⚠⚠ SPG ⚠⚠Nicole's POV
"Nicole, long time no see..." sabi ni Elizabeth habang hawak ang kamay ng anak ko.
"I-Ikaw din, kamusta ka...balita ko ay nandito ka parin nga sa Pilipinas. Saan ka tumutuloy.."
"Hmm..sa hotel lang, ayaw kasi akong patulugin dito ni Clay..."
Dapat lang....
"So, nakabalik ka na nga dito. Magaganda ang mga anak mo.."
"Salamat, anong ginagawa mo rito?...."
Agad kong tanong kay Elizabeth na nakatingin lang sa mga bata, nakangiti ito sa mga anak ko.
"Magaganda talaga ang mga anak mo, Alam kong may galit kang tinatago sa dibdib mo. Napanood ko ang footage, minahal ko lang naman si Clay. Buong buhay ko ay siya lang talaga. Nitong mga nakaraang araw, nakikita ko kung gaano siya kalungkot. Sinubukan kong pagaanin ang nararamdaman niya pero wala parin, galit din siya sa akin. Hindi ko mapantayan ang sayang binibigay mo sa kaniya, na noon naman ay masaya kami. Dahil sa kasunduan na yun ay nagbago ang lahat. Nung twenty palang si Clay ay hindi siya pumayag, buo ang desisyon niyang hindi niya hahanapin ang pamilya mo. Pero ang nangyari sa mga magulang niya ang nagpilit na gawain niya yun. At eto na nga siya, nahanap ka. Naging mag-asawa. Sinabi niya sa akin na paghihiganti ang gagawin niya pero heto siya ngayon, masaya sayo.."
Nawala lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Hinayaan ko muna siyang magsalita.
"Sawa na ko sa paghahabol, tama ngang sigurong tumigil ako. Ginugol ko ang buo kong oras sa kaniya na hindi ko namamalayan na ganito na pala ako kasama. Nakasakit na pala ako. Inuuna ko ang kagustuhan kong makuha si Clay kaya wala na akong pake sa mga nasasaktan ko. Pero ang makitang masaktan si Clay ay parang bombang sumabog sa puso ko na mali toh...Ngayon na nandito ka, bumalik ulit ang saya niya. Sayang hindi ko maibigay sa kaniya ng mawala ka."
Pinanood ko lang siya kung paano niya kinandong si Millicent sa kandungan niya.
"Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng saya ng mawala ka pero nawala din yun ng hindi ko man lang nakitang masaya si Clay na nasa tabi ko siya. Lagi siyang nasa trabaho at sa tueing niyayaya ko siyang kumain ay tinatanggihan niya. Lagi siyang nakatingin sa lock screen ng cellphone niya. Hindi ko na kailangan alamin pa na kung ano ang tinitignan niya doon dahil alam kong ikaw naman..."
Inalis niya sa Millicent sa kandungan niya at tumayo na ito at naglakad palapit sa akin.
"Ang gusto ko lang ay alagaan mo si Clay, siguro nga ay hindi naman oras ngayon. Siguro nga ay hindi kami, siguro nga ay kayo..."
Sabi nito at ngumiti sa akin.
"Alam mo Elizabeth, sasabihin ko ang una kong expression ko sayo nung makita kita. Na ikaw yung mang-aagaw, sorry kung yun ang nasa isip ko..."
Tumawa ito at hinawakan ang kamay ko.
"Tama ka naman, sinubukan kong agawin si Clay. Totally ay nandito ako para subukan ulit pero nang makita ko siyang may kalarong bata dito ay parang nagising ako sa katotohanan na mali lahat ng yun. Nang sinabi niya na nagbalikan na kayo ay sobrang saya niya. Hindi ko mapigilang mapaiyak ng makita siyang masaya, sayang hindi ko maibigay sa kaniya. At ang mga bata, lalaki silang mabait. At saka walang-wala na talagang pag-asa kasi may anak na kayo."
Napatawa ako sa sinabi niya. Sa tingin ko ay ayos na kaming dalawa.
"Dapat lang, nagtanim siya dapat lang ay alagaan niya.." malalim na sinabi ko na ikinatawa niya lang.
"Aalis na ako..."
Napatingin ako sa hawak niya na ngayon ko lang napansin din, passport yun...
"Oo, totally dalawa ito. Isasama ko na sana si Clay sa Europe pero heto nga ang bungad niya sa akin ay baka ako nalang..."
BINABASA MO ANG
Searching for the Groom's bride
General Fiction[Completed] A ruthless, arrogant business tycoon Clay Maximo Knight na naghahanap ng mapapangasawa para matupad ang huling hiling ng kaniyang namayapang ina. A workaholic Nicole Irish Trinidad na gagawin ang lahat para sa pamilya. Ang pagtagpo ng ka...