PROLOGUE
Sheryl's POV
Nagising ako sa sunod sunod na tahol ng aking alagang aso. Nang imulat ko ang aking mga mata, biglang sumakit ang aking ulo. Pinilit kong bumangon, at ininat ang aking katawan.
Isang linggo na rin ang nakalipas noong nag umpisa ang pasukan, monday na pala ngayon, may pasok pa ako ah! Sino kaya ang nag dala sakin dito? haysstt buti nalang talaga dumating siya para iligtas ako.
Nabaling ang tingin ko sa pintuan, nang bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Ate Ash na halatang nag-aalala. Naglakad siya palapit sakin, saka umupo sa aking higaan. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
"Are you okay na Sheryl? May gusto ka bang kainin o inumin? Kamusta na ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong niya sakin.
Marahan akong bumuntong hininga, saka ko tinanggal ang kamay niya na nasa magkabilang balikat ko. Hinawakan ko at tumingin sa kaniya ng diretso.
"Medyo okay na po ako ate."
Ngumiti ako sa kaniya, para hindi na ito mag alala pa. Kilala ko si Ate, sisiguraduhin niya talaga na okay ka. Parang hindi siya sigurado sa naging sagot ko, pero pinilit niya nalang akong intindihin.
"Mabuti naman, basta next time mag iingat ka ah." Tumango lang ako.
"Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sayo."
Umiwas ako ng tingin, gusto kong humingi ng tawad sa kanila. Hindi ko rin naman kasalanan or inexpect ang nangyari kahapon. Malay ko ba na may mga ganun palang nakapasok sa village namin.
"Sorry po ate ash."paghingi ko ng tawad sa kanya.I can't blame them, alam kong sobra silang nag-alala sakin. Walang may gusto sa nangyari. Kaloka na-iistress ako.
"Okay na yun, ang importante ay ligtas ka," tipid siyang ngumiti.
"Buti nalang talaga at may tumulong sayo."
Napa-isip ako saglit, yun pa nga pala. Sino kaya yung tumulong sakin? I want to know him, at saka gusto ko rin siyang makita, para sa ganun ay mapasalamatan ko siya. I owe him my life.
"A-ah ate Ash, kilala niyo po ba sya? I mean namumukhaan niyo po ba siya?" Nagbabakasakali na baka kilala niya.
"Hindi... hindi ko siya namumukhaan."
Sayang naman, gusto ko pa naman sana siyang pasalamatan. Sana nagpakilala siya tsss. Tumingin ako kay ate, nakatingin parin ito sakin.
"Sige po ate."
Ngumiti siya at saka marahang tumayo. Tumayo na rin ako at humarap sa kaniya. Bilib talaga ako sa self ko, mas mataas pa ako kay Ate charooott.
"Okay mag handa ka na, I'll leave na rin."
I just nodded at her. College na si ate, at next year g-graduate na siya. Oh diba ang bongga, samantalang ako high school pa lang.
Tumayo na ako para mag handa, at gawin ang morning routine ko. Maaga pa naman, 6:00am pa at 7:30am ang umpisa ng klase namin. Habang naliligo, bigla nalang nag flashback ang nangyari sakin kahapon.

BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Roman pour AdolescentsSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...