Nakarating kami sa airport ng tahimik lang ako habang siya inaasar ako! Nakakainis, bakit ba ang careless mo Maureen? Bakit ba ganyan ka na lang ganyan? Natigil ang pag-iisip ko ng marinig ko ang sigaw ni Christine.
"MAUREEEEN" They are running towards me. I saw Hillary waving her tiny hands at me. I waved back to the little girl.
"I miss you bakla!" Malakas na aniya habang niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik bago yakapin si Hillary na ngayon ay kuryusong nakatingin sa lalaking nasa likuran ko.
"Kamusta na Hill?" I asked her while caressing her hair.
"I'm fine, Tita Ganda." Aniya at nilapitan si Jayce. "Are you Eirine and Lucian's dad po?" She gently asked Jayce.
Tumango si Jayce bilang sagot at hinawakan ang kamay ni Hillary. "Mauna na kami sa car, sunod na lang kayo." Aniya at iniwas ang tingin sa amin.
"Tara na?" Aya ko sakanya at tinulungan siyang buhatin ang ibang gamit niya.
"Sandali gaga, hindi lang ako ng umuwi." Nagtaka ako sa sinabi niya. Imposibleng pati sila Lanna nandito?
"MAU-MAU!!!!!!!" I heard female voices coming from my right side. I turned my gazed on them and saw Lanna, Cheska and Sirene running towards our direction!
"OH MY GOSH! WHAT ARE YOU ALL DOING HERE?" Shocked na tanong ko. What the heck? They didn't informed me about them coming back to the Philippines!
"Natural birthday ng mga inaanak namin, uuwi talaga kami!" Sagot ni Sirene pagkatapos akong halikan sa pisnge.
"Nasaan si Hillary?" Segunda ni Cheska ng walang makitang Hillary sa tabi ni Christine.
"Kasama ni Papa Jayce." Tumatawang sagot ni Christine habang tinignan ako ng nang-aasar. I rolled my eyes on her bago sila ayain na umalis na.
"Tara na nga, dadaan muna tayo sa Sweet Pastry hindi ko pa nakuha ang cake." Ani ko at naunang naglakad.
We reached the parking lot habang masayang nag kwekwentuhan. I saw Jayce playing with Hillary in the grounds, Jayce is also taking a picture of the cute little girl. Jayce laughed when Hillary make faces and started to tell him about Lucian and Eirine.
"Oh you're all here na. Come on, madami pang gagawin sa bahay at naghihintay na ang kambal." Nakangiting ani Jayce na siyang ikinairap ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang lapitan ni Christine at haplusin sa braso.
"Papa Jayce, gusto mo ba tayo na lang? Pakipot naman yung isa diyan, willing ako maging mommy nila Lucian." Malanding aniya habang ngumiti sa akin ng nakakaloko. Rinig ko ang hagalpakan ng mga kaibigan ko at nagsimula silang asarin ako.
"Balita ko, pagkauwi nila naka-score ka agad ah?" Natatawang tanong ni Cheska. Padabog kong binuksan ang pinto ng sasakyan at padabog ko din itong sinara ng makapasok na ako. Bahala sila sa buhay nila, nakakapikon.
Pumasok na rin naman sila kalaunan pero hindi na ako umimik. Nakita kong sinusulyapan ako ni Jayce ng tingin pero hindi ko siya pinapansin. Nilabas ko ang earphones ko at sinaksak iyon sa cellphone ko. Makikinig na lang ako sa music kaysa makinig sa mga pang-aasar nila. Nakakapikon talaga ng sobra. Nakarating kami sa Sweet Pastry ng hindi nag-iimikan na tila ba nag papakiramdaman ang mga kasama ko. Agad akong bumaba sa sasakyan at padabog ko iyong sinara.
Nginitian ko ang guard na tila pa nagulat dahil sa pagsasara ko ng pinto ng sasakyan. Pumasok ako sa loob at nakita ko ang may-ari na si Sahaya. She was my high school classmate before, she's still my friend until now.
"Sahaya, hello! I'm going to pick up the cake na." Nginitian niya ako at sinabihang mag hintay sandali dahil kukunin niya ang cake. Umupo ako sa couch ng shop niya at nagbrowse na lang muna sa social media accounts ko. I saw my co-models and friends greeting my twins. Some are shocked because Jayce was with them in the photos I upload hours ago.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Jayce na nakatingin sa akin. "Why are you here?" Masungit na tanong ko.
"Why are you mad at me?" Tanong niya habang nakapalumbaba. Inirapan ko siya at hindi pinansin, nanatili akong nakatingin sa pinasukan ni Sahaya kanina.
"Mau, please don't be mad at me. Hmmmm?" Pakiusap niya at hinila ako palapit sakanya. Nagulat ako ng bigla niyang higitin pataas ang tube ko. "Too low, Mau. Don't wear this again uhmm?" Aniya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
Nagulat ako ng biglang may tumikhim kaya agad ko itong nilingon. Kakaibang ngiti ang pinakita sa akin ni Sahaya. "Here's the cake na Mau and hello Engineer Castillo." She greeted Jayce, what they knew each other? I looked at Jayce, nakangiti lang siya at binaling ang tingin sa akin.
"You knew each other?" I asked Sahaya because I know she won't tell a lie on me.
"Yes, because of some reasons Mau. Don't worry I won't stole your husband?" Pabiro ngunit patanong niyang sinabi. Umiling ako nagpasalamat na sakanya. Umalis na rin naman kalaunan dahil tinatawagan na kami ni Ate Xia at sinabing nagmamaktol na ang kambal.
"Tita Ganda, does Lucian and Ei knew I am going to their celebration?" Hillary asked while we are near my parents house. Umiling ako at binalingan siya ng tingin. "No baby, your mom asked me to keep it as a secret so both of them will be surprise." Sagot ko na siyang ikinapalakpak ng kamay niya.
Nakarating na kami sa bahay at tapos na ring mag-ayos sila Krel. Sa garden kami mismo dumertcho dahil ilalagay na ang cake sa lagayan ng sweets. I saw Krel Jasmine looking at our direction, or looking at our guest? Hindi ko mawari kong kanino siya nakatingin pero sa tingin ko ay isa sa mga kaibigan ko ang tinitignan niya. I shrugged and just continue what I am doing in the sweet section.
Tinawag ko ang kambal pagkatapos dahil nasa loob ng bahay sila Sirene para hindi sila makita nila Lucian. "Mommy, why are you so late?" Nakangusong ani Eirine.
"Mom, let's call Tita Christine please? I want to talk to Hillary!" Pangungulit naman ni Lucian. Tumawa ako at inakay sila papasok sa loob ng bahay. Ang alam ko sa kwarto ng kambal sila dumertcho. Sinundan kami ni Jayce at hinawakan ang kamay ni Eirine.
"We have another suprise for the both of you." Pauna ni Jayce na siyang ikinagulat ng kambal.
"There's another daddy?" Kuryosong tanong ni Eirine. Tumango si Jayce at ngumiti.
"Wow, happy family." Segunda agad ni Sarah ng makita kaming papasok sa loob ng bahay.
"Yes naman, Jayce." Natatawang ani Cassandra.
"Tanggap mo yun, Mau? Ikaw nag luwal pero halos lahat ng feature nila kay Jayce namana?" Pang-aasar sa akin ni Anton. Totoo naman kasi, habang lumalaki sila mas nagiging hawig nila si Jayce. Kaunti lang ang nakuha nila sa akin, nakakainis.
"Edi gagawa na lang kami ng kamukha niya." Sagot ni Jayce na siyang kinagulat ko. Nanlaki ang mata ko na tinigna niya, the nerve of this guy! He even wink at me!
Kung nagulat ako sa sinabi ni Jayce mas nagulat naman ako sa sinabi ni Eirine! "Mommy, are you planning to have another baby? I want a baby brother po!"
BINABASA MO ANG
Loving the Broken Hearted Man(COMPLETED)
Teen FictionI, Maureen Qital, strongly believe that everyone that comes in to my life is a blessing. I am living the life where everyone is dreaming about. I pursue what I really wanted to pursue. I become someone's apple of the eye but everything went unwell...