Dahilan na kailangan ko ng pera ay papasukin ko ang trabahong hindi ko naman inakala na ganitong klase.
"Hi, po ako po si Nicole Irish Trinidad at kaya ko pong gawin lahat ng ipag-uutos niyo. Kailangan ko po kasi ng pera para sa pamilya ko, mahirap po kasi kami at--"
"Miss Trinidad marunong ka ba sa kama?"
Trabahong nagpabago sa buhay ko. Isa lang naman ang layunin ko sa buhay, kundi maiahon sa hirap ang pamilya ko. Hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral kaya hindi ako nakakakuha ng magandang trabaho.
At isang malaking tulong ang makuha sa hinahanap ng mga taong ito. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin, basta ang narinig ko lang ay malaking halaga ang kita.
"Miss Trinidad, dahil napili ka dito ay wala ka namang halos gagawin. Isang bagay ang hindi mo pwedeng pakialaman, ay ang privacy ko rito at ang buhay ko. Magagawa mo lahat sa loob ng mansion ko pero huwag ako. At may karapatan akong gawin ang gusto ko sayo dahil pagmamay-ari kita, binabayaran kita ng malaking halaga kaya kapag sinabi kong maghubad ka sa harapan ko ay gawin mo, being my wife is not easy, sa tingin ko ay alam mo naman ..."
Wala na akong magagawa pa kundi sundin ang lahat ng sasabihin niya. Pero kung may batas siya ay ganun din ako.
"Bayad mo man ang lahat, pero wala kang karapatan sa buhay ko. Bayaring asawa mo man ako ay hindi mo pagmamay-ari ang buhay ko, hindi mo mababayaran ang dignidad ko."
Wala man akong sapat na kaalaman ay pinalaki akong may pangaral.
"Ginusto mo ito! Ang mapili bilang asawa ko kagaya ng mga babaeng nakapila noon. Isa ka doon kaya isa ka rin sa kanila!!! Pera ko lang ang mga habol niyo, kaya kung kailangan mo ng pera ay sundin mo lahat ng sinasabi ko!!
"Hindi lahat ay nabibili ng pera Maximo, huwag mong lahatin. Hindi ko ito papasukan kong hindi lang nangangailangan ako, pero kung ako ang tatanungin kong gusto ko ito? Isa malaking nagmumurang HINDI!!"
Totoo ako sa mga sinasabi ko at kailanman ay hindi ako mahuhulog sa taong ito.
[A/N: hi guys! Another story again. Yeah... hindi na siya connected sa nga Clarkson Series. Sorry sa mga wrong grammar at typo errors. Kung sakali mang may nakita kayo ay icomment niyo nalang o imessage niyo sa akin. In-advance ko na ang paghingi agad ng pasensiya. Naeexcite na din akong sulatin to, hinintay ko lang matapos ang mga Clarkson Series. Well yun na nga, sana ay magustuhan niyo ito. At sa mga lame BS scene nito, sorry na agad.]
BINABASA MO ANG
Searching for the Groom's bride
Genel Kurgu[Completed] A ruthless, arrogant business tycoon Clay Maximo Knight na naghahanap ng mapapangasawa para matupad ang huling hiling ng kaniyang namayapang ina. A workaholic Nicole Irish Trinidad na gagawin ang lahat para sa pamilya. Ang pagtagpo ng ka...