Nicole's POV
Napatingin ako kay mama na gulat parin kay Maximo. Siguro nagulat siya kasi ibang lahi si Maximo, akala niya siguro ay simpleng tao lang sa Maynila.
Iba kasi si Maximo, aakalain mong Hollywood star.
"Ma, ok ka lang ba?"
"Ah-ano ayos lang ako, nagulat lang ako sa kasama mo. Parang namumukhaan ko siya.."
"Ay, ikaw talaga ma. Nagkita na ba kayo?"
Kung nagkita man sila dito ay pasok ang pagsisinungaling namin.
"Hindi, ano bang pangalan mo iho?"
"Clay Maximo Knight.." banggit ni Maximo habang nakangisi. Napatingin ako kay mama at nakita ko sa kanya ang takot.
Bakit?
Patricia's POV
Hindi! Hindi ang anak ko!
Alam kong pinakain namin ni Nicholas ang mga anak namin ng kasinungalian patungkol sa buhay ko.
Hindi totoo ang pagpunta ko sa Pilipinas para sa kasintahan ko.
Dahil ang totoo ay tumakas ako sa bansang kinalalagyan ko.
Nakatakdang ikasal ako kay Brian Knight, kakambal ni Bruce Knight na kakasal lang noon kay Millicent, nakita ko pa ang anak nilang lalaki.
Nasa kasunduan noon na ang Miller at ang Knight. Nakalagay sa kasunduan ang pagpapakasal namin para lalong lumakas ang kompanya. Pinapapirmahan ako noon sa isang kasulatan na ginawa pa ng mga magulang namin ni Brian.
Palihim kong hindi pinirmahan iyun, hindi ko siya mahal para pakasalan siya. Pero isang trahedya ang nangyari. Namatay sa sunog ang mga magulang ko at ako lang ang nakaligtas. Ang mga pamana ay sa akin na napunta.
Pero sinabi ng pamilyang Knight na tuloy parin ang kasunduan.
Wala na ang pamilya ko, bakit konpa iyun itutuloy. Ang araw nang ikakaasal kami ay nakaplano na akong tatakasan ko sila.
Nakatakas nga ako pero isa ulit trahedya ang nangyari, inatake sa puso si Brian sanhi ng pag-alis ko sa kasal namin. Galit ang pamilyang Knight sa akin, magpasahanggang ngayon. Hindi ko kasalanan na inatake siya sa puso kaya ganun ang nangyari.
Ilang araw nila akong hinabol hanggang sa napadpad ako sa Pilipinas. Doon ko nakilala si Nicholas, tanggap niya ang nangyari sakin kaya minahal ko siya.
Hindi na nagawang habulin pa ako ng mga Knight dahil nakasal na ako. Isa sa paniniwala ng mga Knight na kung kinasal na ang babae ay hindi na muling ikakasal pa sa iba.
At nalaman din nilang hindi ko pinirmahan ang kasunduan. Kaya hindi na nila ako hinabol pa.
Ngayon ay tinatago ko ang sekretong iyun sa mga anak ko, lalo na sa mga anak kong babae lalo na si Nicole, pero ngayon...
"Clay Maximo Knight.."
Napatingin ako kay Clay, una palang kita ko sa kaniya ay nakita ko na ang lahi ng Knight sa kanila.
Kaya talagang nabigla na ako pero ang malamang isa talaga siyang Knight ay talagang nagbigay iyon ng takot sa dibdib ko at kumalat iyun sa katawan ko.
"Ma, pupunta lang ako doon sa kwarto, pwede po bang matulog muna ako" sabi ni Nicole kaya tumango nalang ako. Napatingin siya sa kay Clay.
"Kung inaantok ka, sa kotse mo nalang ikaw matulog.." napailing lang si Clay sa sinabi ng anak ko. Si Nicholas ay kasama ng kambal sa labas dahil minsan kapag maaga silang nagigising ay hilig nilang tignan ang pagsikat ng araw.
BINABASA MO ANG
Searching for the Groom's bride
Fiksi Umum[Completed] A ruthless, arrogant business tycoon Clay Maximo Knight na naghahanap ng mapapangasawa para matupad ang huling hiling ng kaniyang namayapang ina. A workaholic Nicole Irish Trinidad na gagawin ang lahat para sa pamilya. Ang pagtagpo ng ka...