal. Bakit siya hinihingal diyan?

"Maximo?"

"Alam mo bang ang ginagawa mo?"

"Nakaupo at nakaupo nga.."

Napatingin siya sa akin at kita ko ang pagkagusto niyang gawin na hindi ko naman alam.

Nabigla ako ng hawakan niya ako sa leeg at hinila ako palapit sa kaniya. Nakadilat ang mata ko at gulat parin kahit na nakalapat na ang mga labi namin. Hindi ko alam humalik kaya hinayaan ko nalang siya. Gumagalaw ang labi niya at ang sarap sa pakiramdam niyon pero dahil nga hindi ko alam ay hindi nalang ako gumalaw.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon