Chapter Fifty Five

409 19 1
                                    

LUCAS ZANE'S POV

I sat at the chair beside her bed and held her hand

"Baby, it's been three days. Akala ko ba mabilis lang? I'm waiting"

I kissed the back of her palm and stared at her angelic face "You're so beautiful, my Angel. Since the first time, I saw you outside of your school. I already knew that you are the one. Kahit na bata ka pa nun, I marked you as mine already. The Bustamante's Legendary Mark" I combed her hair using my fingers "I love you, Genesis. Please wake up...wake up for me...."

I pressed my forehead to hers "I miss seeing you smile genuinely, baby. I want to see your eyes looking at me------"

"Like this?"

I stunned and looked at her

"Hi Lucas, I'm awake now" she said and smiled

My angel.....my beautiful angel

CYRILLE GENESIS POV

Bigla nya akong hinalikan ng mariin pero agad rin syang bumitaw

"Ano ba yan? Kagigising ko lang, minamanyak mo na ako? Alis nga!" sabi ko at bahagya syang tinulak

"I love you" sabi nya at hinalikan ako sa noo

Napangiti ako at humawak sa tama ko. Hindi na sya masakit na masakit hindi kagaya nung nakaraan, wag lang gagalawin tsk! Baka matadyakan ko ang gagalaw nito

Nagising ako ng mga ilang minuto nung hindi ko alam kung kailan eh. Walang tao na nagbabantay at sobrang sakit ng sugat ko kaya natulog nalang ulit ako tsk!

"Gising na sya!"

Nagsipasok lahat. Nak ng! All star cast tsk tsk! Walang kasing OA ang mga 'to

"Are you okay now, baby sis?"

Inismiran ko sya "Ang OA nyo" sabi ko at inabot ang tubig sa table

Syempre dahil OA rin si Lucas, binuksan nya pa yung para sakin at inalalayan akong uminom. Tsk! Bata ba ako tsk tsk!

"How's your wound?" tanong ni Kuya Miguel

"Hindi nagsasalita ang sugat, wag mong tanungin" pamimilosopo ko na kinasama ng tingin nya sakin "Joke lang. Ayos na ako. Ayoko dito sa ospitak, iuwi nyo na ako"

"Nope!" mabilis na tutol nila

"Bakit?"

"The anesthesia just wear off earlier. Sasakit yan kapag gumalaw ka or worst baka bumukas ang tahi mo" sabi ni Aaron. Tsk! Doktor!

"Alam nyo naman na ayoko sa lugar na 'to, diba? Sa bahay nalang, hindi ako magkukulit. Susunod ako basta iuwi nyo na ako" sabi ko gamit ang pinakamalungkot na boses ko at napayuko ng bahagya

Rinig ko nagbuntong hininga sila

May makakatanggi ba naman sa charms ko syempre wala, payag na yan hehe

"Fine but...care to explain"

Nilingon ko si Lucas at nginitian sya "Hehe sorry. Ilan ba nasapak mo?"

Nagiwas sya ng tingin at inismiran ako

"Hoy wag kang maarte, Bustamante. Perpekto ang plano ko----"

"Really then why are you here then?" sarkastikong sabi nya

"Oo planado lahat. Kasabwat ko pati pamilya mo pero Lucas kung hindi ko ginawa yun sa tingin mo mapapakulong natin sila? I just want a justice for my parents. Marami na silang napatay, ayoko nang madagdagan pa. Sorry na"

"Don't do that again, baby sis" sabi ni Kuya John at ginulo ang buhok ko

"You scared the shit out of me" sabi ni Kuya Miguel at nagiiling na tinignan ako

Nilingon ko si Simon na nakatingin ng masama sakin pero kalaunan ay bumuntong hininga "Best friend kita, oo at suportado kita sa lahat ng bagay pero konting ingat naman! Nagquit ka na sa pagiging action star pero bakit bumalik ka nanaman? Bida-bida ka talaga eh!"

Tsk! Daming sinabi tsk tsk!

Tinignan ko si Lucas at sinundot-sundot ang pisngi nya "Sorry na, Lucas..."

"..."

"Uyyy pansinin mo naman ako"

"..."

Hinalikan ko sya sa pisngi "I love you"

"..."

Kumunot ang noo ko "Sige wag mo akong pansinin, hindi kita pakakasalan?"

Awtomatiko syang napalingon sakin at niyakap ako sa bewang "Kidding, baby. I love you too, Marry me please"

Napangiti ako at hiniling ang sarili ko sa kanya "Pakasalan mo na ako, Bustamante. Tutal may basbas na tayo, proposal at pamamanhikan mo nalang ang kulang"

Kumunot ang noo nya at takang tinignan ako

"Handa na lahat. Si Kuya John ang nagayos. Bilis-bilis ang kilos, naghihintay ang simbahan baka tumakbo yun"

Nanlaki ang mga mata nya at hindi makapaniwalang nakatitig sakin. OA nanaman tsk tsk! Nilingon ko si Sir Lucian hehe Papa Lucian pala

"Saan ba nagmana ng kakuparan 'to? Pumalya ata ang dugo nyo dito, Papa Lucian"

Natawa naman sya "He's a softy when it comes to his relatives and you, iha. Bear with him"

Ano pa nga ba tsk tsk! Nandito na eh

Nilingon ko si Lucas "Uyy! Ano ka na? Tulala parin?"

"I-i'm shocked, baby"

"Halata nga, boss. Grabe lakas ng karisma mo bespren" natatawang sabi ni Simon

Tsk! Mga OA talaga!

****

Epilogue is next.....

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now