Chapter Thirteen

407 19 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

AFTER BREAKFAST, pumunta kami sa bagong branch ng Bustamante Mall. Next week, ang opening

"Grabe, tao nalang ang kailangan working na 'to. Maliligaw ako dito"

Rinig kong natawa sila kaya napalingon ako sa kanila

"Bakit lagi mong sinasabi na maliligaw ka?" tanong ni Miguel na kinangiti ko

"Kasi totoo, maliligaw ako sa ganito kalaking lugar"

"Hahahaha, ilang beses syang naligaw noon nung nasa Tournament sila at mga Malls"

Sinamaan ko ng tingin si Simon at inirapan. Napatingin ako sa napakalaking glass wall at wala sa sariling nilapitan yun. Humawak ako sa railings "Ang ganda pala ng view dito" sabi ko at napangiti

"Iiwan ka namin dito. Lilibutin lang namin yung buong building tapos babalikan ka namin" sabi ni Simon

Nilingon ko sya at tumango "Hindi ako aalis dito"

"Are you sure you'll be alright here?" tanong ni Lincoln

"She'll be fine here. Kaya nyang makatagal ng buong magdamag na nakatitig lang dyan" sabi ni Simon at ginulo ang buhok ko bago sila umalis

Umupo ako sa railings at tumingin sa magandang tanawin

Makalimot at maging masaya. That's all I need for now

LUCAS ZANE'S POV

AFTER AN HOUR of roaming around the branch, we're heading back to the floor where we left Genesis

"Naiinip na yata yun" Miguel said then smiled

"Hindi aalis yun, takot lang nun maligaw" Simon said and laughed silently

"Let's go, assholes" I said in irritated tone before stepping out the elevator

"-------Hahahaha. Thank you.......Love you too, bye"

"Hoy! Anong love you?! Sino yan?!"

Who the fuck is she talking to?

CYRILLE GENESIS POV

KINUHA KO ang phone ko sa bulsa nang maramdaman kong nagvibrate yun at sinagot

"Hello?"

(Sis! Abusado ka!)

Napangiti ako "Hi to you too, Queen"

(Kasama mo ang mga Papa na Uncle ni bebe Lexie tapos si Papa Simon! Sinolo mo na girl!)

Napailing ako at tinignan ang tanawin "Kamusta kayo dyan?"

(Alila sa opisina, ano pa ba?)

"Bawi ako pagbalik"

(Ano pa nga ba?)

"Hahahahaha. Thank you"

(Tinawanan mo pa ako. Sige na, sis. Lab yah, babye)

"Love you too, bye"

"Hoy! Anong love you?! Sino yan?!"

Nabitawan ko yung phone ko at kumapit ng mahigpit sa railings sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa nahulog kong cellphone at tinignan ng masama si Simon

Nagpeace sign sya at nahihiyang ngumiti

Bumaba ako mula sa pagkakaupo sa railings at kinuha ang cellphone ko. Basag na tsk!

"I'll buy you a new one"

Tinignan ko sya ng masama "No need. May extra ako"

"Sorry na"

Inirapan ko sya at tinignan si Lucas "Uwi na tayo?"

Tumango sya at nginisian ako. Napaiwas ako ng tingin at muling tinignan ang magandang tanawin bago lumapit sa kanila

"Isang oras ka na dito, hindi ka manlang nainip?" tanong ni Lincoln

Umiling ako at binulsa ang phone ko

"Sandali. Sandali, nagkakalimutan tayo. Cyrille Genesis, sino yang kausap mo kanina at nag-I love you ka pa?"

Nilingon ko sya at binatukan "Si Queen yun. Wala kang kasing OA, Antimony" inis na singhal ko

Napakamot sya sa batok at nilaro-laro ang daliri nya "Sorry. Akala ko kung sino"

"Makahinala ka. Anong akala mo sakin pumapatol sa kung sino-sino?"

Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Simon yung ground floor. Sinundot-sundot ni Simon yung tagiliran ko "Tigilan mo ako, Benjamin. Ibabalibag kita"

"Sorry na-----"

"Pang-ilan na ba 'tong cellphone ko na nasira mo ngayong taon"

"Seven"

Tumango-tango ako "Mahusay, bilang na bilang mo. Ayos lang, sanay na ako" sarkastikong sabi ko

"Sorry----"

"Tsk! Naririndi na ko"

Tumahimik na sya. Kalalaking tao, ang ingay-ingay tsk tsk!

"Sure kang may extra phone ka?"

Inis na nilingon ko sya "Oo tapos sirain mo ulit. Tigilan mo na ang kakasalita naiirita na ako"

Kulit-kulit talaga!

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now