CHAPTER TWELVE

3.6K 93 1
                                    

Nicole's POV

Napatingin ako kay Serenity na nakatingin parin sa akin at sa leeg ko.

"Sige na! Magkwento ka.."

"A-Ayaw ko.." nakakailang para sabihin na naghalikan kami ni Maximo at doon ko ito nakuha.

"Naibigay mo na ba?"

"Ang alin?"

"Ang virginity mo, ano pa ba!"

"Hindi pa!!"

"Hmmm..may 'pa' ahhh..sa balang araw ay ibibigay mo din sa kaniya, after wedding.."

Tumayo ako at lumabas na nang pinto.

"Halika na nga, ang awkward ng usapan natin.."

"Ayusin mo ang buhok mo para hindi makita yang...tsikinini mo hahahaha!!"

Hindi naman halata ehh, etong babaeng talaga..

Napahawak ako sa leeg ko at natatandaan kong hinalikan niya ako sa leeg at nakaramdam ako ng dalawang beses na munting sakit lang pero nawala din. Eto siguro iyun, bakit niya ako nilagyan...

Nilabas ko sa cellphone ko at agad na tinext si Maximo. Si Maximo lagi ang nagpapaload sa akin kahit sabihin kong wag na. Kaya ko namang loadan ang sarili ko pero mapilit siya.

'Baliw ka na ba, bakit mo ako nilagyan ng tsikinini sa leeg?!'

Yan, pasigaw para malaman niyang naiinis ako, kasi naman dahil dito. Sabi pa ni Serenity ay matagal-tagal pa bago mawala yun. Kainis naman...

Napatingin ako sa cellphone ko na agad naman siyang nagreply.

'Para malaman nila na may nagmamay-ari na sayo, at ako yun..'

Pagmamay-ari niya ako? Well, ayun sa pinirmahan ko ay magiging bayaring asawa niya lang ako. Kaya pagmamay-ari niya ako. Pero wala.siyang karapatan para kontrolin ang buhay ko.

'Bahala ka...'

Yun na ang sagot ko sa sinabi niyabat binulsa ko na ang cellphone.  Sa katapusan na ng buwan ang kasal namin, isang linggo at ilang araw pa iyun. Pero para sa akin ay malapit na.

"Serenity, gusto mo bang doon ka na manirahan sa bahay ni Maximo kasi malaki naman daw yun. Doon ka nalang tumira habang nagtatrabaho ka." Sabi ko kay Serenity habang nagkakape kami sa labas.

"Gustuhin ko mang makasama ka sa isang bahay ay alam kong nakakailang yun sa part ko. Mag-asawa na kayo kaya dapat lang na masolo niyonang isa't-isa. Kaya ko naman dito at lagi naman ako bibisita doon sa inyo. Huwag kang mag-alala. At saka kapag nag-away kayo o sinaktan ka niya ay pumunta ka sa akin. Ako ang bahala, kaya hindi ako titira sa bahay ni Clay.." bigla siyang tumawa sa sinabi niya. Akala ko ay nagbibiro siya pero nung sinabi niyang...

"Maximo ang tawag mo sa kaniya pero Clay ang tawag ko sa kaniya. Minsan ay napapagkamalan kong ibang tao ang sinasabi ko."

"Nakasanayan ko nang ganun siyang tawagin at yun ang sabi niya na itawag ko sa kaniya..."

"Hmmm..special pala si Nicole ehh"

"Manahimik ka na nga!"

Nagpatuloy nalang kami sa pagkakape. Ganito na kami tuwing umaga hanggang sa dumating na nga ang araw na lilipat na ako...

"Serenity, mag-isa mo lang dito. Gusto kitang isama.." sabi ko sa kaniya ng nasa pinto na kami. Katabi ko si Maximo sa likod ko habang namamaalam ako kay Serenity na ngayo'y tumatawa lang.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon