30

93 2 0
                                    

"Hello? Oh? Oo nakita ko na. Hindi kami makaalis may asungot na ayaw kami paalisin. Oo na sige, patapos na kumain si Eirine. Bye." Agad kong pinatay ang tawag at hinarap si Jayce.

"Can you just let us go?" Naiiritang tanong ko sakanya.

Umiling ito sa akin bago magsalita. "Why? Is your boyfriend waiting for you? What's his name again? Lucian?" Aniya sa galit na boses.

I rolled my eyes on him. We heard Eirine speak, "Daddy! Lucian is not my mom's boyfriend. She doesn't have boyfriend, she's too busy sa work po." Bakit ba ang talino ng mga anak ko? Nakakainis ha! Halata bang wala akong oras sa mga ganung bagay?

"Then who's Lucian baby?" Malambing na tanong niya kay Eirine. Wow ha, kapag kay Eirine malambing, kapag sakin galit? Favoritism.

"He's my twin po. That pizza's is for him daddy, we both like pizza."

"Y-your what baby?" He asked. Pansin ko ang gulat sa mga mata niya. That's my reaction when I learned that I am carrying a twins.

"Yes po." My Eirine answered and smiled genuinely. She finished eating her pizza and now she's drinking her chocolate shake.

"Daddy, let's go. You should meet Lucian, he looks exactly like you!" Excited na ani ng anak ko. I sighed and stood up.

I hold Eirine's arm, mahirap na baka mawala pa siya ulit at sumama na naman kung kani-kanino. Napansin ko rin na medyo tulala pa si Jayce sa mga nangyayari. Maybe, hindi pa nagsisink in sa utak niya na twins ang naging bunga ng sperm niya.

"Mom, i'm so happy! I felt so happy because I saw daddy first before Kuya did." Aniya at patalon-talon pa habang naglalakad.

I just smiled at her bilang sagot. I'm speechless, sobrang saya ng anak ko. I wanted to tell her na huwag masyadong maging masaya dahil baka may pamilya na si Jayce. Mas masakit kapag nakita ko ang mga anak ko na nahihirapan at nasasaktan dahil hindi ko maibigay ang masaya at kompletong pamilya.

"Maureen." I heard his called voice. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "What?" Mataray na sagot ko.

Binaling niya ang tingin niya kay Eirine at muling binalik sa akin. "C-can I hold my daughter?"

Tinignan ko si Eirine na nagtatakang nakatingin sa ama niya. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Eirine. "Go, hold you daddy's hand tight okay?" Bilin ko sa anak ko, tumango ito at lumapit kay Jayce.

"I'll bring that one." Turo ko sa pizza na hawak niya. Pero umiling ito sa akin bago magsalita. "I can managed." Aniya at naunang naglakad. Napairap na lang ako sa kawalan, napakayabang ng taong 'to.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad tumakbo si Lucian papalapit sa amin. Agad niyang hinila ang kapatid niya at pinagalitan. "Where did you go? I told you not to go anywhere!" Namumula na ito sa galit.

"K-Kuya." Batid kong naluluha na si Eirine kaya naman pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"Lucian, be careful with your words to your sister anak." Pagsuway ko sakanya.

"Don't do it next time okay?" Aniya sa kapatid niya na ngayon ay umiiyak na. Bigla itong tumakbo palapit kay Jayce at niyakap niya ito sa binti.

"Shhh, stop crying baby." Jayce commented. He looked at his son, hindi mawari kung ngingiti pa o mas mainam na kilalanin ang anak.

I saw in my peripheral vision that Lucian is currently holding my hand. "Mommy, come down." Aniya at winawasiwas ang kamay ko. Umupo ako para maging magkalevel kami.

"The man look excatly like me! Mom, is he my daddy?" Bulong niya sa akin.

Tumango ako bilang pag sang-ayon. I can't really lie to my twins, maaga pa lang ay sinabi ko na sakanila ang totoo. Na kung sino ang ama nila dahil alam ko maghahanap din naman sila sa akin. Pinakita ko ang litrato ni Jayce sakanila. Lucian got amaze when he realized that they looked exactly the same.

"Shit."
"How did Jayce knew na umalis tayo?"
"Lintek na Lance talaga yun!"
"It might be Zander, A!"
"Ang aga ng meet the father ha?"

"Eirine, stop crying baby." Pang-aalo ko sakanya. "Say sorry to your sister Lucian." Utos ko sakanya. Tumango naman ito at lumapit sa kapatid niya.

"S-Sorry, Ei." Aniya ngunit kay Jayce siya nakatingin.

I looked at my friends. Lumapit ako sakanila at pinanuod ang mag aama ko. Tila ba kinikilala ni Jayce ang kambal at pinagbabati ang dalawa. I saw how he become teary eyed. I am also forcing myself not to cry. I felt Sarah tapping my back.

"Hey, don't cry. It's the best memories for them." Aniya at nginitian ako. Indeed, this will he the best memories not only for them but also for me.

I might not see Jayce for the past seven years, but I know he knew that I did not hide my children. It was my parent's decision after all, not mine. "Cous, ayain mo na sila. Or kay Jayce na kayo sasabay?" Jia asked.

I shrugged, lumapit ako sakanila at pinapanuod naman nila akong makalapit. "Uh, we're going na." Sabi ko kay Jayce.

Tinignan niya ang mga kaibigan ko. "Pwede bang sa akin na sila sumabay? Don't worry, they'll be safe." Paalam niya, tumango naman ang mga kaibigan ko.

Akmang aalis na ako ng pigilan niya ako. "Where are you going?" Takang tanong niya.

Tinuro ko sila Sarah, "I'll go with them."

"No, you're coming with us. Madami akong tanong tungkol sakanila." Aniya at hinawakan na ang kambal sa magkabilang kamay niya.

I heard my friends laughed. Nakakainis talaga! Paano niya ba nalaman na nandito na kami sa Pinas? Sabi ko 'wag ipapaalam kahit kanino, dahil gusto ko ng tahimik na buhay! "What a happy family." Pang-aasar ni Alice na mas lalong ikinasimangot ko.

Sinundan ko na lang sila Jayce at huminto ito sa tapat ng Ford na sasakyan. Bagong edition 'to ng Ford ah? Sana all mayaman. I was about to open the back door ng pigilan niya ako.

"Doon ka sa harap." Aniya at iyon ang binuksan niya, hinintay niya akong makapasok bago buksan ang pinto sa likod.

Sinakay niya ang dalawang bata at kinabitan ng seatbelt. Kita ko ang saya ng kambal, sobrang saya ng mga mata nila. Na tila ba nakamit na nila ang pinakapangarap nila sa buhay nila. Jayce closed the door, pumunta ito sa tapat ko at hinila ang kamay ko.

"Oh?" Nakasimangot na tanong ko sakanya.

Umiling ito, he leaned forward and kiss... Wait what? He fucking kissed me! Sa lips! What the hell? I was about to protest ng kumawala na siya.






"Welcome home, love."

Loving the Broken Hearted Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon