Chapter Seventeen

383 19 0
                                    

SIMON'S POV

"YOU WILL be very beautiful in the party, Genesis. I'm excited" Kate said happily and smiled from ear to ear

Nagbago ata ang ihip ng hangin sa dalawang yun. Genesis knows how to manipulate people and play them with her hands without her knowing. She's dense sometimes tsk.

"Hoy baka kung ano ano ipasuot mo dyan. Bawal ang revealing at masyadong maikli" sita ko sa kanya

Inirapan nya ako "Let Genesis show some skin. Makabawal ka naman, are you her Father?"

"Guardian. I have the rights" mariin na sabi ko at nakipagsukatan ng tingin

Una syang bumawi ng tingin "Fine, not too much but at least a bit"

"Ayoko ng sobrang baba ng neckline, ayoko rin ng backless at mas lalong ayoko ng masyadong expose ang legs"

"Pagsuotin mo nalang kaya sya ng turtle neck and jeans. Epal ka!" singhal nya sakin

"Tsk! Basta bawal, mabastos pa yan. Mapapatrouble nanaman ako......" nilingon ko si Stef "Ikaw rin pati ikaw" sabi ko rin kay Kate

"Hoy! May sarili kang binabakuran" sabi ni Miguel

Nginisian ko sya at tinignan si Genesis. Nanlaki ang mata ko ng makita na masama ang tingin nya sakin. Pinanlakihan ko sya ng mata pero hindi sya natinag at tinaasan pa ako ng isang kilay

Tigas ng ulo tsk!

Nagiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain

CYRILLE GENESIS POV

"WALA kayong lakad?"

"Mamaya pa" sabi ni Simon at umupo sa tabi ko

Nandito kami sa bench sa labas ng bahay

"Ayos ka na?" tanong ko at inayos ang buhok nya

"Of course. Pasensya kahapon, nalungkot ka nanaman"

Bumuntong hininga ako "Kawawa talaga tayo"

"Hindi naman"

Sumandal ako sa braso nya at pinikit ang mata ko "Pinag-alala mo ako, Antimony. Kailangan mong bumawi ka sakin"

"Nakatulog ka ba?"

Tumango ako at umayos ng upo "Gusto ko ng cake"

"Let's go, gagawan kita"

"Calamansi cake"

Nanlaki ang mata nya at napahalgapak naman ako ng tawa. Epic talaga itsura nya tsk tsk!

"Pinagtripan mo nanaman ako"

Tumango ako at naunang pumasok ng bahay

"San kayo galing?" tanong ni Stef

"Sa bench, nag-usap. Anong favorite flavor mo ng cake?"

"Hmmmm. Mocha why? Gagawa ka?"

Tumango ako at hinila si Simon sa kusina

"Bakit kasama ako?"

"Pagood shot" nakangising sabi ko at kumuha ng mga sangkap

"Ehem!"

Napalingon kami sa pinto ng kusina

"Can we talk Genesis?"

Nilingon ko si Simon at sinenyasan sya. Lumapit ako kay Lucas at hinatak nya ako paakyat. Pumasok kami sa kwarto nya at sinandal nya ako sa pinto ng isara nya iyon

"Bakit ba?" takang tanong ko

"Diba nagbilin ako na hindi ka gagalaw sa kusina, tigas ng ulo mo ah"

Oo nga pala tsk! "Magbebake lang naman kami"

"Hindi pwede"

"Edi wag" sabi ko at tatalikuran sana sya pero bigla nya akong niyakap. Napangiti ako ng isubsob nya ang mukha nya sa leeg ko

"Nagseselos ako kay Arevalo. I wanna wring his neck and bury him six feet underground"

Natawa ako ng mahina at nilayo ang mukha nya sakin "Gagawan kita ng cake, anong gusto mong flavor?"

"I don't like cake"

"Cookies?"

Umiling sya "I want your lips"

Kinurot ko sya sa tagiliran na hindi naman nya ininda "Sakit na yan, tumigil ka"

"Your lips looks edible and sexy. They're inviting me again"

"Ang landi-landi mo. Shoo! Babalik na ako dun"

"Can we go out tomorrow?"

Kumunot ang noo ko "San mo naman ako dadalhin?"

"You like nature right? Edi dun"

"Are you asking me out on a date?"

He smiled at me "Yes" diretsyong sagot nya at nakatingin pa sa mga mata ko

"Hmmmm..." nagisip pa ako kunwari at ngumuwi "Geh na nga, pinilit mo ako eh"

Natawa sya at hinalikan ako sa noo "Ice cream ang gusto ko. Rocky Road and Double Dutch Flavor. I don't eat cakes"

"Okay" sabi ko at hinila sya palabas. Dumiretsyo kaming kusina at binigay ko sa kanya ang isang gallon na Rocky Road Ice Cream at spoon

"Wow! Boss, Ice cream hehe. Bata yan?" pang-aasar ni Simon

Tinignan lang nya ng masama si Simon at nilantakan yung ice cream. Nagsuot ako ng apron at tinali ang buhok ko

Naghugas ako ng kamay at tumulong kay Simon sa paghahalo nung mixture

Saming dalawa, mas mahilig si Simon sa ganitong bagay. Hilig kasi 'to ni Tita Serra, Mommy ni Simon, namana nya kaya tinuruan nya ako at nakahiligan ko na rin

"Wow! You two can bake?..." napatingin kami kay Stef "Akala ko ikaw lang Genesis?"

Nginisian ko sya at kinindatan bago isalin yung cake sa bilog na lalagyan

"Lincoln, look at your brother. He's eating ice cream" natatawang sabi ni Miguel

Nagulat pa si Lincoln at maya-maya ay natawa rin "Since when did you go back to your childhood big brother?" asar ni Lincoln

Inismiran lang sya ni Lucas at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Bigla nyang tinapat yung spoon sa bibig ko pero sinubo ko yun sa kanya

"Bawal ako sa rocky road flavor" sabi ko

"Why?" takang tanong nya

"Peanuts. Allergic sya sa peanuts" sabi ni Simon na may hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha

"Sorry. I didn't know"

Rinig ko ang pagsinghap ni Stef at naibuga naman ni Miguel yung iniinom nyang tubig. Habang yung iba ay parang nakakita ng alien na nakatingin kay Lucas at kahit si Lucas, mukhang nagulat rin

Problema nila?

Nilagay ko sa oven yung cake at bumalik sa tabi ni Simon para gumawa ng icing. Kumunot ang noo ko ng makitang tulala parin sila na nakatingin kay Lucas. Siniko ko si Simon na parang kinabalik nito sa realidad at tumingin sakin

"Anyare sa inyo?" takang tanong ko dahilan para makagalaw sila. Mukhang tanga tsk!

"Grabe ang lupet mo, Genesis" sabi ni Miguel na mas kinataka ko

"Wala naman akong ginawang kakaiba ah? Nagpasok lang ako ng cake sa oven? Anong malupet dun?" kunot noong tanong ko

"Tss. Don't mind them" sabi ni Lucas

"Ako na dyan, Genesis. Upo ka na" sabi ni Stef at nagsuot din ng apron saka naghugas ng kamay

Hinubad ko yung apron ko at naupo sa tabi ni Lucas

Ang weird nila lalo. Anong bang meron sa salitang 'sorry' at natigilan sila? Tsk tsk!

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now