CHAPTER FOURTEEN

3.5K 103 0
                                    

Nicole's POV

"Ang ganda talaga ng wedding dress mo, Nicole. Balang araw, makakasuot din ako ng ganito.."

"Syempre naman, maganda ka naman."

"Alam ko.."

Napatawa ako sa sinabi niya at napatingin sa salamin. Suot ko ngayon ang wedding dress dahil ngayon ang kasal ko.

Napatingin ako sa pinto at nandoon sina mama at papa. Nakatingin sila sa akin pero pansin mo ang pilit na ngiti nilang dalawa.

"Ma, smile naman kayo ng totoo, nakikita ko na hindi kayo masaya sa akin.."

"Dahil yun nga anak.." Napatingin ako kay mama dahil sa sinabi niya.

"Serenity, pwede mo bqng iwan muna kami.." sabi ni mama kay Serenity at sumunod naman siya kaya umalis na siya rito sa kwarto.

"Ma, matagal ko nang pansin ang mga inaakto mo. Alam kong ayaw mo kaming ikasal, pero nandito na ito."

"Anak, pwede ka pang humindi. Tumakbo ka na ngayon palang.."

Napatingin ako kay mama at seryoso ang pagkasabi niya iyun. Patawad sa sarili ko at kina mama dahil magsisinungaling na naman ako.

"M-Mahal ko si Maximo, hindi ako tatakbo sa taong mahal ko.." sabi ko sa kanila na kinagulat nila. Hindi ba nila inexpect na mahal ko wari si Maximo kaya ako pumayag sa kasal. Iniisip ba nilang kaya ako pumayag sa kasal dahil mayaman siya at namimigay ng pera.

Nakaramdam ako ng sakit dahil ganuun nga ang iniisip nila.

"Anak--"

"Ma'am, sir, kailangan niyo na pong pumunta ng simbahan dahil aayusin po namin ang mga dapat pang ayusin sa bride po.." magalang na sabi ng babae na nag-ayus sa akin.

Napatingin si mama sa akin at sa babae kaya wala na silang nagawa kundi lumabas na nang pinto.

Alam kong deretso na sila sa simbahan yun, kasama si Serenity.

"Ang ganda niyo talaga ma'am, sa totoo lang po ay hindi na kailangan ng ayusin o make-up dahil kahit pulbo lang ay ang ganda niyo!" Sabi ng babae na naghahanap pa ng aayusin sa akin.

"Ganun ba, Salamat..."

"Ilang minuto nalang po ay aalis na po kayo, congrats ma'am. Siguradong maganda ang magiging anak niyo dahil gwapo rin po si Sir. Iba po yung itsura niyong dalawa, parang mga Hollywood actor talaga.."

Napatingin ako sa baba at sa salamin ulit. Nakakahiya palang pinupuri ka harap-harapan.

"S-Salamat ulit.."

Ilang segundo lang ay nagsalita ulit yung babae.

"Ok na po ma'am, parang wala akong inayos dahil maganda ka po kaya kahit hindi na ayusan.."

"Salamat ulit.."

Napatingin kaming pareho nung babae ng bumukas ulit ang pinto.

"Ma'am, aalis na po kayo. Nakahanda na po ang kotse."

Inalalayan ako ng babae hanggang sa kotse, nang makaupo na ako ay inayos nila ang dress ko dahil mahaba yun.

Habang nasa biyahe ay napatingin ako sa upuan din ng kotse at nandoon ang bulaklak ko.

Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at maraming tao at media ang nandoon. Dahil sikat na businessman si Maximo kaya hindi yun maiiwasan. Marami ring bisita ang nandoon, lalo na ang mga business partner niya. At kinausap ko si Maximo na lahat ng tao sa inuupahan namin ni Serenity ay imbitado. Pumayag naman siya kaya masaya ako.

Searching for the Groom's brideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon